Chapter 16

1.2K 41 0
                                    

Magmamadaling araw na yata nang matapos ang concert, It was fun and I really enjoyed so much. Kahit sandali ay nakalimutan ko ang mga problema ko sa buhay, and even though naisip ko na naman si Ashton ay masaya ako kasi parang bumalik ako sa umpisa.  Mga alaala na okay at masaya pa kaming dalawa, na never siyang umiwas sa akin. Na never niya akong sinaktan, hindi ko nga alam ba't naging ganito si Ashton sa'kin ngayon. Ni wala naman akong matandaan na may ginawa akong masama sa kanya para kamuhian niya ako nang ganito.

When I arrived at my home, I just did my evening routine and lay my bed. Dahil narin siguro sa pagod ay agad din naman akong nakatulog.

Kinabukasan, ay maaga akong nagising at pumunta sa KU para gawin ang mga gawain kong hindi ko nagawa kahapon. Gumawa narin ako ng letter para sa meeting namin bukas. We need to meet and discuss about the up-coming foundation day event. Hindi pwedeng maging palpak kami, dapat gawin namin at paghandaan namin ng mabuti ang lahat para maging successful ito katulad noon.

Pagkatapos ng klase ko sa Ethics ay agad akong dumiretso sa classroom nina Ash at May. Sumilip ako at agad akong napangiti ng makita si Ashton. He really look so good when his face is serious.

"Ashon Sebastian can you give me the two indicators of global city? And discuss its salient points." Agad akong napatingin sa professor nila ng tuksuin niya si ash, pinagmasdan siya ng mga kaklase niya at hinihintay ang kanyang sagot subalit parang bingi at walang ka alam alam si Ashton sa mga nangyayari. Nananatiling seryoso ang mukha nito at mukhang malalim ang iniisip.

He looked so problematic, is this  because of the excruciating pain that he was experiencing? What the hell his problems? Bakit ba wala siya sa sarili niya? Ni wala akong ka idea kung anong nangyayari sa kanya.

"Ashton Sebastian are you listening to me?!" Doon natauhan si ash nang sumigaw ang kanilang professor. Dinuro nito si ash na halatang galit na galit. Umuusok ang ilong nito sa galit at pulang pula ang kabuoang mukha niya.

"Sorry." Ni hindi mo man lang makikitaan ng pagsisisi ang boses ni ash ng humingi siya ng tawad.

"Get out! Ilang araw kanang ganyan! If you have many problems just set aside those things and focus on your studies!" Sigaw ng kanilang professor, biglang tumayo si ash at tinignan ang kanilang prof. bago ito lumabas ng kanilang classroom.

Nang makalabas ito ay bigla siyang huminto ng makita ako, he sighed and ruffled his hair. Frustration and anxiety written on his face when he saw me.

Agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad. Psh! Ano pabang maaasahan ko? He hates me! Ayaw niyang makita ako. Pero ito ako, tumatakbo at humahabol sa kanya.

"Ash!" I yelled. Pero wa epek, mas lalo niya lang binilisan ang kanyang paglalakad. Dahil sa taba ko ay nahihirapan akong tumakbo ng mabilis. Nag mumukha na akong tanga kaka habol sa kanya. Hindi na ako magtataka kung may estudyanteng makakakita sa amin at picturan ako sabay caption ng:

'The President of Student Council chasing his Prince Charming.'

O di naman kaya:

'Isang baboy nahuling hinahabol ang lalaking napaka pogi.'

Seriously kung saan saan na 'to pumupunta ang iniisip ko.

Napatigil ako sa pagtatakbo ng huminto siya at lumingon sa'kin. Agad kumunot ang noo niya ng makita akong hingal na hingal samantalang yung mukha niya ay fresh na fresh pa.

Perks of being Ashton.

Tsk!

"Ano bang sinusunod sunod mo sa'kin? Hindi mo ba talaga ako tatantanan taba?" Naiinis na sabi nito na siyang ikinangiti ko.

A Girl Named Fatty (Sebastian Series #1) Where stories live. Discover now