CHAPTER FORTY EIGHT
His Vices
Isang minuto, dalawa, hanggang sa hindi ko na nabilang ang oras na lumipas na naging tahimik siya matapos kong sabihin ang kapalaran ko.
Ang lahat ng kulay sa kanyang mukha ay napawi habang pinoproseso ang lahat.
"I'm sorry..." pukaw ko sa nakakabinging katahimikang bumabalot sa amin.
Pinahid ko ang mga luhang umalpas sa aking mga mata pero kahit natapos na ako ay hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa utak niya at hindi ko rin alam kung paano siya kukumbinsihing ayos lang ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Maingat kong pinisil ang kanyang kamay dahilan ng pag-igting ng kanyang panga.
"I'm sorry–"
"You said you didn't have it? Sabi mo wala kang cancer?" mapait niyang tanong kaya muling umagos ang mga luha ko.
I don't know how to respond to him. Maliban sa lungkot ay nabanaag ko rin ang pagkadismaya sa kanyang mga mata ngunit nang hawiin niya ang kamay ko ay doon lang bumagsak ng tuluyan ang aking puso.
Mabilis siyang tumayo at tumalikod sa akin. Ang kanyang mga kamay ay inilagay niya sa kanyang bewang at tumingala na mukhang nagpipigil sa lahat ng emosyong nararamdaman.
Napasinghap ako ng bumaling siya sa akin makaraan ang ilang minutong pagpupuyos sa sarili.
"Pangako natin na hindi tayo magsisinungaling, 'di ba? There's no lie may come between us, remember? Pero bakit mo nagawa? Why did you lie to me?"
Malungkot akong umiling.
"I did not lie–"
"Then what is this? Anong sinasabi mong mamamatay ka, huh?!" napakapit ako sa kama ng tumaas ang boses niya.
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi habang hinaharap ngayon ang kanyang galit at sama ng loob. I knew this will happen. Alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat pero hindi ko inasahang ganito pala kasakit ang panuorin siyang nasasaktan.
"I did not lie, Asher... I'm being honest when I told you that I didn't have cancer because that's the truth. Wala akong cancer."
"Then why do you have to say that you are dying?!"
"Because I am, Asher. I am dying..."
"Bullshit!" napakumo ang aking mga kamay sa ibabaw ng kamang hawak ko dahil sa malakas niyang pagsigaw.
Alam kong galit siya ngayon. Alam kong disappointed siya at nahihirapan akong intindihin kaya wala akong pwedeng gawin kung hindi ang habaan pa ang pang-unawa sa kanya.
"I'm sorry..."
Inihilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong magpatuloy.
Kahit na nanginginig ang aking mga kamay ay nagawa kong iangat ang aking damit at tuluyan iyong tanggalin sa aking katawan. Nang maramdaman ko ang paghaplos ng aircon sa aking balat ay sandali akong natigil ngunit nang sumidhi ang mga emosyon sa kanyang mga mata ay dahan-dahan ko nang ibinaba ang aking damit na yakap ko sa gitna ng aking katawan, revealing the scar down the center of my chest. Ang pahabang peklat na iyon na tanda ng ilang beses kong paglaban kay kamatayan.
Tumayo ako at lumapit ng sapat sa kanyang pwesto pero naduwag akong hawakan siya. It's killing me to even look at him. Parang mas mahirap pang tanggaping nasasaktan ko siya kaysa sa sarili kong kamatayan.
"DCM," nanginig ang aking boses ng sambitin 'yon.
Napalunok ako ng makita ang pagtitig niya sa gitna ng aking dibdib pero nagawa ko pa ring magpatuloy.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...