✓CTW22: Cianna is my past

2.5K 101 1
                                    

(revised)

***
Nanginginig ang mga kamay kong ipinasok ang cellphone sa aking bulsa. Sinagot lang pala niya si Worst dahil sa pera at para makapaghiganti. No! Hindi ito maaari. Ayaw kong lokohin niya si Worst. Hindi ko hahayaang magtagumpay ka Ciarra.

Walang kasalanan si Worst kaya hindi niya dapat idamay si Worst sa galit niya sa amin.

Kung manghihingi ba ako ng tawad, mapapatawad ba niya kami? Ano ang dapat kong gawin para makabawi? At para di na madamay si Worst?

Ipinasa ko kay Pain ang naging usapan nina Lion at Ciarra para maiparinig niya iyon kay Worst. Kaya nang muli kong makasalubong si Pain, agad ko siyang tinanong kung ano ang reaksyon ni Worst pero ipinarinig lamang ni Pain sa akin ang naging usapan nila ni Worst na nirekord niya.

"I don't care if she's just using me, as long as I love her." Muntik ko na tuloy mabitiwan ang cellphone ni Pain na kasalukuyan kong hawak ngayon.

"Ayaw lamang naming umasa ka at masaktan nang dahil lang sa babae Worst." Boses ito ni Pain. Si Pain ang pinakaclose ni Worst at para na silang magkapatid. Kaya siya lang itong may lakas na loob na pagsabihan si Worst.

"I know what I am doing."

"Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi niya? Nahihibang ka na ba talaga?" Galit ng sabi ni Pain.

"As long as Cianna and Ciarra is different, it's fine."

"Worst!"

"Cianna is my past. Ciarra is my life. If money and revenge for the Verdal family can make her stay, then I'll do everything to have more money and wish that she will not forgive the Verdals so that she will stay with me forever."

Napaupo na ako sa sahig. Pinipigilan ang pag-agos ng aking luha. Bakit? Bakit mahal parin niya si Ciarra sa kabila ng nalaman niya? Bakit naglaho ang pagmamahal niya sa akin kahit na hindi ko naman ginustong iwan siya?

"Hindi ko sana ipaparinig yan sayo. Pero, ayaw kong umasa ka pa Cianna." Pampakalma ni Pain sa akin. Lalo lamang tuloy akong napaiyak.

"Pain. Ano ang dapat kong gawin? Ayaw kong mawala si Worst."

Ikinuyom ni Pain ang kamao. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Pero alam kong hindi niya hahayaang magtagumpay si Ciarra.

"Leave it to me." Sabi ni Pain bago umalis. Tumayo na lamang ako at kailangang makaisip ng paraan kung paano mapigilan si Ciarra sa binabalak niya.

Ipinasa ko kay mommy ang recorded voice ni Ciarra para siya na ang bahalang mag-inform nito kay daddy. At nang tawagan ko si mommy kung ano ang nagiging reaksyon ni dad. Ang tanging sagot niya ay...

"If she can destroy it or not, it has nothing to do with us. She is one of the real heiress anyway."

Iyon ang sinabi ni dad? Real heiress. Then what am I? Hindi ba ako maituturing na tunay na tagapagmana dahil minsan kong dala ang pagiging anak ng isang kabit?

Wala daw kasing ibang sinabi si Daddy maliban doon at dinagdagan ng bumuntong-hininga.

Hindi basta-basta ang pamilya ni Worst. Isang salita lang niya alam kong babagsak agad ang pamilyang Verdal. Then, ano ang dapat kong gawin? Paano ko mapipigilan ang pagkasira ng aking pamilya at ang tuluyan paglayo ni Worst sa akin?

***

Cia, The Worst (Published)Where stories live. Discover now