Chapter 12✔

19 10 3
                                    


I wear my poker face ng nakatingin sa salamin. I was wearing a black  fitted sando and a flexible black jeans and a leather boots. I look at straight to my eyes with a smirk. Oh well how I miss wearing these. I put my eagle pistol at the back of my waist. I miss this little baby. And kiss my dagger before putting it inside my boots. This is it. Then left the room.

Pumasok ako sa silid gamit ang secretong passage way na ako lang ang nakaka alam. Kaya kitang kita ko mula dito sa tinataguan ko na kanina pa sila inip ng inip sa paghihintay sakin. Hindi ko sila masisi, paghintayin ba naman ng dalawang oras? aba! maiinip ka talaga!!

Nakaharap kasi ako sa white board at ganun din sila, kaya nakatalikod sila sakin maliban na lang kay Lyle nasa unahan na nakaharap sa lahat.

Bigla na lang may nagsalita na kinatahimik ng nasa silid.

"Mawalang galang na Lyle, dahil wala pa ang hinihintay na bisita, bilang isang kanang kamay ng organisasyon na ito gusto ko lang e anunsyo sa inyong lahat. Na kailangan na natin ng bagong uupo sa trono." The right hand huh?

Tinignan ko naman ang sinasabing kanang kamay. Babae din siya, straight ang buhok na kulay light brown. Maganda, may maamong mukha.

Sa pagkaka alam ko hindi siya ang kanang kamay nung ako pa ang namumuno. Nasan naman kaya ang babaeng yun? Tinitignan ko isa isa ang nasa loob na nag babaka sakali na makita ko siya habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

"I disagree!" napalingon naman ako sa babaeng kulot ang buhok na hanggang balikat lang ang haba. Reyl How I miss her being an advisor of the org. Loyal friend of mine. Though I'm being harsh to her,  but shes still a good friend of mine. Not to mention that we secretly hang out and talk being a friend, no business and org. topic included. So yeah

Tinaasan naman siya ng kilay ng kanang kamay daw. Hindi ko kilala ang isang to! dalawang taon lang ako nawala pero nawala na ang pinakatiwalaan ng pamilya ko na si Tyn, ang kanang kamay ko.


"Well, to tell you Reyl, kailangan ng may umupo sa trono. Mamamatay ang organisasyon na ito kung wala tayong ipapakitang tagapamuno natin sa event ngayong sabado. Alam nating lahat yan" sabi ng kanang kamay daw.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ang galing niya mangumbinse. Ako nga eh nakumbinse niya. Napabilib naman ako ng tumayo si Reyl at hinarap si kanang kamay. San naman kaya nya nakuha ang confidence nito?

"Karen, alam na alam ko. Pero hindi ako papayag na may uupo sa trono. Kung hindi pa nakaka siguro na patay na nga siya. Walang uupo sa trono kapag may naka upo pa." Diin na sabi ni Reyl, interesting...

Karen pala ang pangalan ng kanang kamay daw. "At sino naman ang ihaharap natin sa event ngayong sabado?"  natahimik naman siya sa sinabi nito. Oo nga naman, pero may ipapakita naman sila kung gagamitin nila ang utak nila.

Innocently Ferocious Where stories live. Discover now