81//Story: Talumpati ni Kim

20 3 2
                                    

TALUMPATI: Hindi ko na siya Girlfriend sa susunod na ikalabing apat ng Pebrero

Ikalabing Isang baitang ng Hayskul na ako. At katulad ng Napagusapan dumating ang araw ng aming “Unrehearsed” o “On The Spot” na Talumpati. Kinakabahan ako habang hinihintay ang pagbanggit sa pangalan ko. Swertehan lang kung mapadali ang aking makukuhang paksa. Sana swertehin ako, Sana madali lang.

Jimena, Kim Brian❞, Matapos banggitin ang pangalang kanina ko pa hinihintay bigla na lang nanlamig ang aking kamay. Kinakabahan ako. Sapagkat sa Talumpati na ito ang magiging basehan ng aking grado sa Pagbasa at Pagsulat. 

Isa… Dalawa.. Tatlo… Ang mga hakbang na ginagawa ko ay tila ba nanunukso. Parang hinihiyawan nila na hindi ko magagawa, na tila ba matatalo lang ako. Palapit ako sa maliit na lamesa. Napapikit habang ang aking mumunting kamay ay lumubog sa dagat dagatang papel. Isang swertehan lang sana. . . Kasabay ng aking pagmulat ang pagtaas ng aking kamay na kung saan nakalakip ang isang pirasong puting papel. 
Sana ito na. . .

Bibigyan kita ng limang minuto para gumawa ng Talumpati at Limang minuto para ibahagi ito sa ating klase❞,Napapikit ako. . ng malantad ang mga salitang nakasulat sa papel. Bumuntong hininga habang naghahanap ng mga salita.

Napatingin ako sa kanila nab akas sa mukha ang kuryusidad tungkol sa nakuha kong paksa na may halong kaba. Pero hindi mukha ng mga kaklase ko ang aking nakita, kundi ang malademonyong mga mata na tumatawa. 

Magkakamali ka, Magkakamali ka❞,Impit na tawa. Tumatagaktak ang pawis ko. Sampu. . . Siyam. . . Walo… pito. . . Naninikip ang aking dibdib. Ano ang aking gagawin?

Anim. . . Lima. . . Isang buntong hinga. Kaya mo ito Kim. Kaya mo ito. Mga salita lang yan na kaya mong pagtagpi tagpiin. Mga salitang kaya mong Tahiin.

Nang Makita kong senyasan ako ng aking guro na magsimula nang manalumpati. Ngumiti ako. Ang buong Klase ay nanahimik, tila isang anghel ang dumaan. Nakatitig sila sa harapan kung saan ako ay naroroon. Isang pagkakamali lang sigurado ako ay kanilang huhusgahan at pagtatawanan.

Pagibig. Isang makamandag na lason na sa puso natin kakapit. Isang misteryo na tanging malalaman lamang ang kahulugan kung ikaw ay malulunod sa mapang akit nitong alon. Tama ka kaibigan, Pagibig ang aking paksa pero hindi lang basta simpleng Pagibig. Sapagkat Hindi ko na siya Girlfriend sa susunod na Ikalabing apat ng Pebrero❞,Marami ang natawa mula sa aking sinabi. Sino ba naming hindi? Sapagkat ako din ay nawindang nang mabasa ang aking paksang nabasa. Pero hindi porket may kabaduyan ang tema ay kailangan ko nang ibalewala. 

Bakit? Oo tama kayo nang narinig. Hindi ko na siya magiging girlfriend. At hindi na kami magda-date sa ano mang resto. Hindi na kami mamamasyal at magsasama, spagkat hindi ko na siya magiging girlfriend.

Wala nang pangako na sa kanya’y ibibigay. Wala nang rosas na sa kanya ay iaalay sa araw na iyon sapagkat wala na kami ng aking Girlfriend sa susunod na ikalabing apat ng Pebrero.❞,Napatingin­ ako sa aming guro na panay lang ang tungo at sa mga kaklase kong kanina lang ay nagtatawanan na naging seryoso muli.

Naalala ko pa noong una ko siyang makita.Unti unti nagkalapit hanggang niligawan ko siya. Sinuyo ko siya ng ilang ulit hanggang makamit ang kanyang matamis na Oo. Yung ngiti niya na nagpapaliwanag sa mundo ko. Yung mga mata niya na nagpapaalala na hindi ako nag iisa na nariyan siya sa tabi ko. Yung matamis niyang boses na nagpapatahimik ng mga demonyo ko. Siya ang aking anghel, Kung magkabaliktad man, ako ang kanyang Daniel at siya ang aking Luce. Siya si Juliet na aking pilit inaabaot. Katulad ni Jack, siyang aking Rose, sa kanya ako’y handing lumubog. Pero alam kong maraming mapapaisip. Kung mahal ko ba talaga siya bakit hindi na magiging kami sa susunod na Ikalabingapat ng Pebrero❞ Maraming ngumiti na nagpangiti sa akin. 

Sapagkat sa Araw na iyon, hindi na pansamantalang tawag ang sa kanya’y ibibigay. Pangmatagalan na ito at habang buhay. Sa araw ng Pebrero, hindi na makulay na damit ang kanyang isusuot. Mawawalan ito ng gana ngunit ito ay sisimbolo ng malinis na pagmamahalan. Hindi na sa mga Resto kami magkikita kundi hihintayin ko siya sa altar ng simbahan. Walang rosas na ibibigay sa kanya ngunit singsing na sisimbolo ng aming wagas na pagmamahalan. Hindi kami mamamasyal ngunit siya ay aking pakakasalan sa harap n gaming minamahal at sa basbas ng pari ng simabahan. Ang matamis niyang ngiti ay sisilaw sa akin at ang kanyang mga mata ay luluha ng galak. At ang pinakamatamis na musika sa buong mundo ay akin nang maririnig. Magmumula sa kanyang labi, ang kanyang napakatamis na tinig na tanging sasabihin lang ay wagas na pagmamahal. Wagas na pagmamahal sa akin ipapangako habang buhay. At bilang simbolo ng kanyang taos pusong pagmamahal, iaalay ko sa kanya ang tanging yaman ko sa mundo na magsasabing iginawa siya sa akin ng panginoong Diyos. Iaalay ko sa kanya ang aking apelyido. Habang buhay niya itong isusuot❞,marami ang naluha nang tingnan ko muli sila. Isa muling ngiti.

Hindi kayo nagkakamali kung sasabihin ko na hindi ko na siya magiging Girlfriend sa susunod na Pebrero sapagkat siya na ang magiging asawa ko. Ang makakabiyak ng puso ko at sabay naming papalakihin ang aming mga anak.Hindi ko na siya Girlfriend sapagkat ang pagmamahal naming ay hindi na magiging pansamantala , ito na ay magtatagal. Mahal kita, mahal na mahal❞,Nang matapos akong manalumpati nagpalakpakan lahat sila. At nakatanggapa ako ng pagsang ayon mula sa aking guro. 

Ang Lupet nun Kim!❞

❝Lodi!❞ 

Napangiti ako sa kanilang pagbati. Ngunit hindi nila alam na siya ang naging dahilan ng lahat ng ito. Pagkatapos ng aming klase kaagad akong dumiretso kung saan naroroon siya. 

Hello❞ 

❝Hi❞ 

Ang babaeng nais kong pakasalan. Ang babeng nais kong makasama habang buhay.

Inked.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon