CHAPTER 33

15.9K 752 160
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

God Is In Control


"Thank you," malumanay niyang bulong sa aking tenga habang yakap ako.

Nakayakap rin naman ang mga kamay ko sa kanyang katawan pero hindi magawang pumikit at hayaan ang sitwasyon lalo na't naiisip kong wala siyang pang itaas na damit at ang nilalapatan ko ay ang mismong mabango niyang balat.

"But I don't know what will I do with the flowers. It's the first time someone gave me this so will you keep it instead?"

Tuliro akong tumango nalang. Damang dama ko ang malakas na pintig ng aking puso sa loob ng aking dibdib pero parang mas lalo iyong lumakas ng bitiwan niya ako.

"I'll put on some clothes on and we'll go."

Again, isang tango lang ang ginawa ko. Hindi na ako sumama sa loob ng kanyang kwarto dahil wala naman akong gagawin do'n at kaya ko naman siyang hintayin sa labas kaya iyon ang ginawa ko.

Hindi siya nagtagal. Wala pang limang minuto ay lumabas na siya at sabay na kaming pumunta sa dalampasigan kung saan imposibleng hindi mapuri si Kuya Roy at ang dalawa pa nitong kasama dahil sa ginawang espesyal na set up para sa amin.

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Asher hanggang sa iwan na kami ng mga lalaki at magsimula nang kumain. Ako naman ay hindi maubos ubos ang kaba. Bahagya lang iyong nawala nang makainom na ako ng gatas.

"I appreciate all of this Karsyn, thank you."

Ngumiti ako at tumango.

"You're welcome. Thank you rin kasi kahit na alam kong marami kang priority, pinili mo pa ring samahan ako kahit na hindi naman dapat."

"I will always say yes to you, right?"

Napanguso ako sa sinabi niya. Napupuno ng saya ang kaibuturan ng aking dibdib sa gitna ng kaba nito dahil bukod sa akin ay dama ko ring napasaya ko siya pero hindi ko inasahan ang pagturo ng nguso niya pabalik sa akin.

"I like you too." he murmured playfully.

Wala sa sariling napainom ako ng maalala ang eksenang 'yon sa restaurant noong gabing sinundan nila ulit ako. He just chuckled at my reaction.

Nagpatuloy kami sa pagkain at munting usapan. Pagkatapos ay nagdesisyon na ang araw na ito ay ang magiging pahinga namin sa halos isang buwan na ring paglilibot sa Mindanao. Ang buong araw ay iginugol namin sa resort at sa beach. Kinahapunan naman ay doon nabuo ang isang idea ni Asher na i-film ang pagkilala namin sa isa't-isa. We basically gather some basic questions to answer. Ako ang nauna.

"What's the color of your toothbrush?"

He cringe at that pero dahil seryoso na ako't nagre-record na ang camera ay sinagot niya na rin.

"Black. I love black aside from turquoise."

"Two sports that you love to play growing up?"

"Basketball and football."

Tumango tango ako at ipinagpatuloy lang ang pagkilala sa kanya.

"Do you have a pet? If yes, what are their names?"

"I don't."

"Really? Why?"

"I just don't keep pets. I don't know."

Muli akong napanguso.

"Alam mo sabi nila matatapang ang mga taong nag-aalaga ng mga hayop."

"And why is that?" humilig siya sa couch at hinintay akong sumagot.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon