Chapter 19

10.5K 358 14
                                    

(A/N :  Please press the little star in every chapter and feel free to drop your comment guys.
I also accept suggestion  if it is good to the story. 😄 Thankssss 😄)



TYLER


Alastres ng madaling araw kaming nakarating sa isla. 
Dadaong palang ang sinakyan naming yate ay pinaulanan na kami ng bala ng mga kalaban.

Hindi na ako magtataka kung nalaman nila na darating kami dahil alam kong may espiya sila sa mga  tauhan ko pero hindi ko matukoy kung sino.  Malalaman ko rin mamaya at sisiguraduhin kong ako mismo ang kikitil sa buhay niya.  Ang lakas ng loob niya na traydurin ako.

Mabilis akong tumalon sa yate  at sumunod naman ang mga kasamahan ko. 

Nag cover ako sa malaking bato dahil may kalaban sa unahan namin.

Sumenyas ako sa mga tauhan ko to distract the enemy. Umikot ako  at pumunta sa likuran ng mga kalaban. Umatake ako galing sa likod nila at iniisa isa ko silang binaril gamit ang baril ko na mayroong silencer.

I texted Hellios na ipahanda na ang helicopters.

Natanaw namin ng kasamahan ko ang malaking bahay sa gitna ng gubat  kaya sumenyas akong huminto mona kami.

"Kier magsama ka ng sampo. Kayo ang  aatake sa mga kalaban sa labas at kami na ang bahala sa loob.  Move. "  command ko sa kanila.

Mabilis silang kumilos at  mabilis din kaming kumilos upang makapasok sa loob ng malaking bahay.

Nang nasa loob na kami ay  namatay ang ibang ilaw kaya medyo madilim na. 

"Greg alam mo na ang gagawin.  Ako na ang bahalang maghanap sa fiancée ko."  Wika ko gamit ang earpiece.

"Masusunod boss." Wika nito sa kabilang linya.

Mabilis akong kumilos at pinasukan ko lahat ng silid sa taas  pero wala doon si Shanlei.

Palabas na ako sa isang silid ng paluin ng isang kalaban ang kamay ko dahilan ng pagkatapon ng hawak kong baril.

Umatake siya sa akin gamit ang isang bakal at mabilis naman akong nakailag. Malakas ko siyang sinikmuraan sa tiyan.
Natapon ang hawak niyang bakal at mabilis ko siyang inatake ng sipa  at binalibag ng malakas sa dingding.  Inuntog ko ko siya ng malakas sa pader at hindi na ito kumilos.

Pinulot ko ang aking baril at bumalik sa baba. 

"Boss,  may daanan dito papasok sa  underground floor. Dito sa kaliwang  side boss." Wika ni Greg sa kabilang linya.

"Hintayin mo ako jaan. Papunta na ako."

"Yes boss." Sagot niya.

Kaagad kong hinanap kung saan ang pwesto ni Greg.

"Boss." Tawag sa akin ni Greg.

"Papasok ako sa loob at ilagay mo na ang dinamita na dala natin.  And set two bomb in 2 hours."  Command  ko sa kanya.

Mabilis itong umalis sa harapan ko.  Binuksan ko ang pintuan na may hagdang pababa.

"Kier. Sumunod ka sa akin dito sa underground floor. Right now." Utos ko pero walang sumasagot. "Kier?. Kier.? "  Tawag ko ulit sa kanya gamit ang earpiece ngunit walang akong marinig na sumasagot.

"Boss,  kanina ko pa siya sinubukang kausapin pero hindi siya sumasagot.  Baka nahulog ang earpiece niya. Ako nalang susunod sayo boss. Malapit na akong matapos sa pagtatanim ng bomba at kailangan nating makaalis dito kaagad bago paman sumabog itong tinanim ko."  Wika ni Greg sa kabilang linya.

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now