CHAPTER 46

12.6K 660 76
                                    

CHAPTER FORTY SIX

Like It Was My Last


I didn't even shed a tear when Zydney began crying. Ang lahat ng galit niya ay mabilis napawi at hindi na ako nagawang bitiwan habang patuloy ang pagbuhos ng kanyang mga emosyon.

"Zyd... Enough–"

"No! No, Karsyn!"

"Zydney..." hindi ko nagawang segundahan ang mga salita ko dahil sa paghigpit ng kanyang yakap sa akin.

Hinayaan ko siyang umiyak pero hindi ko nagawang magpaapekto. Matapang kong pinutol ang aming yakapan at pilit na iniharap siya sa akin. Tahimik kong pinunasan ang walang tigil na pagkawala ng kanyang mga luha.

"Kailan pa?"

Napalunok ako sa kanyang tanong.

"The day I received the result of our annual physical test."

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Because you wouldn't let me do this. Hindi mo ako hahayaang gawin ang lahat ng ito."

"Dahil 'yon ang dapat!" mapait niyang rason sa akin. "You should go back and have yourself checked, Karsyn!"

"That will not make me happy, Zyd..." malungkot akong napayuko. "And you know that this will probably be my last life, right?"

"You can't say that, Karsyn! Hindi ikaw ang magdedesisyon no'n!"

Kahit na alam kong masama ang loob niya sa nangyayari ay nagawa ko pa ring maging kalmado. She's just upset at karapatan niya 'yon dahil naglihim rin ako.

"But that's the truth, Zydney..."

Doon na muling bumuhos ang kanyang mga luha.

"You don't have to cry. I'm okay... I'll be okay–"

"You are not okay kaya huwag mong sabihin 'yan sa'kin!"

Sa kabila ng mga luha niya ang nagawa ko siyang ngitian.

"You still have dinner to catch," ibinaba ko ang aking kamay patungo sa kanya. "And I want you to do it for me, please?"

Pupungas pungas niyang inayos ang mga luha pero agad akong inilingan.

"Zydney... Please?" ngayo'y malungkot ko nang pagmamakaawa sa kanya. "Do it for me... I'm begging you." umalon ang aking boses nang sumagi sa utak ko si Asher.

"Karsyn–"

"And you will not talk about this to anyone," marahas kong nilunok ang mga bara sa aking lalamunan. "Kahit kay Daddy... Mas lalo na kay Asher."

She just responded with a sob.

Matagal kaming nanatili sa aming pwesto. Siya na walang ginawa kung hindi ang pilit akong intindihin habang ako naman ay ipinapaliwanag sa kanyang magiging maayos lang ang lahat at pag-uusapan namin ang sitwasyon sa kanyang pagbalik.

Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang pasunurin sa lahat ng hiling ko sa kabila ng bigat sa kanyang dibdib dahil sa nalaman. Nang mawala si Zydney ay doon lang nasaid ang lahat ng tapang ko. Napapikit ako ng maramdaman ang pagtulo ng aking mga luha. Tahimik kong iniyakap ang comforter patungo sa aking katawan. Ilang beses akong huminga ng malalim at pagkatapos ay kinalma ang sarili. Sa ngayon ay hindi ko na muna iisipin kung paano ko sasabihin kay Asher dahil alam kong hindi pa ako handa at marami pa akong gustong gawin.

Idiniin ko ang aking mga talukap at mas pinili na kalimutan nalang ang lahat ngayong gabi. I just want to rest. Gusto kong kahit ngayon, makalimutan iyon dahil ayaw kong huminto sa lahat ng aking nasimulan. I want to continue what I've started until my last breath... Kahit ano pang mangyari, itutuloy ko.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon