5 : Or so she thought

46.9K 3.1K 1.3K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hija, anong pangalan mo?" The doctor asked in a gentle tone.

"S-Savanna." My entire body was in pain but I tried my best to move my mouth until I was able to speak in between my painful gasps. "Savanna Valderamos. M-my friends... Where are they?" My eyes began to water as terrifying scenarios flashed before my eyes.

"May nakita silang bus, doon ka ba galing?" The doctor asked and I nodded fast. Before I could even explain more, a man in a police uniform entered and walked right up to me.

"Hija, ilan kayo sa bus na iyon?" The policeman asked. His voice was gentle but there was desperation in it.

I closed my eyes as I tried to remember. "9, no, 10... Th-there were 10 of us."

"Hija masasabi mo ba sa amin anong nangyari sa inyo ng mga kaibigan mo? Makakatulong ito para mas mabilis namin silang mahanap."

I closed my eyes tighter as I tried to recall what happened. 

I remember arriving and setting up camp. I remember being woken up by someone, but I couldn't recall who or why. I remember running into the woods under the pouring rain, but I can't remember why I was running or why was I alone.

"I was running in the woods... Someone was after me but I can't remember..." I cried out. "M-maya... asan si Maya? Si K-kelsey? Si Precious?"

Tinangka kong bumangon pero sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, ni hindi ko halos mabuhat ang sarili ko.

Nakita kong lumingon ang pulis sa iba pang mga pulis na nasa pintuan. Nag-alisan sila sa di malamang dahilan.

"Savanna, natagpuan ka kaninang umaga ng mga pulis sa base camp ng Mt. Torryn. Naalala mo ba iyon?" tanong ng doktora na halos lumuhod na sa harapan ko para lang magpantay ang mga mukha namin.

Umiling ako. Hindi ko iyon maalala. 

"Bakit wala siyang naalala?" tanong ng pulis. 

"We ran some tests and found traces of Rohypnol on her system," sambit ng doktor kaya agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat. 

"No!" Hinang-hina man, mabilis akong umiling. "H-hindi kami nag drugs, hindi rin kami naglasing!" Tinangka kong bumangon muli para ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko man maalala ang lahat ng nangyari, sigurado akong wala kaming ginawang masama.

Biglang tumunog ang radyo na nasa bewang ng pulis. Rinig ko ang mensaheng dumating sa kanya.

"Sarge, kinumpirma ng medical examiner, mga dalawang araw na raw patay ang mga Forest Ranger na natagpuan sa likod ng opisina," 

Parang napigtas ang hininga ko dahil sa narinig. "What?! Th-that can't be possible!" Ni hindi ko nabuo ang mga salitang gusto kong sabihin dahil sa sobrang kilabot at kalituhan. 

"Bakit?" Tanong ng pulis. Naningkit ang kanyang mga matang napuno ng pagdududa.

"Th-they welcomed us.. we  even wrote our names in the log book?" bulalas ko.

"Walang nakitang log book ang mga tao ko roon. 'Yung bus lang na naka-park sa entrance." naguguluhang giit naman ng pulis.

"N-no! We wrote our names! They welcomed us! They were alive! They told us--"

"Savanna calm down... we believe you.. calm down--"

"No! They were alive and we didn't take drugs! I can't remember everything but we would never do anything like that!" Sinubukan kong muling tumayo at bumangon ngunit nakaramdam ako nang matinding sakit sa aking mga paa nang iapak ko ito sa sahig. Sa sobrang sakit, napasigaw ako at muntikang bumagsak kung hindi lang ako inalalayan ng pulis at ng doktora.

"You sprained your ankle and your one foot is wounded. You have to stay in bed," giit pa ng doktora at nang tingnan ko ang dalawa kong paa, nakita kong may benda pala ang mga ito.

"Hija magpahinga ka muna, pinapangako ko, gagawin namin ang lahat para mahanap ang mga kaibigan mo," paniniguro ng mga pulis.

Bigla na lang tumunog ang cellphone ng Pulis. Tumingin siya sa amin na para bang nagpapalam saka siya lumabas.

"Where am I?" tanong ko habang nakahiga sa kama at mabigat ang bawat hininga. 

"In Mt. Torryn Rural Hospital. Dito ka dinala dahil ito ang pinakamalapit. Hindi pa namin natatawagan ang mga magulang mo dahil walang nakakaalam kung sino ka. Masyado raw magulo ang camp site at itong payong mo lang ang nakita nila malapit sa iyo."

Bago pa man ako makapagsalita ulit, pumasok muli ang pulis.

"Ligtas na natagpuan ang lahat ng mga kasama mo. Parating na sila rito."

Para akong nabunutan nang malaking tinik dahil sa narinig. Natakip ako sa bibig ko at hindi ko na napigilang maluha. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko. 



Tuluyan akong napalagay nang dumating silang lahat sa ospital. Lahat sila ay sugatan at walang malay maliban lamang kay Sir Dalton ngunit sa kabila nito, ni isa sa kanila ay walang tinamong malubhang sugat o injury kaya labis ko itong ipinagpapasalamat sa diyos. 

We were all safe and it was all that mattered to me.... or so I thought

Maliit lang ang ospital na pinagdalhan sa amin kaya ipinagkasya kaming siyam sa iisang ward. Ayos din ito sa akin dahil nakikita ko silang lahat kahit pa wala silang malay.

"Wala ka pa rin bang naalala sa mga nangyari?" tanong ng nurse na naglalagay ng gamot sa sugat na nasa noo ni Scotty. Magkatabi lang kasi kami ng kama.

Umiling ako. "All I can remember is running in the middle of the woods, in the middle of the rain."

May sinabi pa ang nurse pero hindi ko ito narinig dahil napatitig ako kay Scotty. Marami itong bahid ng putik sa mukha at katawan. Lahat naman kami may bahid din ng putik ngunit parang iba kay Scotty... Masyadong marami. Halos magkulay brown na rin ang kanyang buhok na dati ay kulay itim. Sa totoo lang ito rin ang unang pagkakataon na nakita ko siyang walang suot na bandana.

"Hindi na ba sumasakit ang mga paa mo?" tanong ng isa pang nurse na siyang gumagamot sa sugat ni Maya.

"Kumikirot pa rin po," pag-amin ko. "Ang mga pulis po pala? Bakit po bigla silang nawala lahat?"

"Nagkakagulo raw kasi sa Torryn Grove Academy, pinapunta roon ang lahat maliban lamang doon sa isang natirang pulis na umi-interview sa guro ninyo," sabi naman ng isa sa mga nurse na umaasikaso kay Jimbo.

Bago pa man ako makapagtanong ulit, pumasok si Sir Dalton na kagagaling lang sa labas. Kinausap siya ng pulis. Gaya ko, tinanong din siya tungkol sa mga nangyari.

"Savanna, ayos ka lang ba?" Sugatan si Sir Dalton at may bali pa sa braso pero heto at ako ang kinakamusta niya.

Tumango ako. "Sir ano pong nangyari kagabi?"

"Hindi ko rin maalala." Nanlulumong sambit ni Sir Dalton. "Nang magising ako nasa ambulansya na ako kasama si Burn at Precious. Mabuti na lang at nakatawag ka agad ng pulis."

Naguluhan ako sa sinabi ni Sir pero sa kabila nito ay mabilis akong umiling. "I didn't call them."

"Ha? EH sabi may babae raw na tumawag sa kanila, humihingi ng tulong,  pinapapunta sila sa Mt. Torryn? Hindi ba ikaw iyon?" tanong pa ni Sir pero hindi ako makapagsalita. Nakatawag ba ako ng pulis at hindi ko lang naalala? Pero paano ako makakatawag kung wala namang signal doon? Ni hindi ko nga alam nasaan na ang cellphone ko.



|End of 5 - Thank you|

Hunyango (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon