27 : The Quicksand

38.1K 2.5K 1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ate, hindi ba masyadong malayo na tayo mula sa base camp?" Nag-aalangang tanong ni Precious kay Kelsey habang naglalakad-lakad sila sa madilim na kakahuyan habang hawak ang mga flashlight. 

"Na, it's fine," nakangiting paniniguro ni Kelsey. "There's a actually a little clearing not too far from here. Mula roon makikita raw natin ang milky way."

"Nanggaling ka na rito?" tanong niya.

Kelsey chuckled while lightly shaking her head. "A friend has been here once. Told me all about it. Sabi niya napakaganda raw doon."

Nahinto sa paglalakad si Precious at napalingon kaya kahit si Kelsey ay napahinto rin sa paglalakad. Itinutok niya ang hawak na flashlight sa direksyon na tinitingnan ni Precious.

"A-ate parang may sumusunod sa atin," bakas ang kaba sa boses ni Precious.

Kakabahan na sana si Kelsey pero bigla niyang nakita si Darius mula sa naglalakad patungo sa kanila. Mahal niya ang binata ngunit hindi niya pa rin mapigilang magtampo dahil sa pinakita nitong asal sa kanya.

"Hayaan mo siya," bumuntong-hininga si Kelsey at inakbayan si Precious. Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad habang nakasunod naman si Darius sa kanila.

Sa kasagsagan ng kanilang paglalakad, bigla na lang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw na tila ba humihingi ng tulong. Mabilis na napako sa kinatatayuan sina Precious at Kelsey samantalang mabilis na lumapit si Darius sa dalawa.

"Ate, umalis na tayo rito!" Umiiyak na bulalas ni Precious.

"Th-that sounded like a child..." Wala sa sariling sambit ni Kelsey.

"Let's go. Sabihin na lang natin sa forest rangers ang narinig natin," wika ni Darius.

"Tulungan n'yo kami!" Umalingawngaw muli ang iyak ng tila ba isang bata.

Mabilis na pinaandar ni Darius ang radyo na hawak. Mabuti na lang at nagawa niya itong mahiram kay Liam. Matapos masabi ang nangyayari sa grupo, nagulat si Darius nang bigla na lang sumigaw si Precious.

"Ate Kelsey!"

Nag-angat ng tingin si Darius at nakikita niyang tumatakbo na ito palayo. Mabilis niyang binilinan si Precious na 'wag aalis bago umalis tumakbo upang sundan si Kelsey.


Tila ba naglaho ang lahat ng takot ni Kelsey nang marinig ang patuloy na palahaw ng bata. Kumaripas siya ng takbo upang sundan ang pinanggagalingan ng boses. Tumakbo siya nang tumakbo, walang pakialam sa daang tinatahak, hanggang sa bigla na lang may naaninag na isang batang nakaupo sa lupa habang hinahagkan ang isang nakahandusay na isa pang bata. 

Hunyango (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon