✓CTW21: Worst version

3.3K 125 25
                                    

Third person's p.o.v

"Subuan mo ako." Bulong ni Worst kay Ciarra.

"Mamaya na. Gutom pa ako." Sagot ni Ciarra na walang pakialam kung ano ang hitsura niya habang kumakain.

Nakasimangot na nagsimulang kumain si Worst. Ilang sandali pa'y napatingin sa kumakaing si Ciarra. Hindi niya maiwasang ipagkukumpara ang dalawa. Si Cianna, hindi na niya dapat pang pagsabihan at alam na nito kung ano ang magpapagaan ng loob niya. Ang babae namang katabi niya ngayon, walang pakialam sa kanya.

"Alam kong mas maganda ako sa kanya kaya wag mo na akong titigan ng ganyan."

"Don't assume the impossible thing."

"I'm stating the truth." Sagot ni Ciarra at muli ng sumubo sa lasagna na binili ni Worst para sa kanya.

"At kung ipagkukumpara mo kaming dalawa, at pilitin mo akong gawin kung ano ang ginagawa niya sayo, hindi ko 'yon magagawa. Dahil complete opposite talaga kami. Kung mas marami siyang good side wala ako niyan. Because I am the worst version of her." Sabi pa ni Ciarra.

Ilang sandaling katahimikan pero kasunod no'n, "halata nga." Sagot ni Worst. Hindi naman umimik si Ciarra at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Pero nagulat siya nang subuan siya ni Worst. Napakunot ang kanyang noo nong una pero naisip niyang sakyan na lamang ang acting nito kaya ibinuka na lamang niya ang bibig. Kaya lang binawi ni Worst ang kamay at kinain ang isusubo sana kay Ciarra. Napanguso naman si Ciarra.

"Sige lang. Papasubo ako sa iba. Tingnan mo." Agad hinanap ng paningin si Hawk.

"Para biro lang e. Ito na nga o. Say ah." Inilapit ang kutsara na walang laman kay Ciarra.

"Huy! Worst!" Galit niyang sigaw. Malapit na talaga siyang mapikon. Baka liparin na 'tong mesa. Pero tumawa lang si Worst na ikinagulat ng lahat.

"Hahaha! Ang cute mo din pala kapag napipikon. Hahaha!" Humawak pa sa kanyang tiyan habang tinuturo si Ciarra. Si Ciarra naman nakatulala.

Hindi niya maiwasang mapatitig sa tumatawang si Worst pero agad iniling ang anumang pumasok sa isip.

Ang mga kagrupo naman ni Worst, kung kanina laglag ang panga ngayon naman, sinampal-sampal ang sarili. Una, natuto na manukso na di ginagawa kay Cianna dati. Pangalawa, tumawa ito ng malakas. Hindi tawang demonyo o nakakakilabot kundi tawang galing talaga sa puso. Dati tumatawa siya kapag kasama si Cianna pero hindi ganitong tawa na parang walang inaalala.

Pero napatigil makitang bigla na lamang lumungkot ang mukha ni Ciarra ngunit agad din itong naglaho.

"What's wrong?" Tanong agad nito kay Ciarra.

"Ikaw ang dapat tanungin diyan. Bigla-bigla ka nalang tatawa tapos ako ang tatanungin mo ng what's wrong?" Sagot ni Ciarra at nagtsk. Tinitigan lamang siya ni Worst.

Nagulat na lamang si Ciarra dahil bigla siya nitong yakapin na ikinagulat niya.

"What are you doing?" Itutulak sana niya si Worst pero hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.

"Oh! My! My PDA!" Sambit pa ni Disaster na tinakpan pa ng tinidor ang mga mata ngunit nakatingin naman kina Ciarra.

Tumikhim naman si Pain at Hurt.

"Ano ba. Wag ka ngang nangyayakap." Hinampas pa ni Ciarra ang ulo ni Worst pero mahina lang.

"Ciarra. How can I see you smile the way like before?" Bulong nito kay Ciarra na ikinagulat ng dalaga.

"Smile like before? Ano bang tinutukoy nito?"

Ramdam niya ang paghigpit pang lalo ng yakap ni Worst. At nakaupo sila sa lagay na yan.

"Ano ba. Kung papagselosin mo ang gf mo wag sa ganitong paraan, pwede ba." Bulong niya pabalik habang tinutulak si Worst. Binitiwan naman siya nito na ikinahinga niya ng maluwag.

Nakita nilang tumakbo palabas ng cafeteria si Cianna at hinabol naman ito ni Lion. Tiningnan naman ni Ciarra si Worst pero hindi niya ito makikitaan ng kahit ano pa mang emosyon.

Pagkatapos nilang kumain, lumabas na si Ciarra na di na hinintay si Worst. Nawiwirduhan kasi siya sa bigla nitong pagyakap kanina at sa binulong nito sa kanyang tainga.

***

Pasipol-sipol na lumabas ng banyo si Ciarra na nakabath robe lang. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang atakehin ng kung sino pero agad din naman siyang nakaiwas. Hahawakan nga sana siya ni Lion at kuwelyuhan kaya lang mabilis ang reflexes niya at agad na nakaiwas.

"Paanong naging kayo ni Worst? Alam mo bang may nasasaktan ka?" Galit nitong tanong sa kanya. Hindi niya iyon pinansin at kumuha lang ng maisusuot na pantulog.

Napansin niya ring nakabukas ang bintana at naisip na siguro sa bintana dumaan si Lion kaya nakapasok sa kanyang kwarto.

"Do you love him?" Tanong ni Lion na nakatingin sa ibang direksyon.

"Love? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'yan. Hindi ko 'yan naramdaman kaya paano ko iyan malalalaman at maiparamdam? Saka wala ganyan sa buhay ko. Hindi 'yan uso." She answered indifferently.

"Then why?"

"Bakit kita sasagutin sa tanong mo?"

"Is it because of money?"

"Maybe yes?"

"Or because you want to take revenge?" Natigilan si Ciarra sa tanong na ito. Naisip niyang maaring nag-imbestiga si Lion tungkol sa kanya kaya maaaring alam nito ang tungkol sa relasyon nila ni Cianna.

"Pwede rin."

"Walang kasalanan si Cianna kaya wag mo siyang idamay sa galit mo." Halos pasigaw ng sabi ni Lion na umani ng cold na tingin ni Ciarra na ikinatigil niya.

"Ako ba meron?" Anong karapatan nilang hayaan akong mabuhay na uhaw sa pagmamahal ng mga magulang? Anong karapatan nilang sirain ang pamilya niya? Hindi man lang ba nila naisip ang nararamdaman niya?

"Gusto mo bang iparamdam kay Cianna kung ano ang pakiramdam ng aagawin ng sariling kapatid ang taong minamahal?" Tanong muli ni Lion.

"Mukhang ang dami mong alam a. Well, sabagay. Tama ka. Gusto kong makita ni Claris na nasasaktan ang anak niya. Gusto kong makita at malaman kung ano ang mararamdaman niya na ang mahal at ex boyfriend ng anak kasama na ngayon ng sariling kapatid. Ano ang pakiramdam ng makitang pinagtaksilan ang taong napakahalaga sa buhay mo." Sagot niya na mababakasan ng galit at lungkot ang mga mata.

"Ginagamit mo lang si Worst para makapaghiganti ka sa sarili mong kapatid?" Tanong ulit ni Lion.

Pansin ni Ciarra na may hawak na cellphone si Lion at pansin niya ring nagliliwanag ito.

"Tama ka."

"At dahil din ba may pera si Worst?"

"Yes. Kapag maikasal na kaming dalawa, ipapabagsak ko ang buong pamilyang Verdal. Lalo na si Claris at si Crizan" Pagkatapos niyang sagutin ang mga tanong ni Lion agad din itong umalis.

"Ano bang pinaplano niyong dalawa Cianna?" Tanong na lamang niya sa sarili at nagpalit na ng damit.

***

Cia, The Worst (Published)Where stories live. Discover now