82//Poem: Kea

9 3 0
                                    

Minsan ko nang tinanong ang mga nahuhulog na bituin
Kung kailan ang tamang pagibig tatama sa akin
Kung saan ko siya makikilala at matatagpuan
Ilang ulit na rin ako'y naghanap
Hanggang maligaw
Ngunit sa isang konsyerto ko lang pala
Isang anghel, ng aking mga mata'y natanaw
Nagpapasalamat ako ng lubos
Nang ikaw ay aking nakilala
Kahit man ako'y nahihiya
Naglakas loob akong ikaw ay aking muling makita
Nagpapasalamat ako na kahit hindi ako ganon kagwapo
Ako pa rin ay kinausap at tinanggap mo
Ngunit labis labis akong nasaktan
Hindi ko pa man nasisimulan ang ika'y ipaglaban
Kaagad mo akong binitawan
Alam kong pinatigil mo na ako
Ngunit susuko na ba ako?
Mas lalo ko lang napagtanto
Kung gaano ko talaga ikaw kagusto

Ikaw yung babae na alam kong maraming nagkakagusto
Sa magandang mata mo pa lang nahumaling na ako
At ang iyong boses na kay tinis
Tila instrumentong tumutugtog sa aking pandinig

Nakakalungkot lang isipin na
Ang mga ito'y ayaw mo nang iparinig
Isang kahibangan nga naman
Kung iisipin
Ikaw ay ang prinsesa sa palasyo
At isa lamang  akong sundalo mo
Hanggang tanaw na lamang ba ako sa iyo?

Minsan ko na ring tinimbang
Ang nga damdaming sayo hirang
Sa nahuhulog na bituin
Ay patuloy na nananalangin
Ikaw na kaya ang tamang pagibig para sa akin?

Inked.Where stories live. Discover now