Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

CHAPTER 4

23.8K 810 79
                                    

CHAPTER FOUR

Life Is Short


Tahimik ang bibig ko sa mga sumunod na minuto. Simula sa pagkalutang ko ng sundan siya sa kanyang sasakyan hanggang sa baybayin na namin ang daan patungo sa bahay. Ayaw ko man siyang payagang gawin ang suhestiyon pero wala na akong nagawa. I can't convince him that I am okay because even when I'm now seated beside him, I can still taste my fears. Hindi lang iyon. Maging ang patuloy na kabang nananalaytay sa aking buong sistema ay damang dama ko pa rin.

Napangiwi ako ng makita ko ang sariling kong wala sa huwisyong nakatitig sa kanyang gawi na abala naman sa pagmamaneho at pagsulyap-sulyap sa teleponong kanyang hawak.

"Y-You know you should not text and drive, right?" Hindi ko na napigilang ibulalas lalo pa't sinalakay na naman ang utak ko ng mga nangyari kanina.

The police said earlier that the driver is texting while beating the red light at dahil sa paghagip nito sa buntis kanina'y nawalan na ito ng kontrol at napunta sa lane ko't diretso sa isang restaurant.

"I'm not. I'm just checking my messages."

Iniwas ko ang titig sa kanyang gawi at umayos ng upo sa aking upuan.

"Parehas lang 'yon," Mahina kong bulong. "Delikado pa rin." Dagdag ko.

Hindi siya nagsalita pero sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtanggal ng atensiyon sa kanyang telepono at agad itong inilapag sa dashboard pero kahit na naroon na ito ay patuloy pa rin siya sa pagsulyap, tila may hinihintay na mensaheng sobrang importante.

I should just thank him and mind my own business but I can't. Using phone while driving is dangerous. Mamalikmata ka lang ay marami ka ng masasaktan. Hindi lang ang taong maaaksidente mo kung hindi pati na rin ang mga pamilya ng mga ito. 

Ipinilig ko nalang ang aking ulo sa direksiyon ng bintana. Nagsimula ng umilaw ang mga poste sa kalsada habang padilim naman ng padilim ang paligid.

Nanahimik ako ulit. Tahimik lang rin siya kaya hindi na ako nagsalita. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng makaramdam ako ng pagod pero imbes na 'yon ang gawin ay mas lumaki ang pagkakadilat ko ng makita ang pagliko niya sa isang kalsadang hindi pamilyar sa akin.

Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya pero bago pa ako nakapag-reklamo at pagbintangan siya ng kung ano-anong masasama ay agad na siyang nagpaliwanag na tila nabasa na ang gusto kong sabihin.

"Shortcut." Tipid niyang sabi pagkatapos akong sulyapan ng mabilis.

"Alam mo ba talaga kung saan ako ihahatid? Kasi baka maligaw lang tayo." Napahinto ako ng makita ang paglipad ng tingin niya pabalik sa kanyang telepono imbes na pakinggan ako.

I cleared my throat and that forces him to look at me again.

"Alam ko ang daan."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Paano? Doon ka rin ba nakatira kaya alam mo?"

Mabilis ang naging pag-iling niya at pagkatapos ay pinag-igi ulit ang ginagawa.

"I know some people who live in that place."

Napakurap-kurap ako ng maisip na hindi malabong doon rin siya nakatira. Hindi rin malabong totoo ang mga sinasabi niya dahil mukha naman siyang disenteng tao at walang gagawing masama... I mean, kung may gagawin man... Sayang naman.

It's rare to find a good looking man who's genuinely good inside. Sa panahon kasi ngayon kahit 'yung mga hindi kagwapuhan ay mas masama pa ang ugali kaysa sa mga taong may ibubuga. Kumbaga, kahit na hindi ko pa siya kilala at pagbabasehan lang ang hitsura, ang kanyang ayos, at ang ginawa niyang pagliligtas sa buhay ko kanina ay masasabi kong pwede na siyang humigit pa sa sinasabing perfect man ni Zydney.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon