CHAPTER 25

16.1K 815 109
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

Can't Take My Eyes Off You


"You alright?" siniko ako ni Zyd matapos tumabi sa akin.

Marami pa kaming balak puntahan at sinasamantala ko ang pagkakataon hangga't hindi pa siya busy sa pag-aaral. Naisip kong kapag umuwi na siya ay alam kong mahihirapan akong magsimula ulit lalo na't mag-isa na naman akong gagawin ang trabaho. Gayunpaman, positibo akong magagawa ko pa rin iyon. Kaunting pag-adjust lang ay kaya ko na ulit. Kung kinaya nga ni Lord na magpapako sa krus at magpahirap ng sobra para isalba ang sangkatauhan, ano pa kaya ang ipagpatuloy ang positibong buhay ng mag-isa? Walang wala iyon sa kalingkingan ng hirap na pinagdaanan niya.

"Yeah."

"Good! So bukas we're going to the sanctuary and then after that pupunta na tayo sa Balud to visit the ranch tapos we'll stay in the resort for a night since masyadong malayo ang biyahe at bitin kapag hindi tayo nag stay doon."

Tumango lang ako.

"Are you really sure you're okay?"

Nilingon ko siya at nginitian. "I'm fine."

"Are you sure? Parang hindi," nagsimulang mamutawi ang pag-aalala sa kanyang mukha. "May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa'yo?"

Akmang tatayo na siya pero hinawakan ko kaagad ang kamay niya.

"Wala. Okay lang ako, Zyd... Medyo napagod lang siguro sa halos araw-araw nating biyahe but I'm good."

"Do you want to rest for a bit? Nakakapagod naman talaga ang ginagawa mo at minsan ay kailangan mo ring magpahinga. Sige ganito nalang, we'll check out early tomorrow tapos sasaglit sa sanctuary then skip na sa ranch. Diretso nalang tayo sa Paraiso de Balud. Magtagal tayo do'n for at least three days para makapagpahinga ka. We can film a vlog on the first day and then rest na."

Hindi na ako tumanggi sa kanya. Bukod sa tama siyang pagod ako ay kailangan ko rin talagang magpahinga. Nitong mga nakaraan kasi ay parang mabilis na naman akong mapagod and that is not a good sign.

Kinabukasan ay nagpunta kami sa Buntod sandbar and reef marine sanctuary pero bago pa bumaba ng tuluyan ang dagat at mabalandra ang mahabang stretch ng sand bar ay nagpasya na kaming umalis dahil mahaba pa ang biyahe namin patungo sa kabilang dulo ng lugar. Limitado man ang oras pero totoong nag enjoy ako roon. It's a paradise. Sa lahat ng napuntahan kong tourist spot ay doon ako nag enjoy ng sobra. Hindi lang dahil sa mala crystal na kulay ng dagat kung hindi dahil para itong Maldives ng Pilipinas. My cousin and I were lucky dahil halos wala ring tao ng pumunta kami.

"We're now going to Paraiso de Balud. We'll probably arrive at the resort after 4 hours since may kabagalang mag-drive ang driver ko," natatawang sabi ni Zyd habang hawak ang cellphone ko't naka-live. Napanguso ako sa camera pero natawa nalang rin. "We'll update you guys later pero bukas na namin kayo ito-tour doon. Miss Right needs rest."

"Ikaw rin naman." nilingon niya ako pero ipinagpapatuloy pa rin ang ginagawa.

"Yup!" she paused and reads some interactions from the viewer.

Sinasabi niya naman at parehas naming sinasagot ang mga katanungan nila pero ang pormal kong pagkatao ay bahagyang naging alerto ng marinig ang sunod niyang mga salita.

"Yeah. Unfortunately we're not with Mr. Right. Kasi naman itong si Miss–"

"Asher is busy!" nagmamadali kong singit dahil baka kung ano ang masabi niya sa madlang wala na namang pahintulot ko! "And come on guys! Kayo talaga. Give him peace, alright? James 3:18, A harvest of righteousness is sown in peace by those who make peace." pangaral kong lalo lang nagpangisi sa babaeng katabi ko lalo pa't kasabay no'n ang pagwawala ng mga tao dahil sa naging takbo ng usapan.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon