Chapter 1

121 47 28
                                    

Dedicated to AiramNozaroc

                                         
~

~Julia~~


Nandito kami ngayon sa may canteen. Halata naman kumain kami, alangan namang mag laro kami ng bato-bato pik. Uso ang common sense, dahil nga hindi matahimik tong mahiwagang bibig ko. Kinalabit ko na lang si Christy.

O siya nga pala barkada ko, siya ang palaging kasama ko sa halos lahat ng kalokohan ko. Let me introduce her, Christy Nevis ay isang matangkad na babae I mean ikalawang matangkad, lima kasi kami. Go with the flow yan. Inosenti, 'yan ang papel niya sa grupo. Astig diba?

Sunod naman ay si Hannah Sichuan, chubby, morena, kulot ang buhok, at grade conscious yan kaya siya palaging absent sa mga gimik namin.

Si Juvy Bollinger siya ang pinaka matangkad at siya rin ang pinka bata. Maputi, maganda, matalino, pero bata lang kung kumilos . At Hindi marunog sumayaw. Kung sumayaw man parang tuod na pinipilit lang na lumambot.

Sunod naman ay si Joanna Pavlov ang papel lang naman niya eh. Ang pagiging 2.0 Maria Clara, oh diba? matalino din yan. At siya ang pinaka-maganda sa aming lima.

At siya lang din ang may buhok na straight. Eh mga kulot kasi kaming apat, hindi lang basta kulot. Yung buhaghag talaga kaloka, parang siya na yung prinsesa sa grupo.

At ang huli, wala ng iba. Sino paba? Ako malamang, ako lang naman ang pinkamaingay, ang pinkamaliit, of course I'm smart too, at alam niyo ba ang mas nakakagulat?

Ako lang naman ang pinka-matanda, ganun talaga kapag sobrang excited ang parents.

Kinalabit ko na si Christy sa ikalawang pagkakataon. "Oh?" 'Yan nga kapag bored ang ikli ng mga sinasabi.

"Punta tayo library, alam mo na..." Napa agik-ik na lang kami ng mag tanong si Juvy.

"Hoy mga ugok, anong pinag uusapan nyo?"

"Mamaya library tayo," saka tinignan ko s'yang may kahulugan. Gets naman niya ka agad basta ganun malamang, nagsisimula na naman umatake ang pagiging makulet ko.

Habang naglalakad kaming apat, oo apat lang kami, killjoy yung isa. So ayun nga naglalakad kami papuntang library na nagtatawan. Eh Sino ba ang hindi matatawa eh nakita namin si Sir Lor or Lo. [nag eexist talaga si sir, pero iniba ko na ang pangalan kasi pumanaw na]

Siya lang naman ang isa sa mga guro namin na walang magawa kundi ang umupo. Pero the best sa pang insulto. Kung makapagsalita akala niya ma ala Adonis ang dating. Sinabihan ba naman akong matangos nga ang ilong pero mas matangos naman ang nguso ko? Punyeta lang.

"Grabe talaga si sir Lo walang pinagbago, pangit parin."

"Huy yang bibig mo Juvy!" saway ko sa kanya.

"Totoo naman ha, kunwari kapa, alam ko namang sa ating lima ikaw ang mas malakas mang insulto noh" grabe naman 'tong si Juvy.

Napailing naman ako ng nagpipigil sila ng tawa.

"Wag niyong pigilan isagad na yan, segi kung ipagpapatuloy niyo yan, mahirap na baka iba ang lumabas. Tks Tsk Delikado yan mga tol."
Kaya ayun nga imbes tawa ang lumabas iba tuloy, sabi na nga ba. Tsk

Innocently Ferocious Where stories live. Discover now