Ikaw at Ako

155 3 2
                                    



"Hawakan mo ang kamay ko

nang napakahigpit"

Papasok pa lamang ako ng club na toh eh naririnig ko na ang isang banda na tumutugtog.

"Pakinggan mo ang tinig ko ooh.

di mo ba pansin?"

Nung nasa loob na ko ay marami rami akong nakitang mga tao na nakatayo. Yung iba ay parang nangingiyak habang winawagaywag ang kamay sa ere at sinasabayan siyang kumanta.

"Ikaw at ako

tayo'y pinagtagpo "

Habang palapit ako ng palapit ay mas naririnig ko ang boses niya na tila damang dama ang kinakanta. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ikaw at ako

Di na muling magkakalayo. "

Papunta ako sa harap at nakita ko ang isang lalaki sa stage na kumakanta na nakapikit ang mga mata, damang dama. Nang ibukas niya ang kanyang mata ay nakita niya ko na nakangiti sakanya. Ngumiti rin siya.

"Sa tuwing kasama ka

Wala nang kulang pa "

Nakatingin siya saakin na para bang kinakantahan niya ko.

"Mahal na mahal ka talaga

Tayo ay iisa "

Tinititigan niya ko sa mata at iniwas ko naman ang tingin ko sakanya.

"Ikaw at ako

tayo'y pinagtagpo. "

Siguro kung hindi ko kasama ang babaeng mahal niya, aakalain ko na ako ang mahal niya at ako ang kinakantahan niya.

"Ikaw at ako

Di na muling magkakalayo "

Pero hindi. Hindi para saakin yung kanta at para sa babaeng katabi ko ngayon.

"Unos sa buhay natin

di ko papansinin "

Nakatitig parin siya saakin tapos ngumiti at nilipat ang tingin sa babaeng katabi ko ngayon.

"Takda ng tadhana

Ikaw ang aking bitwin "

Bakit ba ako pumayag na samahan siya? Kung alam kong masasaktan lang naman ako.

"Ikaw at ako

tayo'y pinagtagpo "

Tinitignan ko silang dalawa na masayang nakatingin sa isa't isa. Na para bang sila lang ang tao rito.

"Ikaw at ako

di na muling magkakalayo "

Sana ako na lang siya.

Sana di na lang kita tinulungan.

Sana hindi nalang ako nahulog sayo.

"Ikaw at ako

tayo'y pinagtagpo "

Nagsimula ng pumatak ang aking luha. Tumingin ako sa baba.

Bakit ang hirap?

"Ikaw at ako

di na muling magkakalayo "

Nagmadali akong lumabas nang marinig kong tapos na siya.

Bakit ang sakit?

----------------------
Credits sa owner nung video.

---------------------

By rmdltreem_

Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now