✓CTW42: Bakit ako nasasaktan?

2.2K 93 3
                                    

Pagkatapos ng klase, nakita ni Ciarra na naghihintay sa labas ng classroom niya si Cianna. Lalagpasan na sana niya ito nang tawagin siya.

"Ciarra. Maaari ba kitang makausap?" Magmula nong lagnatin ito dahil sa suicide drama nito, ngayon pa lamang sila muling nagkausap.

"Sabihin mo na lamang ngayon. I'll give you five minutes. Dapat tapos na yan." Sagot niya.

"Alam mo namang mahal ko si Worst di ba?" Tanong muli ni Cianna.

"Halata naman." Alam naman ng lahat 'yon kaya bakit pa nagtatanong ang isang 'to?

"At di mo naman siya mahal di ba?" Muling tanong ni Cianna. Napakunot naman ang noo ni Ciarra.

"Ano naman kung mahal ko siya o hindi?"

"Alam kong si Ciannon ang may gawa no'ng nangyari sa amin, sa palagay mo ba, hindi ka gagamitin ni Worst para makapaghiganti kay Ciannon? At sa palagay mo ba hindi magagalit si Worst kapag nalaman niya ang totoo?" Muli na namang tanong ni Cianna.

"Gagamitin man niya ako o hindi wala ka ng pakialam do'n. Magalit man siya sa akin wala ka na ring pakialam." Balak ba siyang i-black mail ng half-sis na 'to gamit ang ginawa ni Ciannon kina Worst at Cianna para layuan niya lang si Worst?

"Paano kung magsumbong ako sa mga pulis? Siguradong makukulong ang kuya mo." Sagot ni Cianna.

"Tinatakot mo ba ako?" Sagot ni Ciarra at tumawa.

"Magsumbong ka na kung gusto mo. Wag mo akong tinatakot dahil iisa lang ang kinatatakutan ko. Magmahal ng taong hindi ako ang mahal, katulad mo. Maliban do'n wala na kaya wag mo na akong takutin pa."

"Higit sa lahat hanggang salita ka lang naman e dahil wala ka namang maibubuga." Kahit magsumbong man kasi si Cianna alam niyang hindi naman hahayaan ni Crizan na makulong ang anak. Baka nga ubusin pa ang lahat ng yaman nito para sa kalayaan ni Ciannon. Si Cianna lang din ang ang maaagrabiyado.

Si Ciannon ang only boy ng mga Verdal. At mas pinapahalagahan ng mga Verdal ang mga lalake kaysa sa mga babae. Kaya nga kahit ayaw ni Ciannon na sumama sa ama pinilit nila ito dahil si Ciannon lamang ang nag-iisang anak na lalake ng pamilya. Kaya imposibleng hahayaan nilang may mangyayaring masama sa kanya o ba kaya ang maipapakulong siya. At alam ni Cianna ang mga bagay na iyon.

"Maari bang layuan mo nalang si Worst? Ibibigay ko sayo ang anumang gusto mo. Kahit ang mamanahin ko sa mga Verdal, sayo na yon. Lahat basta kaya ko lang."

"Ibibigay o isusuli? Ibibigay sa akin ang sa akin naman talaga? Nagpapatawa ka ba? Sa umpisa pa lang wala ka naman talagang matatawag na iyo e."

Ang mga bagay na ito ang pinakamasakit na katotohanan para kay Cianna. Dahil sa simula pa naman talaga, kay Ciarra ang mga bagay na pinapakinabangan niya.

May karapatan nga siyang maging tagapagmana dahil anak parin naman siya ni Crizan pero naisilang lang naman siya dahil sa pagkakamaling ginawa ng kanyang ina. Lahat ng tinatamasa niya ngayon ay dapat kina Ciarra at Ciannon at hindi kanya. Nang-agaw lamang sila ng mommy niya.

"Hindi ko hinangad ang anumang yaman. Sayo na yon. Dahil kaya ko namang abutin yon gamit ang sarili kong sikap. Kasi anak ako ni Charis. Kaya kong buhayin ang sarili ko at hindi umaasa sa yaman na pinaghirapan ng ibang tao."

Ang lahat kasi ng meron kay Claris ay ang mga bagay na pinaghirapan ni Charis. Kahit ang kompanyang pinagmamay-ari ni Claris ngayon ay ang kompanyang pinaghirapang palaguin ni Charis noon.

"Balato ko na ang lahat na tinatamasa mong yaman ngayon. Sayo na yon. Pero kung si Worst ang pag-uusapan, hindi ako makikialam. Hindi siya bagay na dapat ipamigay kaya wag mo akong kausapin tungkol sa bagay na patungkol sa kanya. Dahil kung talagang hindi talaga sayo. Kahit ano pa mang gawin mo, hinding-hindi talaga magiging sayo." Sagot ni Ciarra at napatingin sa relo.

"Pano yan. Tapos na ang five minutes." Sabi niya at nilagpasan na si Cianna.

"Kung lalayuan mo siya, babalik din siya sa akin." Sagot ni Cianna.

"Kahit panakip-butas ka lang?" Sagot ni Ciarra na patuloy parin sa paglakad.

"Mahuhulog din siya sa akin, pangako yan." Determinadong sagot ni Cianna.

Bahagyang natigilan si Ciarra at nagpatuloy na sa paglakad. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nasasaktan.

Kapag naiisip na makitang magkasama ng muli sina Cianna at Worst, hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit.

"Nahulog na ba ako sa kanya?" Sambit na lamang niya sa sarili.

"Magmahal ka na ng kahit sino pero wag si Worst. Wag si Worst Ciarra. Pakiusap." Ang naalala na namang pakiusap ng kanyang kuya noon.

Kaya lang, paano niya maiiwasan ang taong palaging nandiyan para sa kanya?

"Ciarra!" Bigla na lamang bumilis ang tibok ng kanyang puso marinig ang boses na ito.

"Hindi ito maaari. Hindi ako dapat mahulog sa kanya."

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot ang noo niyang tanong makitang nakaharang si Worst sa kanyang daraanan.

"I'm sorry. I'm so sorry." Sinsero niyang paghingi ng tawad. "Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng pamilya ko. Alam kong di na no'n maibabalik ang anumang nasira na. Pero alam kong nagsisi rin sina mommy."

"Hindi ka sa akin dapat manghingi ng tawad. At hindi ikaw ang dapat manghingi ng tawad. Ngayong alam mo na ang lahat, break na tayo kahit hindi naging totoong tayo. At magmula sa araw na to, ikaw at ako, ay wala ng koneksyon sa isa't-isa." Muntik pa siyang pumiyok nang sabihin ang mga salitang ito.

"Bakit ang hirap yatang banggitin ng mga katagang ito?" Sambit niya sa isip. At mas nasaktan siya nang makita ang sakit sa mga mata ni Worst.

"Bakit ganyan ka Worst? Bakit mo pinapakitang mahalaga ako kung kailan hindi na maaaring maging tayo?" Gusto niyang itanong ang mga bagay na ito pero hindi niya kayang bigkasin.

"Mahal kita Ciarra. Sabihin mo lang na may kaunting pag-asa ako. Kahit isang porsyento lamang. Ako na ang bahala sa iba. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon." Pakiusap niya na lalong ikinasikip ng dibdib ni Ciarra.

"Magmahal ka na ng kahit sino pero wag si Worst. Wag si Worst Ciarra. Pakiusap."

Muli niyang naalala ang pakiusap ng kanyang kuya.

Napatingin siya kay Worst. "I'm sorry Worst. Pero may mas nangangailangan sa'yo at mas karapat-dapat sa'yo." Sagot ni Ciarra at dumaan sa gilid ni Worst.

Bigla naman siyang hinila ni Worst at niyakap na ikinalaki ng kanyang mga mata sa gulat. Itutulak na sana ito pero nakiusap ang lalaki.

"Payakap. Kahit ngayon lang." Pakiusap ni Worst sa kanya.

"A-anong ginagawa mo?"

"Nagcha-charge." Natigilan si Ciarra sa narinig. Pero agad naitulak si Worst makita ang paparating na si Ciannon. Mahalaga man ang nararamdaman niya pero mas mahalaga ang pamilya niya.

Mabilis na iniwan si Worst at sinalubong ang paparating na kuya.

She may be bad in treating others but she's worse at treating herself. As she only cared about the feelings of her beloved family she valued rather than herself.

***

Cia, The Worst (Published)Where stories live. Discover now