✓CTW57: Crizan's side

2K 90 1
                                    

Natigilan si Ciarra makita ang lalaking nakatayo sa tapat ng bahay ng kanyang ina. Pinagmamasdan nito ang mag-anak na nagkakatuwaan sa may terrace ng bahay. Ang mag-anak na ito ay walang iba kundi sina Charis at Christian, kasama ang dalawang taong kambal na sina Neara at Christan.

Dahan-dahang tumalikod ang lalake at dito nakita ni Ciarra kung sino ito.

"Ciarra?" Gulat na tanong ni Crizan nang makitang nasa likuran pala niya si Ciarra.

Napatingin naman si Ciarra sa terrace at naalala ang dating masaya nilang pamilya. Dati, ganito din kasaya ang pamilya nila. Pero nagbago yon dahil kay Claris. Ngunit masaya na siya dahil nakikita na niyang muli ang saya at tuwa sa mga mata ng ina. Hindi man dahil sa kanila kundi sa bago nitong pamilya, ang mahalaga masaya ng muli ang kanyang mama Charis.

Naglalakad-lakad na lamang silang dalawa ni Crizan habang nag-uusap.

"Nabuntis ko ang tita mo, and I didn't mean it." Pagsisimula ni Crizan.

"Nang malaman kong anak ko si Cianna, nagiguilty ako at naaawa sa kanya. Dahil sinabi ni Claris na ibabalik na niya sa America ang bata kaya sinulit ko ang oras na iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Dahil anak ko parin siya. Pero dahil don napabayaan kita. Iiniisip ko kasi may utang ako kay Cianna bilang ama ngunit hindi ko man lang naisip ang posibleng mararamdaman niyo ng kuya mo. Hindi ko maamin-amin sa iyong ina ang natuklasan ko dahil ayaw kong iwan niya. Alam kong iiwan niya agad ako dahil may nangyari sa amin ng mismong kapatid niya. Alam kong pipiliin niyang lumayo kaysa manatili sa akin."

"Isang araw nagkita sila ni Cianna at sa isang tingin palang alam na niyang ako ang ama ng bata. Matagal din bago siya nagfile ng divorce. Hindi ako pumayag noong una pero ayaw kong mamamatay si Claris dahil alam kong ikakalungkot ito ng iyong ina. Kamakailan ko lang nalaman na mas pinili niyang makipaghiwalay sa akin dahil sa ayaw niyang magpakamatay ang kapatid. Pinipilit na din ako nina ama na bumalik sa amin at imanage ang ilan sa mga negosyo nila. Hindi sumama sa akin ang iyong ina. Kinasusuklaman kasi niya ako sa mga panahong iyon. Pinili kong isama si Cianna dahil kailangan ayaw mo namang sumama. Kahit si Ciannon ay ayaw rin akong makasama." Mahabang salaysay ni Crizan.

"Ciarra, I'm sorry. I'm so sorry. Mahal ko kayo ng mama mo. Alam kong nagkamali ako pero sana naman ay mapatawad niyo ako. Hindi ko kailanman pinagtaksilan ang inyong ina. May mga nagawa man akong hindi niyo nagustuhan noon pero hindi ko kailanman pinagtaksilan ang mama niyo. Dahil mahal ko siya." Ang malungkot na sabi ni Crizan.

"Nangyari na ang lahat. Nasaktan na ako. Hindi na maibabalik pa ang dati. Magpatawaran man tayo pero hindi na mababago ang lahat. Mawawala man ang galit na nararamdaman ko pero nangyari na ang lahat. Maghihilom man ang sugat pero hindi na matatanggal ang peklat na bunga sa nangyaring hindi sadyang pagkakamali. Hindi ka nagtaksil kay mama pero binigyan mo kasi siya ng dahilan para iwan ka. Kaya di mo rin siya masisisi." Sagot ni Ciarra. Wala na siyang galit sa ama. Hindi na rin siya nasasaktan kapag nakikita at nakakausap ito. Hindi na katulad ng dati na palaging sisikip ang dibdib niya sa sakit.

"May iba ng kasama si mama. At may nagmamahal na rin sa kanya na higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo. Masaya na siya sa bago niyang pamilya kaya kung maaari wag mo na silang guluhin pa. Kaya huwag mo na siyang isipin pa. May iba ka na, may iba na siya. Pantay na kayong dalawa." Sabi niya.

"Alam ko. At alam kong wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin ang katotohanan na hindi talaga kami sa habang buhay." Pagkatapos nilang mag-usap nagpaalam na rin si Crizan.

Napabuntong-hininga naman si Ciarra habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ng ama. Naaawa siya rito dahil hanggang ngayon Mahal parin nito ang kanyang ina ngunit pareho na silang may ibang mga pamilya. Naaawa siya sa ama pero mas boto parin siya sa Step-dad niya na siyang palaging nandiyan kapag kailangan ni Charis ng karamay.

Pumasok na si Ciarra sa gate ng bahay at naratnan si Ciannon na nagbabasa ng newspaper.

"Nakita ko kayo kanina ni Worst." Natigilan si Ciarra sa narinig. Nakalimutan niyang kaaway nga pala ng kuya niya si Worst. Hindi niya maiwasang kabahan. Paano kung babalik na naman sa dating gawi ang kuya niya at sasaktan na naman si Worst?

"Alam ko ng mahal ka talaga niya kaya kung mahal mo rin siya, masaya ako sa inyong dalawa." Dagdag pa ni Ciannon na ikinabigla ng dalaga.

"Hindi ka na galit sa kanya?"

"Galit ako sa kanya dati dahil ang akala ko ginagamit ka lang niya para protektahan si Cianna." Paliwanag ni Ciannon.

Hindi naman mawari ni Ciarra ang tuwa sa kanyang puso. Pero nang maalala na may kasalanan ang kuya niya kay Worst, nag-alala siya na baka magalit si Worst kay Ciannon at magagalit din sa kanya pag natuklasan nitong si Ciannon ang bumaril kay Worst at kumidnap kay Cianna dati.

***

Cia, The Worst (Published)Where stories live. Discover now