CTW4: Hail Hawkins

3.4K 109 4
                                    

Ciarra's p.o.v

I used to be Cia's friend. Kung di nga ikaw si Cia then let me see your back.” Tiningnan niya ang likod ko? Tinitigan ko pa siya kung nagbibiro ba siya o hindi. Pero parang hindi e.

Fine, likod lang naman. Tumalikod ako sa gawi niya at itataas na sana ang aking uniform nang magsalita siya.

“Hey! What are you doing?”

“Sabi mo titingnan mo ang aking likod bakit ka nagtatanong?” Tingnan daw niya likod ko di ba? Tapos pag ipakita na, magtatanong siya? Likod lang naman e. Nag-two two piece bathing suit nga ako sa beach o sa swimming pool ng paaralan at minsan naka-micro mini skirt at backless dress lang ako, so anong pinagkaiba nito sa pagpapakita ng likod ko?

“Hey I'm still a man. Di ka man lang magdadalawang isip na itaas iyang uniform mo?” Nakakunot ang noo niya niyan.

“Sabi mo gusto mong makita ang likod ko di ba? Bakit may tattoo ba sa likod yung Cia na kilala mo?” tanong ko.

“May tattoo siyang W na may crown sa tuktok bilang queen ng Worst gang. Pero ang Cia na kilala ko may maliit na peklat sa likod.” may peklat sa likod? Meron ako kaso di gaanong makita kapag di tinitigan ng maayos. Nagkapeklat ako dahil sa batang nakatunggali ko noon. Natamaan kasi ako sa binato niyang maliit na kunai.

“Sa una kong pagkakita sayo I thought ikaw si Cia, pero nang magsalita ka at makita ko ang mga mata mo, nalaman kong hindi ka nga siya.” Seryoso niyang sabi sa akin.

“Then, ano ngayon ang kailangan mo sa akin?” Hindi naman ako si Cia na inaakala nila at alam naman pala niya yon so, bakit niya ako hinila?

“But I thought that you are the Cia I knew.” Sagot ulit niya. Kilala ko ba siya? Hindi naman a. Pero pamilyar siya sa akin.

“I'm Hail Hawkins. Hawk tawag sa akin ng ka-gang ko.” Hail? Hawkins? Why it seems sound so familiar to me?

“Nakalimutan mo na ba talaga ako Cia? Alyas Cia the worst?” Kinaway pa niya ang isang kamay sa aking mukha. Cia the worst? Dati ko ba siyang kaklase? Teka lang.

“Hail? Yung kaklase ko sa martial arts school? ” Gulat kong sambit na napatakip pa sa bibig. Siya ang una kong naging kaibigan noon at siyang may malaking naitulong sa akin kung bakit buhay pa si mama hanggang ngayon.

“Ako nga to Cia.” Masiglang sabi niya at tumawa pa. “Kumusta ka na? Bakit bigla ka nalang nawala?” Hinawakan  balikat ko. So siya nga ‘yon. Dito na pala siya nalipat?

“Ikaw ang kumusta. Matagal din tayong di nagkita.” Sagot ko. Ang totoo natuwa ako dahil nagkita kami rito.

Pero bigla nalang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Cia, di bagay sa’yo ang lugar na ito. This place is dangerous. Kung mahina at mabait ka, then hindi nababagay para sa’yo ang lugar na ito. Mas mabuti pang mag-quit ka nalang.” Sabi niya na may concern sa mga mata. Mahina at mabait? Wala yan sa bokabularyo ko.

“Hindi pwede. Hindi naman siguro ako ipapasok rito ni mama kung mapanganib ang lugar na ito. At kung mapanganib nga, gusto kong malaman kung bakit sa dami ng University dito pa nila ako pinag-aral. May dahilan di ba? At isa iyon sa mga gusto kong malaman.”

“Pero Cia.”

“Bakit? Di mo ako tutulungan? Nandito ka naman e. May kakampi na ulit ako.” Ngumiti siya pero may halong pag-alala.

Umupo na muna ako sa gilid ng isang puno. Isinandal ang likod at dinama ang malamig na simoy ng hangin. First day na first day absent agad. Well, wala naman akong pakialam sa grades ko.

Tiningnan lang ako ni Hail, hindi ko mawari kung ano ang nilalaman ng kanyang isip. Pero batid kong nag-aalala siya para sa akin.

“Cia, bakit hindi ka pa magback out? Maghanap ng ibang school?” Maya-maya pa'y tanong niya na sinamahan pa ng buntong-hininga.

“Gustuhin ko man pero hindi pwede. At saka ano namang nakakatakot sa paaralang ito? Ano bang pinagkaiba kung maging magulo man ang buhay ko dito gayong dati ng magulo ang buhay ko?” Sagot ko. Ngunit agad natigilan, makita ang isang grupo ng anim na mga lalaking dumaan sa hallway.

Nakatingin sila sa direksyon namin ni Hail. Anim sila pero nakapokus ang aking mga mata sa isa. Ang lalaking medyo kahawig ng aking ina. Tiningnan ko ang nametag niya. Dahil papalapit sila sa gawi namin, naaninag ko ang nakasulat sa nametag niya. Mukhang di talaga uso ang ID dito.

Viper. Kung gano’n, iyan ang gang name niya or codename ba. Since hindi naman Viper ang tunay niyang pangalan. Natigilan din siya nang makita ako. Napatigil pa siya sa paglakad at tiningnan ako diretso sa mga mata. Tiningnan ko rin siya sa mga mata, with my cold look and expressionless face.

***

(REVISED)


Cia, The Worst (Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora