✓CTW46: Ngunit mas mahal mo siya

2.1K 99 6
                                    

3 years after nagdrop-out si Ciarra.

Magkasamang nagdinner sina Cianna at Worst.

"Gusto nina mama na isama kita sa dinner bukas. Maari ka bang pumunta?"

"Pasensya na. May gagawin pa ako." Sagot ng lalaki at ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor.

"Pansin ko. Palage ka na lamang busy. Bakit palage ka na lamang nagta-travel abroad? Ano bang ginagawa mo sa iba't-ibang bansang pinupuntahan mo?" Tanong ni Cianna. Magmula no'ng gumraduate sila, palage na lamang nangingibang bansa si Worst. Ni hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Hindi din niya alam kung ano ang ikina-busy ng lalake.

Kapag magkasama naman sila palage namang busy sa hawak na phone tulad ngayon. May tumawag na naman at nagpaalam na naman si Worst sa kanya upang sagutin muna ang tawag.

Tulad ng dati, naghintay na naman si Cianna. Habang naghihintay, nakita niyang naiwan ni Worst ang wallet nito sa inuupuan. Nag-aatubiling damputin ang wallet. Makalipas ang ilang minuto wala parin si Worst kaya dinampot na lamang ang wallet at ipinatong sa mesa habang patuloy na naghihintay kay Worst.

Kaso ilang minuto na ang nakalipas hindi parin nakabalik ang binata. Napatingin si Cianna sa wallet at naisipang tingnan ito. Na-curious siya kung ano ang laman nito kaya binuksan niya. Credit cards lang ang nakita niya at iilang perang papel. Napangiti siya makita ang larawan nilang dalawa ni Worst. Ibabalik na sana niya ang wallet nang may nakitang nakausling larawan sa likod ng larawan nilang dalawa.

May nasilip din siyang picture na natakpan sa mga credit cards kaya tiningnan niya ito at nakita ang isang stolen picture ng isang batang babae. Since kamukha niya, she thought na siya iyon but then she realized na may kahawig nga pala siya. Mabilis niyang tingnan ang iba pang mga nakatagong pictures at dito nakita niya ang larawan ng batang Ciarra at ang Ciarra'ng natutulog sa ilalim ng puno.

Muntik na niyang mabitiwan ang wallet dahil sa natuklasan. Hindi siya ang unang minahal ni Worst. Kundi sa simula palang, hindi na niya pinagmamay-ari ang lalake. May iba na talaga ito at napagkamalan lang siya. Napagkamalan siyang si Ciarra.

Nakita niyang pabalik na si Worst kaya agad niyang binalik ang wallet sa upuan.

"Sino yung tinawagan mo?" Matamlay niyang tanong na halos hindi na mabigkas ang mga katagang iyon.

"Tauhan ko." Sagot lang ng binata na di pansin ang pananamlay ng kasintahan. Napayuko naman si Cianna at sinabing uuwi na.

Kahit alam niyang hindi siya ang mahal ni Worst, iniisip niyang maibabaling din ni Worst ang pag-ibig nito sa kanya pagdating ng panahon. Hanggang sa isang araw natuklasan niyang nagkasakit si Worst. Agad siyang nagpunta sa bahay nito.

Nakahiga ito sa kama at nababalot ng comforter ang katawan.

"Worst." Tawag niya sa lalaking may mataas na lagnat.

"Cia." Mahinang tawag ni Worst.

"Nandito ako Worst."

"Cia. Cia-rra." Muntik na siyang mapaupo sa narinig.

"Ciarra." Sambit ulit ni Worst. Nanghihinang umupo si Cianna sa gilid ng kama ng binata.

It's painful yet she endured it. Magdamag na Inalagaan ang lalake kahit na ibang pangalan ang binabanggit.

"Ciarra, I'm sorry, so please don't leave me. Please."

"Stay with me Ciarra. Don't leave me."

"I love you."

"I love you very much."

Tumulo na ng tuluyan ang luha ni Cianna.

"Bakit ikaw pa Worst? Bakit ikaw pa minahal ko gayong hindi naman ako ang minahal mo? At bakit sa lahat ng mga babae bakit siya pa? Bakit hindi nalang iba? Bakit nagmahal din ako sa lalake pang iba ang gusto katulad kina Mommy at Tita? Bakit?" Hindi na niya napigilang mapahagulhol.

"Ako ang nandito. Di ba pwedeng ako na naman ang isipin mo?" Pagkatapos umiyak, tumayo siya at binuksan ang maliliit na drawer at naghanap ng gamot.

Pero isang photo album ang nakita niya.

Photo album na ang mga laman ay mga larawan lang ni Ciarra. Si Ciarra na nakasuot ng taekwondo uniform. Inaapakan nito ang isang batang lalake na kamukha ni Hawk. Si Ciarra na umiiyak sa ilalim ng puno na may caption pang

"Kung pwede lang hatiin iyang sakit na nararamdaman mo, para naman mabawasan kahit kunti ang bigat na nararamdaman mo."

"Kahit walang nachi-cheer sa'yo, nandito lang naman ako." Ito naman ang caption sa isang larawan ng batang Cia na nanalo sa LiMiss Goddess search ng campus.

"Nagagalit-galitan ako kapag kaharap ka kasi naman kinakabahan ako kapag nasa tapat na kita." Ito naman ang caption sa isang larawan ni Ciarra na ang sama ng tingin sa camera.

Nakita din ni Cianna ang larawan ng batang babae na nakamaskara na nakatingin sa direksyon ng camera. Walang emosyon ang mga mata. At ang larawan ng isang batang Ciarra na nakaupo sa duyan. Malungkot at may mga luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi.

At mga larawan ni Ciarra na nasa ten years old pa siya hanggang sa magiging sixteen na siya.

"Ciarra. Bakit kahit ang layo mo na, ikaw parin ang nasa puso niya? Kung mas nauna ba akong dumating sa buhay niya, posible bang ako ang mamahalin niya?"

Napatingin siya kay Worst. Mahal niya ito pero may mahal itong iba.

"Mahal kita, mahal mo siya. Ang tanong, mahal ka din ba niya?"

***

Cia, The Worst (Published)Where stories live. Discover now