Chapter 9✔

19 11 3
                                    

~~Teres~~

Langya! tang ina! kung pwede lang lahatin ko na ang pag bigkas ng mga mura para lang maibsan itong galit ko sa magaling kong boss. Tang inang yan, ang sarap talagang kurutin ang singit nun. Pero kasalan ko naman kasi, kung bakit ko naman pinili ang trabaho nato.

Kung hindi ko lang sana tinanggap ang posisiyon na maging sekretarya niya. Pero kailangan ko nga ng pera para sa gamot ng aking ina.

At para naman ma kauwi na ako ng maaga para madalaw ko si mama.

Ay napatakbo ako sa office na sinasabing GEEKS ni boss para hanapin ang salarin daw. Ewan ko din ba bakit ba ang higpit ng security sa building na ito. At may hawak pa ng baril ang iba. Kaya nga ako takot kapag kausap ko ang boss ng building na ito. At kaya din na ako pa ang ikalawang secretary dahil nadin sa takot sa kanya.

At na alala ko pa nga kung paano siya kung tumingin sakin noong first day ko sa trabaho. Late kasi ako dahil sa pag aasikaso ko sa aking nakababatang kapatid ko. Kaya sinigawan niya ako at mas lalo siyang nakakatakot ng pinutukan niya ang vase malapit sa aking kinatatayuan.

Nakakatakot talaga siya, pasalamat nga siya at kailangan ko ng pera niya kaya hindi pa ako umalis dito.

At nandito na nga ako sa aking destinansyon, nasa harap na ako ng opisina ng mga GEEKS. Kumatok na ako ng dalawang beses ng bumukas na lang bigla ang pinto. May lumabas na matangkad na lalaki pero napatigil siya ng makita niya ako.

"How can I help you miss?" Tanong niya at tinignan ang name plate sa may bandang dibdib ko. At umangat ang kanyang tingin na napag tantong ako ang secretary ng nag mamayari ng building na ito. Pinasok naman niya ako ng hindi ako sumagot sakanya. Yan kasi ang sabi sakin ni boss na dapat daw hindi ako sumagot sa mga tanong ng impleyado dito. Magsasalita lang ako kapag may ipag sasabi siya tulad na lang ngayon.

Pag pasok ko ay namangha ako sa aking nakikita. Ang daming mga monitor para akong nasa main control system ng building or ito na talaga yon.

Napahinto lang ako sa pag tanaw ng mga gamit dito sa loob ng opisina ng may tumikhim sa tabi ko. Lumingon naman ako sa kanya na may pagtatanong sa kanyang mukha. Pero kailangan ko silang makikinig sakin para naman sure ang iuutos ni boss sa kanila.

As the secretary of the feared boss in this building I need to show them that I"m as cold hearted person like him. Yan kasi ang dapat gawin ko sabi ni boss. At boss dapat ang tawag ko sakanya, pambihira naman nagmumukha ata ako nitong maldita.

I cleared my throat first at tinignan siya ulit. "Call all your company I need to tell something important..." I said coldly, tsk parehas pala kami na walang emosyon. Halos ata ng mga matataas na posisiyon dito sa building ay hindi mo kakitaan ng emosyon.

Tinawag naman niya ang lahat at nag hintay sa sasabihin ko.

Grabe isang salita lang talaga napapasunod nila. Tinignan ko sila isa isa, nang tinignan ko ang lalaki sa pinaka last line ay nakita ko ang kanyang pag lunok ng mapunta sa kanya ang tingin ko. Kaya mas pinataggal ko pa ang aking mata sa kanya. Parang kinakabahan naman siya sa aking ginawa, bakit naman natatakot ang isang to sakin? hindi naman ako papatay ng tao. Wala nga akong dala kahit anong armas dito eh?

Binawi ko na ang tingin ko sakanya at sinabi ang kailangan nilang gawin. I used my cold and scary voice ng nagsalita na ako.

"Boss said that all of you need to find the thief once and for all NOW! or else..." banta ko sa kanila. Dinugtungan ko lang naman ang sinabi ni boss para naman matakot sila no! haahahha grabe natakot nga sila. Nakita ko kasi ang kanilang pag lunok ng sabay. Pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ako.

Alam kong bastos iyon pakinggan pero gusto ko panindigan ang pagiging strict , nakakatakot at cold secretary sa building na ito. Napahinto naman ako saglit dahil sa may tumatawag sa phone ko. Kinuha ko naman ito sa aking dibdib. Oo inilagay ko kasi sa dibdib ko ang phone para iwas kawatan.

Hindi ko na tinignan ang caller basta sinagot ko na ito.

"Hello?"

"Teres, ang mama mo" shit napamura naman ako bigla. Sa narinig ko pa lang sa tawag ng cousin ko ay may nangyaring masama sa aking ina. Kailangan ko na talagang umalis.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya habang nagtungo palabas ng building. Lagot ako kay boss nito, aalis ako ng walang pahintulot sa kanya, pero emergency naman ito baka ok na yun siguro.

"Pumunta ka na lang dito, bilisan mo ate" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Alam ko din na kinakabahan din siya dahil sa nanginginig na boses niya. Nang nakasakay na ako ng taxi ay sinabi ko na sa driver kung saan ang hospital na pupuntahan namin.

Habang nasa kotse ay hindi ko mapigilan na maisip na baka mawala siya sa aking piling. Hindi ko ata kakayain... ginawa ko lahat para lang maligtas siya tapos ganito lang pala ang resulta? Asar naman.

"Pakibilisan manong, emergency kasi." Binilisan naman niya ang pag dadrive sa kotse. Nang nasa tapat na kami ng hospital ay binigyan ko na siya ng pera at lumabas agad. Hindi ko na nga kinuha ang sukli dahil sa pag mamadali kong lumabas para puntahan si mama.

Ginamit ko na lang ang hagdan paakyat kasi puno ang elevator. Hindi na ako makapag hintay na makita ang ina ko.

Nang nasa floor na ako ay nakita ko agad si Lina na papalapit sakin na namumugto ang mata. Lumapit agad ako sa kanya para matanong ang kalagayan ng aking ina.

"Lin si mama?" Tinignan niya ako na may lungkot sa mata. Wag mong sabihin ang nasa isip ko Lin. Hindi pa naman niya sanabi sakin ang pangyayari ay na luha na lang ako. May kutob kasi ako na parang wala ng pag asa.

"Teres, pasensya kana pero wala na si tita" At dun gumuho ang mundo ko, hindi ko kinaya kaya na paluhod na lang ako. Ang sakit, iniwan na niya akong tuluyan, mag isa na talaga ako. Siya na lang kasi ang natitira sa tabi ko at si Lina.

Napa angat naman ako ng tingin ng narinig kong humahagulhul ng iyak si Lina. Tumayo agad ako at niyakap ang natitira kong pamilya, wala na talaga.

"Asan siya?" Tanong ko sa kanya, gusto kong makita ang mama ko.

"Sumunod ka na lang sakin" Kaya sumunod ako sa kanya na pumunta sa morgue. Nakita ko sa may bandang kaliwa na may pangalan sa ibaba ng higaan na Lowela Argon ang pangalan, ang aking ina.

Lumapit naman ako at binaba ang puting tela pang takip. Nang tuluyan ko ng masilayan ang bangkay ng aking ina. Bumuhos ulit ang aking luha sa aking nakita, hindi ko na isip na kahit anong pera ay hindi na maiiligtas pa ang aking ina.

Alam ko naman sa una pa lang, wala ng pag asa, pero pinilit ko parin siya na ipagamot baka sakali lang, baka sakali lang na gumaling ulit siya.

Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cell phone ng marinig ko itong tumunog. Mukhang hinahanap na ako ni boss, nang tignan ko nga ang caller ay hindi nga ako nagkakamali, si boss nga ang tumatawag. Pero hindi ko sinagot bagkus ay kinansel ko ito.

Pero ang kulit lang nagdadalamhati pa ako pero tumunog ulit ito, at dahil sa inis ko ay tinapon ko ito sa ding-ding. Nabasag nga pero wala akong pakialam. Hindi ang trabaho ang makapag balik sa nanay ko.

Nang mag gabi na ay napag desisyonan namin na umuwi. Kailangan na namin kasing mag handa sa mga papeles sa pagkamatay ni mama. At tungkol naman sa libing niya, kailangan ko din asikasuhin yun. Wala na din akong pakialam kung magagalit man si boss sa bigla kong pag kawala sa trabaho. Lalong lalo na hindi ko pa sinagot ang mga tawag niya.

Basag na din kasi ang cell phone ko kaya hindi niya ako makontak. Meron naman din akong rason, kailanagn ko muna kasing mag pahinga sa pangyayaring nawala na talaga si mama, ang sakit lang

Edited

Dont forget to vote
juliacrisabella
ALL RIGHTS RESEREVED 2019

Innocently Ferocious Where stories live. Discover now