Chapter 31

8.2K 276 10
                                    

Hello po @BarbieCabacas
Salamat po sa pagsuporta sa istoryang itoAt sa lahat po, maraming salamat sa inyo.



SHANLEI POV.

Nagising ako  sa mahihinang tapik sa aking balikat at minulat ko ang aking mga mata.   Mabilis akong Napa upo  ng makita ko isang babae sa aking paanan na may hawak hawak na baril sa kamay.

"Who are you? Paano ka nakapasok dito??!" Gulat na gulat Kong tanong at napatawa ito.

"You're making me laugh bitch. Syempre  dumaan ako sa pintuan kaya nakapasok ako dito. Wala namang ibang daanan papasok dito sa silid niyo kundi ang ang pintuan lang. Wala naman akong kapangyarihan na makapagteleport." Napatawa nitong saad at bigla ring sumeryoso.

Biglang sumagi sa aking isipang ang mga anak ko. Bumaling ako sa aking tabi at wala doon si Sydney. Malakas ang naging tibok ng aking puso dahil sa sobrang pag alaala sa mga anak ko. Baka kung ano na ang ginawa ng banaeng ito sa kanila.

"Well, hinahanap mo ba ang mga anak mo? Don't worry, walang masamang mangyayari sa mag ama mo kung susunod ka sa mga sasabihin ko."  Malademonya niyang saad. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Hindi mo ako mapapasunod sa kung anumang gusto mo. Papatayin mona kita." Matapang Kong saad at humalakhak ito ng mapakla.

"Madali lang naman akong kausap Mrs. De Zeru.  Isang tawag ko lang, sabog ang ulo ng mga anak mo. Pati na rin ang gwapo mong asawa.  Isang putok ng baril, isang buhay. Bang!!! Hahahahaha.... "

Tumatawa ito na parang asawa ni satanas. Nakaradam ako ng takot para sa kaligtasan ng mga anak. Hindi ko kakayaning may masamang mangyayari sa kanila at gagawin ko ang lahat para lang mailigtas sila. Kahit buhay ko ang kapalit.

"Nasaan na ang mag ama ko?"  I asked her.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin. Nanlumo ako ng makita ko ang litrato ng aking mag ama. Nakatali ang kamay at paa.

"Play the video there." She command me. Mabilis Kong sumunod ang sinabi niya nang itutok niya sa akin ang hawak niyang baril.

"Mommy....help..me please...help..me...I don't to want to die...please..." Umiiyak na saad ni Princess habang nagpupumiglas sa isang lalaking nakabonet.

Sunod sunod na bumuhos ang aking mga luha habang nanginginig ako sa sobrang galit. Hindi ko mapapatawad ang babae ng ito kapag may nangyaring  masama sa mga anak.

"Hayop ka talagang babae ka!! Hinding hindi  kita mapapatawad kapag may masamang mangyayari sa kanila. Papatayin kitang bwisit ka. Wala kang puso, pati mga bata dinadamay mo. Ano bang naging kasalanan ko sayo?? Ano!!?"  Nanggigil Kong saad.

"Talagang magmamatigas ka ngayon huh. Wala nang saysay para sabihin ko sayo ang mga kasalanan niyo akin dahil Hindi na yun mababago. Ano, susunod ka sa mga ipag uutos ko o buhay ng pamilya mo? Bibilang ako hanggang sampo upang mapag isipan mo. Nakasalalay ang buhay nila sayo kaya pag isipan mong mabuti. Isa, da...."

"Fine, susunod na ako sa gusto mo pero paano ko makasisiguro na papakawalan mo sila? Paano ako makasisiguro na tutupad ka sa usapan.?"

"Don't worry girl, sayo lang ako maniningil at marunong akong tumupad sa usapan."

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum