Chapter 14

14 3 0
                                    


Hanggang ngayon nakatingin parin ako sa kisame, hindi ako makatulog, hindi niya ako nilulubayan, bakit ba hindi siya umaalis sa isip ko? Aishh!!

Ano bang ginawa mo Arvin? ginugulo mo utak at puso ko! Char

Naalala ko na naman yung kanina.

____

~~Flashback~~

"Lead me to your room" I heard him said those words but I keep thinking whats gotten into him. Ang weird niya ngayong araw.

Ang weird talaga niya ngayon, may pa tanong tanong pa siya kung sino ako kahapon, pero ito naman siya may ginagawa na hindi gawain ni Arvin the loner... may nakain ata to eh!!

Napalingon naman ako sa katabi ko ng narinig ko itong tumawa. Sa porma pa lang ng labi niya parang nag pipigil ng tawa.

May nakakatawa kaya? Bat diko alam?

"Anyari sayo?"

"Ahem! nothing, just continue walking"

Hinayaan ko lang siya tutal abnormal naman itong kasama ko. Hays at least nakita ko naulit ang tawa niya kahit nag pipigil ito. Matagal na ding panahon na hindi ko nakita ang masaya niyang mukha.

Napailing na lang ako, kaya nga ginagawa ko din ito ay para rin naman sa kanya.

I was busy thinking na hindi ko namalayan na nakatayo na pala kami sa harap ng room ko.

Bago ako pumasok sa loob ay nilingon ko muna siya at nagpasalamat.

I was about to open the door when he grab my wrist to face him. I look at him waiting, but he just also stare at me.

At habang tinitignan ko siya ng matagal ay mula sa makisig at mataas na Arvin ay nagiging isang maliit na bata, nakasuot ito ng magarang kasuotan. He was crying back then and now he still a crying baby.

I never thought na makita ko siya sa school na pinapasukan ko. At sa hapon na iyon ay nakita ko siya sa hallway na umiiyak. I just act that I dont know him, sa mga oras na yon gusto ko siyang yakapin.

Nawala ang maliit na batang lalaki at napalitan ito ng mukha ni Arvin na nakataas pa ang kilay. I step backward ng napagtanto ko na masyado siyang malapit.

And the next thing happen? he kissed my forehead that made me stunned for a couple of seconds. I even blinked many times.

Like what the hell? what was that? what the--

And before I could shout at him he already left me with wide eyes open.

Da hell...

~~End of Flashback~~

------
-----

Paano ba ako nito makatulog?

Nag pagulong-gulong na lang ako sa kama. Nang hindi ko na malayan na sa sobrang pag gulong ko ay nabagsak ako mula sa kama.

Innocently Ferocious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon