57//Poem: Untitled

9 2 0
                                    

Isa... Dalawa... Tatlo...
Tatlong hakbang hanggang magtapat ang ating pwesto
Ang kalangitan ay biglang kumulimlim
At biglang nanlamig ang simoy ng hangin
Tila ba isang bagyo ang nagbabadyang mabuo  sa pagitan natin

Nakatayo ako sa tabi mo...
Ang mga kamay natin ay isang sentimetro ang layo
Pero tila ba isang kalawakan ang agwat
At Hindi ko magawang mahawakan ang iyong kamay
Nakatitig ako sa mga mata mo
At ang mata mo ay siya ring bumabalik sa aking titig
Na tila ba nangungusap na okay lang ang lahat
Na magiging okay lang ang lahat
Ang mga labi mong nakatiklop ay biglang gumuhit nang isang ngiti
Na tila ba nagpaparating nang senyales na kanina ko pa hinihintay
Binuka ko ang aking bibig
At nagsimulang bumuo nang mga salita
Pero tila ba ako'y napipi at hindi ko nasabi ang nais kong bitawan
Pero nagulat ako nang hawakan mo ang aking kamay
Naramdaman ko ang lamig
Na napalitan nang init
Pero sa huli binitawan mo nang tuluyan at naglakad ka palayo

Gusto Kong sumigaw
Gusto Kong lumapit sayo
Isigaw na "Mahal kita Simula pa man"
"Mahal pa rin kita kahit ngayon pa man"
Pero ang mga salitang nais Kong ipagsigawan
Ay tila ba makamandag na lason
Na nagtatago sa aking isipan

Mahal kita. . paulit ulit ang mga salita sa aking isipan
Pero sa halip na iyong marinig
Nanatiling pipi at lumuluha sa paghihintay nang iyong paglaho sa aking harapan

Isa.. Dalawa... Tatlo...
At tuluyan ka na ngang naglaho sa aking harapan
Nanatili akong nakatlujod sa kawalan
Until hunting binabalot nang kakaibang sakit
Hindi alam kung ito ba ay kayang lunasan

Inked.Where stories live. Discover now