Chapter 14

315 3 0
                                    

TAMARA

GRRRR!

Bugnot na bugnot ako habang panay ang tipa sa cp. Inuulan ng text ang nobyo. Aalis na kame at hindi ko pa nakukuha ang visitor pass ko. Bwisit!

Tinawagan ko na ito kanina pero hindi sumasagot.

Paano na ito?

Laglag ang balikat na nilapitan ko ang buntis na advicer.

"Ma'm." mahinang bulong ko.
"Hindi ko makukuha ang i.d ko.

"Ha! Abay bakit? Asan ang passes mo?!" umangat ang boses ng Ginang. Napa tingin sa katawan ko.

Kinuha ho ng walangya kong boyfriend!

Kiming ngumiti nalang ako.

"Mag bayad nalang tayo ng one fifty--"

"One fifty para sa passes!?" ang mahal naman!

"Oh! Eh, nawala mo eh! Saan saan ka kasi nag sususuot!" sabay hagod nito sa tyan.

Nag mamadaki akong nag dial.

"Hoy asan ka!!" sita ko kay Neptune ng sa wakas ay sumagot na ito.

"Andito na."

Naninglit ang mga mata kong lumibot sa lobby.
"Saan dito?!"

Saktong bumukas ang elevator. Pinatay ko na ang tawag at sinalubong ang lalaki.

"Tam--"

"Akin na yung passes ko!" nanlilisik na tiningnan ko ito.
Ka badtrip talaga.

Nang ilahad nang lalaki ang passes ay agad ko iyong hinablot dito, tinalikuran. Diretso ako sa front dest. Ang mahal ng lintek na passes nila. Tinalo pa grocery store kapag nawala ang stab number.

Naka hinga lang ako ng maluwag ng mahawakan ko na ang i.d ko.

"Tammy. Pasuyo nga ako nito, Ne." si Mrs. Caraga na inaabot sa akin ang bag . Naka ngiwing hawak nito ang balakang.

"Ayos ka lang Ma'm?" nag aalalang inalalayan ko ang buntis na Advicer.

"Oo. Nangangawit lang ako. Sige na. Mauna kana."

Nauna na nga ako sa bus. Inilagay ko sa upuan ni Ma'm ang bag nito saka dumiretso sa bandang likuran. Naupo na ako sa tabi ni Carol.

"Bat ang tagal mo, Teh?"

"Ang tagal ibigay noong Babae yung i.d ko eh." uminom ako ng tubig. Nang mag alok si Kiko ng chips ay kumuha ako. Gutom na ako eh.

"Salamat." aniko ng ibigay na ng tuluyan sa akin ni Kiko ang chips.

"Ayus lang. Meron pa ako rito." si Kiko na muling nag labas ng chips.

"Uy Teh. Sintas mo. Baka madapa ka mamaya." si Carol.

Nagpa salamat ako at pinahawak rito ang pagkain. Narinig ko na nagka gulo sa unahan.

"Uy, Tammy..." si Honore.

"Oh?" sabay dukot ko sa chippy na hawak nito. Isang dakot.

"Ay grabe!!" reklamo nito.

"Urm! Share lang!" natatawa kong sagot rito. Akmang susubo na ako ng nasa harap ko na si Neptune. Naka dark shades pa ang loko. Kaya ang mga babae sa unahan mga naka sunod ang tingin rito.

"Oh! Ba- bakit andito ka?"

Hinawakan nito ang isang pulsuhan ko, yung may hawak na chips pa talaga. Natapon tuloy yung iba.

Circle of Friends 2; NeptuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon