Chapter 33

1K 34 0
                                    

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Bretney ay dumiretso na ako sa classroom ko. Dumating ang professor at nagturo pero ni isang salita ay walang pumapasok sa isip ko. Ang daming gumugulo sa isip ko. Pero ang galit na nararamdaman ko ay hindi parin mawala wala. Galit para kay Sydney, kay Ashton at galit para sa sarili ko. Napaka tanga ko, ang tanga tanga ko para maniwala sa lahat ng sinasabi niya, maniwala na hindi niya na ako sasaktan. Ang tanga ko para bigyan siya ng isa pang pagkakataon.

My phone beeped interrupting my thoughts. Anger consume within me when I saw Ashton's text.

From: Bal

I'm here outside your classroom. I'll wait for you.

I ignore his message. Paki alam ko sa kanya? Gago niya!

Pagkatapos magturo ng professor namin ay mabilis itong lumabas. Nagsilabasan din ang mga ka klase ko kasi wala kaming teacher sa next subject. Hindi ako lumabas kasi paniguradong nasa labas ang gagong lalaking kakilala ko. I don't care if he wait for me. Ayoko siyang makita kasi baka mamaya bigla nalang lumabas ang hinanakit ko sa kanya.

Bigla na naman tumunog ang cellphone ko at kahit hindi ko ito tignan ay alam kong si Ashton 'yon.

From: Bal

Bal? Are you inside?

Nanggigil akong nagtipa ng text.

To: Bal

Yes. Wag mo na akong hintayin. Madami pa akong gagawin.

From: Bal

It's okay. I can wait.

Wow! You can wait? Eh gago ka! Alam kong nasa plano niyo 'to ni Sydney! Leche! Hindi mo na ako mauuto kahit kailan!

Hindi ko na pinansin ang last text niya, edi maghintay siya! Tignan lang natin kung kaya niyang maghintay ng matagal. Knowing him? Alam kong mainipin siya. I even edited his name to my contacts, pinalitan ko 'to ng manloloko.

Nag set ako ng alarm sa cellphone ko ng one hour bago natulog. Aha! Maghintay kang gagong Ashton ka. Kala mo ha. Tutulugan kitang gunggong ka!

I woke up when my phone begun to sound. Nag inat inat ako bago binuksan ang mga mata ko, napahinto ang paghihikab ko ng makita ang madilim na mukha ni Ashton sa harapan ko, humalikipkip siya habang nakatingin sa gulat kong ekspresyon.

I cleared my throat and calm myself before I spoke. "What are you doing here?! Alam mo bang bawal pumasok ang ibang department dito?" Naiinis na sabi ko at padabog na tumayo. Aalis na sana ako ng hawakan nito ang braso ko.

"Ikaw? Ba't natulog ka at pinaghintay mo ako sa labas? Akala ko ba madami kapang gagawin?" Seryosong tanong nito. Inirapan ko siya bago bumaling sa kanya.

"So nagagalit ka kasi pinaghintay kita ng isang oras? Ang kapal naman ng mukha mo para magalit sa'kin, bakit ha? Nagalit ba ako sa'yo ng pinaghintay mo ako ng napakatagal bago mo ako pinansin?" His forehead creased when he heard my statement. Unti unti nitong niluwagan ang hawak sa braso ko bago siya nagsalita.

"What is it all about fatty? Anong problema mo?" He look so serious when he ask me.

I laughed sarcastically before I answered. "Kapag ba sinabi ko ang problema ko sa'yo. Sasagutin mo ako ng totoo? Ha Ash?"  Tanong ko at bahagyang lumapit sa kanya.

He smiled widely and held my cheeks. "Ask me then." Hamon niya.

Tinampal ko ang kamay niya na nakahawak sa pisnge ko. Leche kasi! Ang lapit lapit namin, sa sobrang lapit ay naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Baka mamaya bigla ko nalang siyang mahalikan, baka mamaya makalimutan kong galit nga pala ako sa kanya. Alam niyo na marupok ako pagdating sa kanya.

A Girl Named Fatty (Sebastian Series #1) Where stories live. Discover now