Chapter 4

52 30 15
                                    

Dedicated to Zeysociable

                                     

Thanks for the wonderful book cover!!

-

"Huy Julia! utang ninyo, mag dadalawang buwan na asan na ang bayad niyo ha!" sigaw ni Aleng Sita habang naglalakad ako papuntang bahay. Nako naman, kung minamalas ka nga naman, ngayon pa, hindi pwedeng next year?

Ito pa ang isa sa mga problema ko ang mga utang.

At ngayon pa talaga na isipan ni Aleng Sita na maningil. Tatakas na sana ako ng bigla na lang niya iharang ang dalang walis tingting para hindi ako makatakas. Lagot na, walang-wala talaga ako ngayon, nabayad ko na sa tubig ang huling sahod ko.

"Aba! aba, at may plano ka pa talagang tumakas! hindi pwedeng ganito na lang tayo palagi iha." Na pakamot na lang ako sa ulunan. Sa wala akong pera eh. May magagawa  paba ako?

"Aling Sita naman wala akong pera ngayon, alam mo naman na nag bayad ako sa tubig kahapon at yun din ang huling perang hawak ko." At dahil nga sa sinabi ko, lalo lang siya na nainis.

"Yun! na nga buti pa ang tubig nabayaran mo! at kapag sa renta ng bahay na tinitirhan mo ngayon, palagi ka na lang walang pera!"

"Pasensiya na talaga Aleng Sita sa walang wala ako eh, basta mag tratrabaho ako ng doble para naman makabayad ako sayo, kung bibigyan mo pa ako ng palugit." At ayon sabog!

"Geh papayag ako kung babayaran mo ko ng doble"

"Grabe ka naman Aleng Sita, kapos na nga ako dadagdagan mo pa! estudyante pa po ako, Meron pa po akong pinapaaral, sana maintindihan niyo"

Kung hindi siya papayag, gagawain ko talaga ang lahat para hindi niya ituloy ang pag doble ng bayad na iyan. Bambihira halos wala na nga akong makain dahil sa dami kong babayarin dadagdag pa ito. Hindi 'to pwede! luluhod talaga ako kung kinakailangan.

"Hayss! segi kung hindi lang talaga----" Hindi ko na narinig ng maayos ang sinabi niya dahil sa may tumawag sakin. Tsk alam ko na ang boses na yun.

"Ate! ate! Ate!" hinanap ko kung s'an ang boses ng kapatid ko. Nakita ko siya sa likod ni Aleng Sita na tumatakbo palapit sakin na may dalang papel at winawagayway habang tumatakbo.

"Huy! wag ka ngang tumakbo!!" sigaw ko sa kanya pero para lang hangin sa kanyang pandinig ang sigaw ko, hindi talaga nakikinig sakin 'tong batang 'to!

Sisigawan ko na sana siya ulit dahil sa ka tigasan ng ulo pero na unahan na niya ako sa pagsasalita.

"Ate! Ate! perpek ako sa test ate!" At bigla na lang niya lang siyang tumalon at yumakap sakin.

"Diba sabi ko sayo, wag kang tumakbo ng ganun kabilis, paano kung ma dapa ka ha! ilang ulit ko bang ipaalala sayo yun?" tinignan ko siyang madiin sa mata at natakot naman siya pati nga si Aleng Sita na pa atras din.

Hindi na ako magugulat kung ganun. Maraming nag sasabi sakin nakakatakot daw akong magalit parang papatay ng tao. Ewan ko ba sa kanila hindi ko naman sila tinakot galit lang ako no'ng time na 'yon.

Do'n na ako nag balik sa wisyo ng narinig ko siyang umiyak.

"Gus-to ko l-ang naman ipak-ita sayo to- eh" sabi niya habang humihikbi.

Innocently Ferocious Where stories live. Discover now