Chapter 30

7.8K 240 5
                                    

(A/N) Hi po sa inyong lahat. Ngayon lang nakapag UD ulit dahil nilandi naman ako ng mga lapis ko. "Drawing" Hahaha...my another habit ...well it's fun also

"Don't forget to vote and share your thoughts about to this chapter. Thank you."




TYLER POV:

Dalawang buwan na ang nakalipas Simula nang bulamalik ako sa aking pamilya. Halos hindi makapaniwala ang lahat na buhay ako  lalong lalo na ang mga taong  kilala ko.  Naging laman ako sa balita sa dyaryo, television at radio ang aking pagbabalik.

Maraming nagbigay ng imbitasyon sa iba't ibang istasyon ng media upang interbyuhin ngunit wala akong pinaunlakan sa mga ito dahil  nais  kong ibaun nalang sa limot ang mapait kong  karanasan  nitong nakaraan taon.  Ayaw ko nang maalala pa ang aking pagkawalay sa aking mag ina. 

"Daddy, itutuloy pa ba natin ang plano?"  My daughter asked me in lower voice.

"Yes. May problema ba?"

"Wala naman daddy. I'm just excited kung ano magiging sagot ni mommy. Alam mo naman daddy palaging mainit ang ulo  mommy nitong nakaraang tatlong araw. Eh kasi naman, palaging ginagabi ka na sa pag uwi at maaga ka namang umalis ng bahay. Sabi pa ni mommy, may babae ka daw kaya halos wala ka ng oras sa amin. Muntikan ko pa nga sanang masabi sa kanya kahapon ang dahilan kung bakit busy ka nitong nakaraang araw, pero mabuti nalang at nandoon si kuya that time. Naagapan niyang takpan ang bibig ko."   Mahabang paliwanag ni Princess.

"Basta, we need to make sure na hindi ng malalamam ang mommy niyo about to our plan, okay?"

"Yes, daddy." My daughter replied and she giggled. She looked more excited to our plan. "Pero kailan po yun?"

"Sa Makalawa na yun, so you need to be  behave, especially when your mom is around."

"I will." She answered.

"Go back to your bed now. Matulog ng maaga. Understand?"

"Understand."

Sumaludo pa ito sa akin.

"Goodnight daddy."

"Goodnight too."

I kissed her on chicks before she walk into her room.

I slowly walked into our room without making any noise.

Marahan Kong binuksan ang pintuan ng aming silid at nadatnan kong  mahimbing na natutulog ang aking mag ina sa kama.

Nang matapos akong maglinis ng katawan ay tahimik akong umupo sa gilid ng kama.  Marahan kong hinalikan ang aking asawa sa kanyang labi at humiga sa kanyang tabi.



"Okay na ba ang decoration and the arrangement? "  Emerald asked me.

"Yes. It looks great and I'm not regretting to hired you to prepared this all."

"Yeah, Hindi ka nagkamali ng pinili dahil nasisigurado akong magugustuhan ng asawa mo ang iyong surpresa. She's so lucky have a husband like you."

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now