CHAPTER FIFTY TWO
Hola, It's Karsyn - Hope
"Daddy!" masaya kong hinintay si Daddy na makalapit sa akin at hagkan ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha nang maramdaman ko ang init ng kanyang katawan na parang gusto nalang pawiin ang lahat ng hirap na nararamdaman ko ngayon.
"Oh, Karsyn!" emosyonal niya na ring bulong sa akin.
"I miss you, Dad. I miss you so much."
"I miss you too, Hija..."
Sa pagkalas niya ay agad niyang pinunasan ang aking mukha. Matapos naming umalis sa Batanes ay dito na kami sa hospital dumiretso. Doctor Ramirez, my doctor, was glad to see me again pero mas lamang ang lungkot niya dahil ang pangako naming hindi na magkikita sa Hospital dahil magiging maayos na ako habang buhay ay hindi nangyari.
"How are you?" Dad asked while looking up and down on me. Sinisipat kung ano ang mga nagbago sa akin.
"I'm okay. I'm happy to see you."
"Me too," pinisil niya ang aking kamay at pagkatapos ay sinulyapan si Asher na nasa aking gilid.
"I'll leave you the two of you, Mr. Sy."
Tumayo si Daddy at muling kinamayan si Asher. I don't remember them meeting formally pero sa hitsura nila ngayon ay hindi na 'yon kailangan.
"Thank you, Asher. Thank you for everything."
Buong loob niyang tinanggap ang kamay ni Daddy.
"You're welcome, Sir."
Nginitian ako ni Asher at tumango naman ako bago niya kami tuluyang iwan.
Nang mapag-isa kami ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Daddy.
"I know you already planned out everything for yourself Anak but I'm glad that he is here to help me with my plans for you."
"Dad..."
Muli niyang pinisil ang aking kamay.
"I love you and I will do everything for you, Karsyn... Everything."
"I know Daddy and I'm grateful for that but I don't want to get our hopes high," malungkot akong ngumiti at sa pagkakataong 'yon ay ako naman ang pumisil sa kanyang kamay.
"Doctor Ramirez said that my heart is getting weaker and if happens that I'll be put on the list again..." napalunok ako. "I want to give my spot to someone who really deserve–"
"You deserve it, anak." maagap niyang putol. Positibo akong napangiti. Inilagay ko pa ang isa kong kamay sa ibabaw ng magkahawak na naming mga palad.
"I know Daddy and so the other people who badly needs it,"
"Anak-"
"It's not that I'm giving up, I'm not. Gusto ko lang po na mas paghandaan natin ulit 'yung matagal na nating pinaghahandaan dahil alam naman nating lahat na mas delikado na ang kalagayan ko ngayon. There's risk everywhere and my chance of surviving a heart transplant is very slim. I'm not giving up, Dad. You know I'm a fighter but I can't do anything about my situation but to accept and prepare myself for it... Kayo rin."
Matagal kaming nag-usap ng aking Doctor tungkol sa kalagayan ko. He's like a second father to me dahil gaya ng mga magulang, buong buhay rin siyang nakabantay sa akin. He proposed treatments para sa kalagayan ko pero sa dulo no'n ay wala siyang nakitang liwanag kung hindi ang heart transplant na iniwasan ko munang pag-usapan. Thinking about it feels like dying already. Gaya noon ay wala ring nagbago sa pakiramdam ko tungkol sa bagay n 'yon.
YOU ARE READING
The Bachelor's Vices ( TBS 3 - Book 1 )
General FictionEx-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous stranger who saves her. However, fate seems to be playing tricks on her and the blossoming feelings she...