15 : Doppelgangers

49.4K 3.1K 1.9K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nang maidilat ko ang aking mga mata, mukha agad ni Burn ang una kong nakita. "Sabing 'wag mo na akong pagalingin eh! Okay ka na ba talaga?" 

Bumangon na lamang ko mula sa pagkakahiga at dahan-dahang naupo sa kama. Mabilis naman niya akong inalalayan at pinasandal sa headboard.

"I'm okay." Mariin akong napapikit saka nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. 

I stabbed Burn knowing I will be able to heal him, and that's what I did after cut him loose no matter how many times he told me not too. 

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang mag-isip ng masama tungkol sa kanya. Siya na nga itong sinaksak ko, siya pa 'tong ayaw na pagalingin ko siya.

Naupo si Burn sa kama at humarap sa akin. Mariin siyang tumitig kaya nag-iwas ako ng tingin. 

"T-takot ka ba sa akin?" I felt the hesitation in his voice.

Umiling ako.

"Galit ka ba?" tanong niya.

Umiling ako ulit, hindi pa rin makatingin sa kanyang mga mata.

"Gutom ka ba?" tanong na naman niya.

Pumikit ako at tumango, umaasang titigil na siya sa pagtatanong. 

Hindi ako takot sa kanya. Nalilito, oo. Hindi makapaniwala, sobra. 

He's not Burn. He's not even Human... until now I guess.

"Bilhan kita ng Pizza? Marami akong pera." I sensed the urgency in his voice which made me burst into laughter. I opened my eyes only to see his worried eyes bore into mine. He had a cute little pout on his face, showing how Clueless and desperate he was being.

Tumango ako at bumuntong-hininga. "Wala ka bang ibang alam kainin?"

"Iyon pa lang ang nakakain ko." His arms relaxed as if talking about the truth lifted the weight of his troubles. It must've be tough for him pretending to be human all this time. No wonder he was acting like a little kid for the past few days. 

"Bakit gusto mong maging tao?" Tanong ko at sa pagkakataong iyon ay siya naman ang umiwas ng tingin.

Napabuntong-hininga na lamang ako at bahagyang hinilig ang ulo ko upang hulihin ang kanyang tingin.

"Trick, hanggang kailan mo balak maging si Burn?" Tanong ko, pero muli nanatili siyang walang imik.

Hindi ko alam kung kasalanan ba ang pagsapi ni Trick sa bangkay ni Burn. Kung tuusin, wala namang ginawang masama si Trick habang tao siya. He may have been annoying the past few days but it was far from the bad stuff that Burn did. 

"Ganun ba talaga?" Hindi ko mapigilang magtanong. "Kaya ba talagang sumapi ng isang kaluluwa sa isang bangkay?" tanong ko. 

Umiling siya. 

Hunyango (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon