✓CTW23: Nothing to lost

2.5K 115 3
                                    

Habang naguguluhan naman si Cianna, si Pain naman nagtungo sa dorm ni Ciarra, umakyat sa bintana at pumasok sa silid ng dalaga. Nagtataka pa siya kung bakit nakabukas ito kahit nasa kalagitnaan ng hating gabi. Masyadong madilim ang silid pero rinig niyang may mga kalabog at tunog ng mga taong naglalaban.

Ilang sandali pa'y nagsindi ang ilaw. Dito nakita ni Pain ang isang lalaking sakal-sakal ni Ciarra na nakasandal ang likuran sa may switch. Nakatalikod si Ciarra sa gawi ni Pain kaya di niya nakikita ang cold and killing intent sa mga mata ng dalaga. Pero ang lalaking sinasakal, halatang nahihirapan na sa paghinga.

Binitiwan ni Ciarra ang lalake at napadausdos ito paupo. Habang habol ang hininga.

"Sabihin niyo sa boss niyo na sa susunod na magpapadala siya ng mga assassin, iyong mga malalakas at hindi basura. Gano'n na ba kababa ang tingin niya sa akin at puro mahihina ang pinadala? Alis na bago pa man magbago ang isip ko." Ang cold na sabi ni Ciarra na kahit si Pain ay kinilabotan at bahagyang nakaramdam ng lamig.

Hindi agad nakakilos ang lalake dahil habol parin ang hininga. "Pasalamat ka at di ko kayang pumatay kaya layas na! O baka naman..." Bago pa man matapos ni Ciarra ang sasabihin, nagmamadali ng umalis ang lalake na gumapang pa sa sahig at nilagpasan si Pain bago ito tumalon sa bintana at naglaho na sa dilim.

Napatingin si Pain sa sahig. Ngayon lang niya napansin ang dalawa pang lalaking nakahiga sa sahig na nababalot ng dugo at pasa ang mga katawan.

'Iyan ba ang hindi kayang pumatay? Ano naman ang mga ito?'

Napansin din ni Pain ang mga death threats na nakakalat sa sahig. Mukhang galing sa natumbang trash can. May ulo ng manikang puno ng dugo, may mga notes at mga guhit na bungo na may dalawang butong nagka-ex sa bungo na iyon o ba kaya sa ibaba ng bungo. May mga patay na bulaklak pa at mga gutay-gutay na manika.

'Sino bang ginalit ng babaing ito at parang ang daming may gustong pumatay sa kanya?'

Pinulot ni Pain ang isa sa mga notes.

"Iwan mo si Worst or you will die."

"Stay away from him!"

Halos lahat ng mga nakasulat ay nagsasabing layuan si Worst.

"Alam kong ganyan din ang sasabihin mo kaya umalis ka na." Sabi ni Ciarra na may dina-dial sa cellphone. Ilang sandali pa'y nagsalita ulit.

"Send someone to clean my room." Pagkatapos in-off na ang cellphone. Ang principal ang tinatawagan niya. Iyon palagi ang ginugulo niya kapag may nangyayari ang ganito.

"Kaysa manood ka lang diyan, mas mabuti pang tulungan mo na lang akong magligpit." Sabi ni Ciarra na nililigpit ang mga basura.

Pinulot na lamang ni Pain ang mga nakakalat na death notes at nilagay sa basurahan. Pinatayo na rin ang mesa at natumbang upuan. Ilang sandali pa'y dumating ang dalawang inutusan ng principal at ang mga 'yon ang nagdala sa dalawang lalaking walang malay.

"Alam ba ito ni Worst?" Nagdadalawang isip na tanong ni Pain pero nagtanong din.

"For what? Wala siyang pakealam. So why should I bother him? Hindi naman niya ako ilalagay sa sitwasyon na ito if he cared di ba?" Base sa reaksyon ni Ciarra, may kung anong pumasok sa isip ni Pain.

Na maaaring ginagamit lamang ni Worst si Ciarra para maprotektahan si Cianna, dahil alam niyang kaya ni Ciarra ang sarili hindi tulad ni Cianna na nangangailangan ng proteksyon galing sa iba.

Tinitigan ni Pain ang babaing inaayos na ngayon ang nagkagulong bedsheet at kumot.

"Kapag talaga namatay ako, mumultuhin ko talaga ang Worst na 'yon." Padabog pang umupo sa kama si Ciarra at napangiwi nang masagi ang sugat sa tagiliran. Nakabendahe na ito, ibig sabihin lang no'n, hindi ngayon ang sugat na ito.

"Saan 'yan galing?" Curious na tanong ni Pain.

"Saan pa nga ba? Sino pa bang magtatangka sa buhay ko kundi sa kalaban ng boss mo? Saka bakit ka tanong ng tanong? Ano naman kung may mangyayari sa akin dito? Alam kong isa ka pa sa magtatalon sa tuwa. Alis na nga! Napadaldal pa ako dahil sayo. Alis!" Binato pa ng unan si Pain.

Pero hindi ito natinag.

"Paano kung babalik sila?"

"Nakapagtataka nga kung hindi. Pero mas ayos yon, dahil may thrill na ang boring kong buhay."

So what kung mamamatay siya? May iiyak ba? May masasaktan ba? May nagpapahalaga ba sa katulad niya? Wala naman di ba? Iniwan siya ng kanyang ama. Tinalikuran ng kanyang Kuya, pinalayas ng sariling ina. Wala siyang tunay na kaibigan. Ano pa ba ang silbi ng buhay niya? Kung malalagay sa panganib? So what? Wala namang mawawala sa kanya. Ito ang nasa isip ng dalaga.

"Hindi ka man lang ba natatakot ni mag-alala?"

"Walang mawawala sa akin kaya ano ang ikakatakot ko? I have nothing to lost anyway." Pagkatapos sabihin yon pumasok na sa banyo para makapaghugas. May mga dugo kasi sa katawan niya. Umalis nalang din si Pain na hindi man lang nasasabi ang pakay.

***

Cia, The Worst (Published)Where stories live. Discover now