Chapter 14

11.4K 337 3
                                    

brentasher  Hi  po Happy reading...


SHANLEI

Nandito kami ngayon sa mansyon, sa bahay namin. Kasama namin sina kuya, daddy, manang Fe, ang kambal at si Tyler.

Ngayon lang ulit nangyari ang magkasabay kaming magdinner nila daddy.
I need to talk to him later after this dinner.

Tahimik ang lahat habang kumakain hanggang sa matapos kami.

Nang matapos kami ay umalis kaagad si daddy sa hapag kainan. Sumunod ako sa kanya sa library. Pumasok ako at naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Nagbabasa ng dyaryo. Umupo ako sa tabi niya.

"Daddy, can we talk.? "

Nanatili lang siyang nakatuon sa dyaryong hawak niya at hindi siya umimik.

"Daddy, please.. " Garagal na boses ko. Hindi ko mapigilang maiyak. Ang sakit eh, hindi na ba niya talaga ako mahal kaya't di lang man niya ako kausapin o di kaya'y pansinin. Kaya napahikbi na ako sa tabi niya.

Nilapag niya ang hawak niyang diyaryo sa tabi niya at humarap
sa akin.

"Okey. Anong gusto mong pag usapan natin." Wika niya kaya't napaangat ako ng ulo at sabay punas sa mga luha ko.

"I' m getting married."

"Then, do whatever you want."
Seryoso niyang sabi sa akin.

Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin?

"Daddy, I know that your mad at me until now... But dad, gusto kong nang magkaayos tayo... Dahil miss na miss na kita daddy.... I really miss you. Kahit palagi kitang nakikita pero hindi sapat iyon para sa akin... Gusto ko nang makasama iyong daddy ko dati. Alam ko namang sinisisi niyo parin ako sa pagkamatay ni mommy... Hindi ko naman ginusto ang nangyari pero hindi ko pinagsisihang nagkaroon ako ng dalawang anghel. I'm sorry kung nadisapoint ko kayo noon,
I'm sorry kung hindi ako naging mabuting anak, at kung ako ang kahihiyan sa pamilya natin. I'm sorry daddy.... Sorry..... please.... dad stop.. avoiding me... because it kills me deep inside.... Ang sakit na po eh.. "
Napaluhod na ako sa harapan niya.
"..................daddy...... I'm so sorry.... I'm begging please...... Please forgive me. ". Napahaguhol na ako ng iyak sa may paanan niya.

Naramdaman kong ang dalawa niyang kamay sa aking balikat kaya't napaangat ako tingin sa kanya. His crying.

"Stand up hija. Umupo kana dito."

Sinunod ko ang sinabi at bumalik ako sa aking inuupuan habang panay parin ang pagdaloy ng mga luha ko.

"..I'm sorry. " wika niya.

"No. You don't need to say sorry dad. Ako ang may pagkakamali..."

"No baby. May pagkakamali din si daddy kaya patawarin mo ako dahil naging masamang ama ako. Hindi ko inisip ang naramdaman mo dahil naging makasarili ako.
Patawarin mo ako dahil kung kailan kailangan mo ako ay saka wala naman ako. Baby hindi kita sinisisi sa pagkamatay ng mommy mo. Hindi ko lang matanggap na wala na siya At sa tuwing nakikita kita, laging mong siyang ipinapaalala sa akin, dahil magkamukhang magkamukha kayo at para akong dinudurog ng ilang ulit. Kaya't panay ang iwas ko sayo. Sorry baby dahil naging makasarili si daddy. Sanay patawarin mo rin si daddy. " wika ni daddy habang lumuluha.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. "I love you daddy and I miss you. Kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo." He hugged me back.

"I love you daddy. " I whispered to him again.

"I love you too. Ssshhh..... Stop crying ..... Daddy love you so much."

Humiwalay ako sa kanya at ngumiti.

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now