89// Para sa iyo

11 4 0
                                    

Ano nandyan ka na naman sa parteng nahulog ka na sa kanya
Kaso siya natapos nang maghintay sa iyo
At naroroon na siya
Sa babaeng tunay na nagpapasaya sa kanya

Muntik na sana
Kaso huli na yung "kayo"
Kasi nanatili ka pa kasi sa taong
Unang sumuko sa iyo :(

Sa umpisa pa lang ng mabihag mo ang puso niya
Hindi ka pa tapos magmahal sa taong
Inakala mo na habang buhay iyong makakasama
Inakala. . .
Kasi yung akala mo na walang hanggan
Ayun nagkaroon ng katapusan

At ng mapansin ka niya at nang sinubukan niyang mapalapit sa iyo
Kinausap mo nga siya pero
Iyo ring binigo
Kaya ngayon heto na naman kayo

Nang mapagod siya sa kakaintay na baka sakaling mapansin mo rin siya
Kaso huli na talaga
Nung nalaman mo ang halaga niya
Ayun na siya, at ang pinto sa buhay mo
Ay tuluyan niya nang sinara

Hindi ito para sa akin
Kundi para sa iyo
Sa taong ang mga mata ay laging mugto
Sabihin na natin na minamaskarahan mo ng ngiti ang lungkot mo
Hindi ko makita ang mga ngiti
Kasi laging namamasang mata ang aking nakikita
Sa tuwing mga mata ko sa iyo ay nagagawi

Inked.Where stories live. Discover now