23 : People like us

54.9K 2.9K 1.2K
                                    

.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang nakaupo sa harapan ng nagbabagang apoy, panay ang tawanan at asaran ng grupo. Napapaligiran man ng nagtataasang mga puno at ingay ng mga kuliglig, wala ito sa kanilang isipan. Natahimik lamang ang mga ito nang tumayo si Savanna mula sa kinauupuan.

"Alrighty, tomorrow's gonna be tiring so i'm heading to dreamland. Good night!" Paalam ni Savanna kaya pabirong kumunot ang noo ni Jimbo.

"Oh come on Sav! We haven't even started telling horror stories yet!" Biro pa ni Jimbo.

"No! We are not telling horror stories by the campfire!" Pagmamatigas agad ni Scotty.

"Yeah, I'm with Scotty on this one." Pag sang-ayon naman ni Kelsey.

Natatawang napailing si Jimbo dahil sa mga kaibigan. Napasandal siya sa malaking troso at napatingala sa kalangitan. Hindi niya napigilang mamangha nang makita ang bilugang buwan na napakaliwanag. "Damn, even the Full Moon in Torryn Grove is different."

Hindi namalayan ni Jimbo na unti-unti nang bumibigat ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na nga siyang matangay ng antok. Nagising na lamang siya dahil sa ingay dahil sa boses ng mga kasamahan. 

"Anong nangyayari?" Naguguluhan siyang tumayo habang kinukusot ang mga mata.

"Kelsey, sinong bata?" Nakita ni Jimbo sina Sir Dalton, at Maya na nakaharap sa radyong nasa kanilang kamay. 

Umalingawngaw ang boses ni Darius mula sa radyo, pabulong itong nagsasalita na para bang takot na takot. "Sigurado kami sa naririnig namin. May batang humihingi ng tulong. We can't just leave."

Narinig ni Jimbo ang tunog ng zipper at nang lumingon siya ay nakita niyang lumabas ang kunot-noong si Burn mula sa tent. "Ang ingay ninyo. Lintik."

"Darius, kasama ba ninyo si Precious? Mabuti pang bumaba na lang kayo." Maotoridad na sambit naman ni Sir Dalton ngunit nawala na sa kabilang linya sina Darius at Kelsey. Bigla siyang kinabahan kahit pa hindi siya nasisiguro kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Guys, anong nangyayari?" Napalingon siya at nakitang kahit si Maya ay lumabas na rin mula sa tent. Yakap ang sarili dahil sa lamig lalo't hindi ito nagsuot ng jacket sa ibabaw ng kanyang club shirt, hindi gaya nila.

"Alam mo ba kung nasaan si Precious?" Tanong ni Jimbo kay Maya lalo't ito ang huli niyang nakitang kasama ng dalaga.

"Yeah." Naguguluhang tumango si Maya. "Kelsey and Precious talked about stargazing so Darius went up with them... where they could see the stars better. Bakit? Nasaan sila?"

Nang muling lumingon si Jimbo sa guro, nakita niyang nakikipag-usap na ito sa Forest Ranger sa pamamagitan ng radyo. "Hey, three of my students climbed up and said they heard a child in distress. Tumawag kayo ng ambulansya at mga pulis para sigurado. Send a search party. Magpadala din kayo ng mga susundo sa estudyante ko mula rito sa Base Camp."

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now