Chapter 6

459 7 0
                                    

TAMARA

Habang tinatahak nila daan tungong eskwelahan ay wala silang imikan maliban nalang kung saan liliko. At buong byahe rin panay ang sulyap ko sa meter per hour.

"Ahm, Neptune, alam mo bang 35km/ph lang ang takbo natin?" Baka naman malate ako ng lagay na ito. Nilalagsan na rin sila ng ibang motorista.

"Ha? Ah... hindi..." bumilis nga ang takbo nila pero maya maya'y bahagyang bumagal ulit.

Kung dati, kulang trenta minuto bago ang klase ay nakaka rating na ako, ngayun, kulang sampung minuto nalang bago ang klase ko.

"Salamat."

"Sige lang. Mag iingat ka."

Kiming nginitian ko ang katabi habang inaalis ang suot na seatbelt. Pero di sinasadyang magka daiti ang balat nila ng abutin nito ang bote ng mineral water sa lalagyan.

Malamig ito. Ibang tipo ng lamig. Pansin ko rin na kanina pa ito inom ng inom ng tubig.

Kahit na nag tataka ay lumabas ako ng sasakyan. Hindi ko rin maisara ang pinto at patuloy itong pinag mamasdan.

"Tamara?" Napa tingin sa kanya si Neptune. Natigilan sa akmang pag buhay ng sasakyan.

Hindi ko matukoy kung dahil ba sa pagka basted ko rito o ano man kung bakit matamlay ito.

"Okey ka lang ba?" Hindi ko na matiis mag tanong. Para kasing hindi eh.

"Y-yeah. Dont worry... sige na--"

Hindi ko na pinatapos ito, agad akong sumampa at sinapo ang leeg nito, basa iyon. Malamig dahil na rin sa pawis. Kasunod ang noo.

"Hindi ka okey!" Agad kong binaklas ang seatbelt nito.

"Tam--"

"Dito ka lang. Sandali lang ako." Agad akong bumaba, iniwan ang bag sa passenger seat saka pumunta ng tindahan.

"Sabi na eh!" Aniko sa sarili ng makitang naka pikit na sa kinauupuan si Neptune ng maka balik.

"Hey!" Tinapik ko ito sa balikat upang mag mulat.

"Kumain ka muna nito." Sabay abot rito ng bukas na Hiro at tubig.
"Ubusin mo tapos iinum ka nitong gamot."

"Hindi mo kailangang gawin ito, Tamara."

"Yeah right." Pag nag kataon, kargo de konsensya pa kita!

Hindi ko pinansin si Neptune at patuloy na hinanap sa bag ang panyo.

"Oh." Ang bukas na gamot naman ang inabot ko.

"Bakit mo pa ako pinuntahan samantalang hindi naman pala okey ang pakiramdam mo?" Isinara ko ang bote ng tubig.

"Gusto kitang makita." Pumikit muli ito.
"Naging busy kasi ako masyado nitong mga naka raan."

Ahhh. Kaya pala...

"Pero kahit pa. Paano ka nan makaka uwe?" Ang layo pa naman yata ng pinang galingan nito. At lalong hindi ko alam kung taga saan ito.

Alas tres na. Kailangan ko nang pumasok. Pero itong katabi ko, naka tulog na yata.

"Neptune? Nept-- Hala! Ang init mo!" Hindi lang ito mainit. Nanginginig rin ito.

"Letsugas! Paano pa ba ito?" Nag palinga linga ako, baka sakaling may mahingian ng tulong.

Eh kaso nga, saan mo dadalhin iyan!

Kinapkap nya ang magka bilang bulsa ng pantalon ni Neptune. Umungol ito.

Circle of Friends 2; NeptuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon