18 : Dead Ringer

45K 2.8K 976
                                    

Sorry natagalan hehe. Let's pick up where we left off <3

#Hunyango



"We're not going back to Mt. Torryn." Mabilis akong umiling.

"I'm with Savi on this one." Pagsang-ayon naman agad ni Scotty at tumayo pa sa aking tabi. "Nangyari ang lahat ng 'to dahil sa pagpunta natin sa Mt. Torryn, 'wag na nating ulitin ang pagkakamaling iyon!"

"But what if the answers are there?!" Giit pa ni Liam. Ayaw patalo.

I heaved a deep sigh. "Let's just get to that when we're out of options. For now let's just focus on remembering everything. The answers are all up in our heads, just clouded by whatever drug they made us drink." Giit ko naman.

Liam was outnumbered. Ayaw naming dalawa ni Scotty at si Trick naman ay sumang-ayon din sa amin.

Pagkatapos naming magkasundo na aalamin muna ang lahat ng mga nangyari, pasimple kong isinama si Trick sa parking lot upang makapag-usap. Hangga't sa maari, ayaw kong marinig kami ni Liam at Scotty lalo pa't hindi pa rin ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba talaga sila. Ayokong maging kampante dahil mga buhay pa rin namin ang nakataya.

"Bakit?" tanong ni Trick.

"Sinusubukan kong tawagan sina Kelsey pero ayaw nilang sumagot kaya aalis muna kami ni Scotty para puntahan sila. Maiiwan ka muna rito, bantayan mo si Liam. Hindi pwedeng lumabas si Liam dahil pinaghahanap pa rin siya." Masinsin kong bilin bagay na agad ikinanuot ng kanyang noo at ikinatigas ng kanyang ekspresyon.

"Ayoko." Ngumuso siya at umiling. "Baka mamaya kung anong gawin sa'yo ni Scotty."

"Kung sasaktan man ako ni Scotty, balewala kasi gagaling at gagaling ako. Nakita mo kung ano ang kaya kong gawin, Burn. Kaya ko ang sarili ko."

His expression suddenly softened as his shoulders eased. "Savanna, hindi ako si Burn." He sounded like a sad little boy making me feel guilty all of a sudden.

"Trick." I corrected myself. I closed my eyes shut for a second and when I opened it again, Trick was still looking at me with gloomy eyes. 

"Kailan ka ba masasanay sa akin?" Nanlulumo niyang sambit.

Umiwas na lang ako ng tingin at pilit na binalik ang usapan sa kung ano ang pakay. "Look Trick, I just need you to guard Liam for a while. Make sure he won't do anything stupid. Dalhan na lang kita ng Pizza pagbalik ko."

"Sigurado ka ba talagang mapagkakatiwalaan mo si Scotty?" tanong niya kaya umiling ako.

"Hindi ko alam sino kung sino talaga ang mapagkakatiwalaan ko. Maaring isa pa rin sa amin ang naiwan doon at may isa naman ditong nagbabalat-kayo. Kung totoo ang suspetsa ni Burn, isa nga talaga sa amin ang--"

"What the hell Savi?!" Umalingawngaw ang boses ni Scotty mula sa aming likuran dahilan para kapwa manlaki ang mga mata namin ni Trick nang magkatinginan. Mabilis akong lumingon at nakita si Scotty na lumabas mula sa likod ng isa sa mga naka park na sasakyan.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Wala na akong lusot.

"Anong isa ang naiwan?! What the hell is going on?!" Naguguluhang bulalas ni Scotty. 

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now