Chapter 25

7.1K 265 10
                                    



SHANLEI

"ARrrrggggg.....!!!!!" Malakas Kong ire at narinig ko ang iyak ng aking anak, kasabay ang sunod sunod ma pagtulo ng aking luha.

"It's a girl." Narinig Kong saad ng doktora.

"Lumabas na ang baby natin Tyler, sana'y gabayan mo kami mula diyan sa itaas at mahal na mahal kita. Pangako, aalagaan ko ang mga anak natin."  Saad ko sa aking isipan at dahan dahan pumikit.

Dahan dahan Kong inimulat ang aking mga mata nang may marinig akong mga ingay.  Nandito pala ang ilang kaibigan ng namayapa Kong asawa.

Malaki ang kwarto at mukhang isa ito sa mga private room. May sofa at mga mono blocks kung saan ang mga kaibigan ni Tyler.

"Fucked Santillan, ayusin mo ang paghawak diyan sa inaanak ko kung ayaw mong patayin ka ni De Zeru." May diing  saad ni Hellion Kay Xander habang hawak hawak ang anak ko. Sira ulo talaga itong si Hellion eh, nasa  kabilang buhay na ang asawa ko pero takot parin ito sa kanya.

"Ikaw kaya ang magkarga sa kanya? Puro ka lang salita diyan pero takot ka namang hawakan siya. Tsk!"  Tugon ni Xander  habang karga karga ang anak ko.

"Eh ang lambot lambot ng katawan niya dude at saka ayaw Kong mapapahamak ang inaanak ko sa sariling mga kamay ko. Takot ko lang ding mabugbog."  Pailing iling  na sagot ni Hellion.

"She's so cute. She's my future daughter in law." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kutungerong kaibigan ni Tyler.
Sumosobra din to eh, pati ba naman anak ko may nabuo na siyang plano. Masyadong advance mag isip.

"Anak ng tokwa naman oh, isusumbong talaga kitang hinayupak ka at paano mo naman magiging future daughter in law yang anak ni De Zeru kung hindi  ka nagtanim ng maaga, eh sana naunang lumabas ang bunga bago siya." Saad naman ni Connor.

"Yeah, I'm agree with you dude. Mahina kasi yan,  patay na yata ang semilya." Natatawang sabat ni Attorney Ricaforte na siyang ikinaigting ng panga ni Xander.

"Pasalamat kayo, dahil hawak ko ang future daughter in law dahil kung hindi, babalian ko kayo ng mga buto at para malaman niyo, namunga na ang itinanim kong  saging."  Kalmadong wika ni Xander at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"She's awake." Seryosong saad ni Hellios na siyang dahilan ng paglingon nila sa gawi ko. Ngumiti ako ng tipid sa kanila.

"How do you feel?" Mabilis na tanong ni Hellion at lumapit sa akin at sumunod naman si Xander .

"I'm fine so don't worry too much." Mahina Kong sabi sa kanya at napatango lamang ito.

"Gusto ko lang naman tuparin ang pangako ko sa asawa mo na babantayan ko kayong mag ina niya." Hellion said.

"Maraming salamat." Pagpapasalamat ko at ngumiti ako ng tipid.

"Tsk, mamaya na yan, kailangan na ni future daughter in law ko ng gatas. Kanina pa to gutom kaya lang mukhang napasarap ang tulog mo."  Wika ni Xander at inilapag ang anak ko sa aking tabi.

"Sino nga pala ang kasama ng kambal sa masyon?"  Tanong ko.

"Ang papa mo ang kasama nila at saka wag kang mag alala sa kaligtasan nila dahil nandoon din si King kasama ang kanyang magandang asawa." Sagot ni Attorney Ricaforte.

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon