Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

CHAPTER 12

22.7K 853 161
                                    

CHAPTER TWELVE

Kalahi Mo


Naputol ang aking paghinga dahil sa narinig. Naramdaman ko ang mas bonggang pagkalampag ng aking puso lalo na't ngayon ay lahat na sila'y nakatuon na sa akin. Tumayo na rin ang dalawang nakaupo sa may buhangin para makiusyoso sa nangyayari.

Hindi ako kaagad nakapagsalita nang humakbang pa siya palapit sa gawi ko. Kahit na pakiramdam ko'y nauupos ang lahat ng lakas ko ay buong tapang ko pa ring tinitigan ang kanyang madilim na mga mata.

Ang pinsan nitong si Eros at iyong Seth ay sinundan siya na parang inaabangan lang ang sunod niyang gagawin.

Napalunok ako ng makita ang pagtaas ng kanyang kilay ng hindi ko siya sinagot. Wala sa sariling napakapit ako sa bagay na nakasabit sa aking leeg.

"What? Pipi ka na rin ngayon?" Mapanuya niyang sabi.

Mariin kong kinagat ang gilid ng aking pisngi dahil unang una, hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng komprontasyon at pangalawa ay hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

"Tinanong na kita kagabi kung anong gusto mo para doon palang matapos na at hindi mo na ako sundan-"

"Hindi kita sinusundan ang kapal mo!" Malakas kong sagot pabalik dahilan para matigilan siya't gano'n na rin ako.

Wait, where did that came from?!

Ang tingin ko sa kanya kaninang mukhang asong galit lang ay naging parang leon na ngayon na handa na akong sunggaban isang maling salita ko pa.

Napailing ako ng lumagpas ang mga mata ko sa kanyang likuran at makita ang mga lalaking nagtatakip na ngayon ng bibig sa hindi ko malamang dahilan.

"Oh, shit!" Hiyaw noong katabi ni Seth.

Inis na nilingon ni Asher ang mga ito kaya madali silang nanahimik pero hindi naman nawala ang mga ngisi!

Sa pagbalik ng kanyang atensiyon sa akin ay binuwal ko ang aking mga kamay sa pagkakakapit sa camera at pagkatapos ay naghalukipkip.

Doon na siya natawa ng sarkastiko, hindi ko alam kung tinatago lang ba ang inis o pagkapahiya dahil mukhang ngayon lang may sumagot sa kanya ng ganito.

"Then why are you here?"

"Why not? Sa pagkakatanda ko, nag-book ako ng maayos rito kanina at maayos rin nila akong tinanggap. Kung alam ko nga lang na may masamang elemento palang nakasunod sa akin, e 'di sana hindi na ako tumuloy."

Nagpatuloy sa pagsisikuhan ang mga lalaki sa kanyang likuran na mas lalong ikinairita ni Asher kaysa sa mga sinabi ko.

"Lol! I'm not following you!"

Did he just said lol instead of actually laughing out loud?!

Itinaas ko na ang isang kilay ko. "Then why are you here?!"

"Damn..."

"Man down!"

"Tricky."

Sunod-sunod nilang komentong ramdam kong mas lalong ikinagagalit ngayon ni Asher.

"She's good..." Nakangisi at malakas na dagdag ng isang nasa likuran ng kayang pinsan.

Marahas niya itong nilingon. "Shut up, Trystan!" Aniya saka ako binalingan ulit.

Naramdaman ko ang pananayo ng aking mga balahibo sa katawan ng makita ang nakakalokong ngisi niya sabay hakbang ng dalawa pang beses palapit sa akin.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay CengCrdva, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni CengCrdva
@CengCrdva
Ex-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accide...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 47 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @CengCrdva.
The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon