3 : Serial Killer Paradise

69K 3.6K 3.7K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Saktong alas singko nang marating namin ang entry point ng Mt. Torryn. Mayroong dalawang lalake sa isang maliit na guard house, kapwa sila nakasuot ng Kulay green na t-shirt at makapal na yellow vest. 

Unti-unting huminto ang Camper Bus kaya inilabas ko na rin ang envelope na naglalaman ng permit at clearances namin para makapasok.

"Okay, listen up." Tumayo si Liam upang kunin ang atensyon naming lahat. "Mula rito kailangan na nating mag trek patungo sa base camp. Hanggang dito lang ang sasakyan. Grab your things and prepare your flashlights. Don't forget your water."

Napasilip ako sa labas ng bintana. Unti-unti nang nauubos ang liwanag sa labas at padilim na nang padilim ang kalangitan. Lalo na ring kumakapal ang hamog. Siguro napakalamig na sa labas.

Kinuha ko ang kulay dilaw na jacket mula sa bag ko at isinuot ito. Kahit sila, nagsuot na rin ng kanilang mga jacket. Scotty and Jimbo even wore beanies. Mabuti na lang din at nakumbinsi ko si Kelsey kanina na magpalit ng jogger pants habang nasa rest stop kami, kundi lalamigin siya lalo. 

Dala ang mga gamit namin, isa-isa kaming bumaba mula sa bus. Sumalubong agad sa amin ang malamig na hanging may kasama pang hamog. Kanya-kanya kami ng check ng mga cellphone namin at gaya ng inaasahan, walang signal. 

"Nice! They could just rename this place Serial Killer Paradise," sarcastic na komento ni Scotty nang makitang walang signal ang cellphone niya.

Sinubukan ni Liam na kumuha ng litrato gamit ang Camera na kanina pa nakasabit sa leeg niya pero mukhang malabo ang mga kuha niya. Mukhang hindi kasi siya masaya habang pinagmamasdan ang mga kuha niya.

"Ang lamig!" Bulalas ni Maya na agad napayakap sa braso ni Kelsey.

Maya wasn't kidding. It was pretty cold that we had to completely zip our jackets up to our necks. 

"Ang aarte." Narinig kong may nagsalita mula sa likod ko. Nang lingunin ko, si Burn pala. Nagising na rin matapos ang matagal niyang siesta.

"If you can't say anything nice, just shut up." I glared at him.

Akala ko sasagot siya nang pabalang o di kaya'y iinsultuhin ako pero tiningnan niya lang ako na parang nakakabagot akong kausap.

"Burn, carry these seedlings," tawag ni Sir Dalton sa kanya kaya iritado itong umalis sa harapan ko.

Lumapit sa amin ang dalawang lalake mula sa guard house at napag-alaman naming mga Forest rangers pala sila base sa mga nakalagay sa mga damit nila.

"Magandang hapon, kayo ba yung mula sa Westspring University?" tanong ng isa sa mga Forest Ranger sa amin. Kapwa sila mukhang ka-edad na ni Sir Dalton. Kung tama ako, may mga pamilya na sila. 

"Opo," ako ang sumagot sabay abot ng isa sa mga permit namin.

"Mag-register na muna kayo doon sa opisina, malapit nang gumabi, baka mahirapan pa kayo patungo sa base camp," sabi naman ng isa pang Forest Ranger.

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now