Chapter 15

8 3 0
                                    

~~Julia~~

"San mo ba ako dadalhin?" Kanina pa ako tanong ng tanong kay Arvin, pero hindi ata tao kausap ko, parang nakikipag usap ata ako sa bato.

Hindi na lang ako umimik at tinignan ko na lang ang kamay ko na hawak hawak niya. Himala ata na hindi uma ariba ang pagka arte niya. Tss

Nilibot ko ang aking tingin ng huminto siya sa paghila sakin. Napakunot na lang ang noo ko ng nasa mala gubat ang lugar na napuntahan namin.

Ano naman kaya ang pumasok na masamang hangin sa utak nito. Hinila lang ako para dito?

Tinanggal ko ang kamay niya na hanggang ngayon ay hawak parin niya. Napatingin naman siya sakin.

"Huy ikaw lalaki! ano ba ang nasa isip mo at dinala mo ako rito aber?"

"Ayaw mong sumagot? sumagot ka! Kung hindi puputalan kita ng kaligayahan!"

"What the--"

"--Op! hindi pa ako tapos! wag na wag kang sasagot kapag hindi pa ako tapos! naintidihan mo? sagot!"

"Ah--"

"--TANG INA!!! WAG KA SABING SASAGOT KAPAG HINDI PA AKO TAPOS!!--"

"--SHUT UP!!"

Natahimik naman ako sa pagsigaw niya. Napayuko lang ako, hays pati ba naman siya nadamay sa init ng ulo ko. Kainis kasi ang sarap putulin ng ulo ang lalaking yun.

Napaangat naman ako ng tingin ng narinig ko siyang napabuntong hininga ng ilang beses. At sakto ng pag angat ng ulo ko ay kinulong naman niya sa dalawang palad niya.

I stunned for a second, what the hell?

Napatulala lang ako sa ginawa niya, and again napabuntong hininga naman siya. Tinignan ko lang siya na nakatingin lang din sa akin. Kalaunan ay sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba, dapat naiilang ako sa lapit niya sakin, pero bakit ganoon? Gustong gusto ko ang feelings nato.

Para akong na eexcite na ewan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. I know this feeling, hindi ako bobo para hindi malaman ang naramdaman na ito.

Habang inaayos niya ang buhok ko na kulang na lang posporo ay nakatingin siya sa mata ko at napabuntong hininga na naman.

"Look at you, you look like a mess"

Napahawak tuloy ako sa bandang dibdib ko dahil mas bumilis ito ng tibok. Aatakihin ata ako nito eh!

"Turn back"

Dahil tuliro pa ako ay hindi ko masyadong naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaya na pa 'eh?' na lang ako.

Napabuntong hininga ulit siya at siya na mismo ang pumunto sa likod ko. Naramdaman ko na lang na umangat ang buhok ko para e pony tail.

Dahilan para maramdaman ko ang hangin sa may batok ko. Medyo mahangin din kasi ang panahon ngayon.

Nakiramdam lang ako sa ginawa niya sa likod ko. Wala kaming imikan ng naramdaman ko na lang ang mga bisig niya na sa bewang ko.

Innocently Ferocious Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt