CHAPTER 21

17.8K 776 71
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

Her Happiness


Nakita ko ang sabay sabay na pag-iling ng mga lalaki para kontrahing muli si Asher.

"Sa'yo lang kami susunod ngayon, Karsyn!" si Igo na tumabi pa at inakbayan ang lalaking nagsusungit na mukhang wala na nga talagang magawa dahil nasa akin na nakasalalay ang desisyon kung pasasamahin ko sila o hindi ngayon.

"Say no." pabulong na sabi ni Asher pagkatapos hawiin ang kamay ni Igo na siyang ikinatawa ni Eros.

"Ang aga mong magdamot!" naglakad na rin ito sa gilid ni Asher. "Sama na kami, Karsyn? Baka kailangan mo ng bodyguard e."

Naitikom ko lalo ang aking bibig ng makita ang madramang pagpihit ng mukha ni Asher para lingunin ang pinsan.

"You don't think I can make her safe?"

Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay sa ere bilang pagsuko.

"Dude, what I mean is baka kailangan niya ng mas marami pang bodyguard para mas malayo siya sa danger! 'Yon lang!" depensa agad nito.

Iritadong nanatili ang titig ni Asher sa pinsan niyang minamaliit ang kapasidad niya bilang bodyguard ko. Wait, hindi ko naman kailangan ng bodyguard! Wala naman sigurong masamang tao sa lugar na 'to at kung mayroon man... Napalunok ako't naputol na ang pag-iisip ng muling magsalita si Asher.

"I snatched her away from death, Eros. Baka nakakalimutan mo," matigas niyang sabi rito na ngayon nama'y dahilan ng pag-awang ng aking bibig.

Gusto ko na sanang sumingit para matigil na ang diskusyon nila pero muling nagsalita si Asher kaya hindi na naman ako umubra.

"We don't need more people today. Isa pa, kayang kaya kong maging isang dosena kung kailangan para protektahan si Karsyn."

"Wow! Like Naruto, huh! I like that!" pabirong singit ni Trystan.

"Kage bunshin technique!" hiyaw naman ni Lance na mas lalong nagpaalat sa timpla ni Asher.

"Funny, but no." muli niyang putol sa katuwaan ng lahat pagkatapos ay isa-isang sinipat ang mga ito para lang sungitan ulit.

Imbes na makisali na sa kanila ay lumusot ang tingin ko papunta kay Jacob na tahimik lang at pangiti-ngiti sa kulitan ng kanyang mga pinsan at kaibigan. Hindi napigilan ng mga mata kong magtanong sa kanya kung ano ang dapat kong gawin pero nagkibit lang siya ng balikat. Muli, sinulyapan ko ang mga lalaki na mukha talagang kahit napuyat kagabi sa party ay maaga pa ring gumising para lang masamahan kami ni Asher ngayong araw at maging bodyguard ko.

Nang tumigil kay Asher ang mga mata ko ay pasimple siyang umiling pero dahil hindi ko naman kayang tanggihan ang mga kaibigan niya ay agad ring nalukot ang aking ekspresyon. Nakita ko ang pagbuntong hinga niya ng maisip ang desisyon ko dahil sa aking hitsura. I can't say no to them at alam niya 'yon.

I mouthed 'I'm sorry ' to him pero imbes na magalit ay bigo nalang siyang tumango pagkatapos ay muling sinipat sa matalim na titig ang mga kaibigan.

"These Jerts." inis niyang bulong sa mga ito na kahit ibang salita ang ginamit ay kuhang kuha ko pa rin.

"Asher... O-Okay lang naman sa akin." unang salita ko palang ay agad na silang nag-ingay at naghiyawang akala mo'y may nanalo sa lotto!

"Yes!" nag-apiran pa ang iba lalo na ng makita ang mas lalong pagpait ng ekspresyon ni Asher.

Sa huli ay wala na ngang nagawa ito. Bago tumulak kina Toto ay kumain muna kami. Ang plano ko sanang simpleng pagbisita lamang doon ay hindi ko na namalayang naging sobrang big deal na dahil sa presensiya ng labing dalawang kasama ko.

The Bachelor's Vices ( TBS 3 -  Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon