Chapter 17

1.2K 40 1
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at mabilis na nagbihis ng pangtulog.

Agad kong pinindot ang intercom at nag salita.

"Manang pakihatiran nalang ako ng dinner. Please make it fast." Agad akong sumalampak sa kama ko at umupo at binuksan ang macbook ko. I search the his name, Ashton Sebastian.

May social media naman si ash pero hindi siya active sa mga 'to. Scroll down lang ako ng scroll down hanggang sa may nakita akong isang site na nasa pinaka malalim. So I opened it.

Napangiti ako ng makita ang laman nun. Facts, background and information about Ashton Sebastian. Pero napawi ang ngiti sa labi ko nang makita na walang family background si ash. Tungkol lang talaga ito sa sarili niya, walang name ang kanyang family or relatives. Ni wala ding picture.

Dumating ang pagkain ko at agad ko itong nilantakan habang naghahanap tungkol sa katauhan ni ashton.

Hindi parin mawala wala sa isip ko ang nakita ko kanina, bakit nakapasok si ash sa opisina ng may ari ng KU?

Bakit finger print niya?

Gulong gulo na talaga ako mas lalo pa akong na curious sa mga nangyayari.

Isinarado ko nalang ang macbook ko ng mapagtanto na wala naman akong mahagilap o makuhang information sa internet. Katulad ng may ari ng KU napaka mysterious din ni Ashton.

Ang tagal tagal ko na siyang nagugustuhan pero ni wala akong kaalam alam sa kwento ng buhay niya.

Kaya ba ayaw akong papuntahin ni Sydney sa bahay nila ashton? Anong meron dun?

Bumaba ako bitbit ang pinagkainan ko, ibinigay ko 'to sa katulong at dumiretso ako sa living room. Napataas ang kilay ko ng makita si Sydney na prenteng naka higa sa sofa.

"Where is dad?"

"Nag out of town kasama si mommy. Nandito ka na pala, akala ko pa naman dun ka na matutulog sa opisina mo." Natatawang sabi nito at ngumiti ng nakakaasar. Umupo ako sa kabilang sofa at tinawanan siya.

"Kung pwede ngalang dun na talaga ako matutulog ng sa ganun hindi ko makita ang pagmumukha mo pero naisip ko bakit ako mag a-adjust? Eh mansion ko 'to?"

"Whatever fatty taba." Nakairap na sabi nito.

Mahina akong tumawa, Sydney's and I are always ended up arguing with each other. And we both know that we hated each other. I hate her guts and so she did.

Isang himala nalang yata kung hindi kami mag ayaw nitong si Sydney. Alam ko naman na walang gustong magpatalo sa'min, walang gustong magparaya kaya ito kami nag aaway at hindi matanggap ang isa't isa.

Swerte lang ako kasi wala sina daddy ngayon. Walang mag sesermon sa akin. Mahal na mahal pa naman din niya ang bruha na'to. Kaya palaging ako ang napapagalitan eh, may paawa effect kasi ang bruha na'to. Ang galing galing umarte. Maka iyak akala mo bata na inagawan ng candy. Mukha naman mangkukulam.

Habang nanunuod kami ng movie ay biglang tumunog ang cellphone ni Sydney. Mabilis niya itong sinagot.

"Hello? Ano?! Sige sige! Papunta na ako diyan! Hintayin mo ako!" Napakunot ang noo ko ng makita si Sydney na mabilis na tumakbo. Mukhang tarantang taranta siya, napatayo ako ng makita na kinuha nito ang susi ng sasakyan niya at mabilis na lumabas sa living room.

Bakit ganun ang reaksyon niya? She looked so scared and tensed. At isa lang ang pumasok sa isip ko, it's all about ash.

Si ash ang tumawag!

Sigurado ako dun!

Mali man ay agad ko siyang sinundan. Pumasok ako sa kotse ko at dahan dahan siyang sinundan.

A Girl Named Fatty (Sebastian Series #1) Where stories live. Discover now