Chapter 35

1.2K 34 0
                                    

Wala na akong lakas ng buhatin niya ako at dalhin sa kwarto ko. I was so shocked. Hindi ko akalain na magagawa ko ito sa sarili ko, para bang gusto ko nalang tapusin ang sakit ng nararamdaman ko. Parang gusto ko narin mamatay pero ng marinig ko ang boses ni Ash, reality hits me. Hindi naman talaga ako nag-iisa. I still have my family and my friends. Hindi porket nawala ang mga magulang ko ay wala ng magmamahal sa akin. May mga tao parin talagang nandiyan at nagmamahal sa'kin. Pero kasi ang sakit sakit, napakasakit isipin na wala na akong magulang na masasandalan. Wala na akong... mommy at daddy. Iniwan na nila ako. Iniwan nila akong mag isa. Ang daya lang talaga. Napaka daya nila para iwanan akong mag isa.

"Shhh. Stop crying. I am here. I'll never leave you." Napabaling ang tingin ko kay ashton ng sabihin niya 'yon. He look sorrowful, angry and dangerous. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sakin.

Pinagmasdan ko ang kabuoang mukha nito, ang makapal na kilay niya, ang pares na mata niyang kung tumitig ay parang malulusaw ka, ang mahaba niyang pilik mata, ang matangos niyang ilong at ang mapupulang labi niya. I miss him. I miss him so much, I miss my Ashton. I wanted to hug him but I can't. I already break up with him. We're done.

My mouth open when he grab my arm and hug me. I couldn't help but rested my head against his chest and listened to the steady beating of his heart. I close my eyes when I felt my tears fell down to my cheeks.

I remembered those times when we're  both happy. Mga panahon na palagi niya akong binu-bully, 'yong kakain kami sa restaurant at magtatalo kung sino ang magbabayad, mga panahon na nasa office lang kami at walang ginagawa kundi mag order ng pizza habang nanunuod ng Netflix, mga panahon na palagi niya akong sinusundo, mga panahon na mag tra-travel kami sa iba't ibang bansa. I couldn't help but to reminisced about the past. I was still amazed how the pain was completely replaced with euphoria in an instant. Because even after everything he's here beside me and I'm happy for that.

"I'm sorry. Sorry for everything baby. Sorry if I kept my secrets. Ayoko lang madamay ka at ayoko lang mag alala ka. I really wanted to tell you the truth but I was so scared that I might hurt you so I kept it to myself." My forehead slightly creased when I heard his statement.

"Wag mo akong niloloko. Alam ni Sydney ang sekreto mo."

"Pero hindi lahat." Sagot nito, kumalas ako sa yakap at tinignan siya ng masama.

"I already know the truth ash. Kaya wag mo na akong lokohin." Hinawakan nito ang pisnge ko at ngumiti ng malaki. "Dahil ba sa pinakita sayo ni Bretney na video?" Nanlaki ang dalawa kong mata ng marinig ang sinabi nito. Papano niya nalaman? Mas lumaki ang ngisi nito at tila narinig nito ang mga tanong sa isip ko ng magsalita na naman siya.

"Because she told me baby. Hahabulin na sana kita pero nakasalubong ko siya at bigla niyang sinabi sakin lahat ng pinag usapan niyo." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

"At bakit naman sasabihin ni Bretney 'yon sa'yo ha?"

"Because she likes me. Hindi mo ba nakikita na halos lahat ng babae sa KU ay hinahangaan ako? Ang swerte mo nga kasi sa'yo ako na inlove eh." Sinuntok ko ang braso niya, hindi talaga magbabago ang kapal ng mukha niya.

Tumawa ito ng malakas ng kurutin ko ang tagiliran niya. "Umalis ka na lang kung wala kang magandang sasabihin. Magsama kayo ni Bretney. Bagay naman kayo." Tumalikod ako at padabog na nahiga sa kama ko. Mas lalo akong nairita ng marinig ko ang malakas na tawa niya.

"Ang bal ko nagseselos." Pang aasar niya bago humiga sa tabi ko. Napatigil ang pag hinga ko ng yakapin niya ako mula sa likuran. Ang isang binti nito ay pumulupot din sa hita ko.

"This is I want to see bal. 'Yong mukha mong napipikon at nagagalit, ayokong makita kang nalulungkot kasi mas doble ang sakit na nararamdaman ko. I wanted to ease your pain, I wanted to make you happy. Para akong mamamatay kanina habang nakikita kitang gustong saktan ang sarili mo. Don't ever do that again bal, don't make my heart being ripped. Always remember that we are here for you, I am here. Bad things happen in life, but you just have to keep living and fight for your lives, don't stress yourself over what you can't control. Please I'm begging you bal, wag mo na ulit gagawin 'yon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa'yo. Hindi ko kakayanin." I nod in recognition. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa likuran ko, sinubsob nito ang ilong niya sa leeg ko.

A Girl Named Fatty (Sebastian Series #1) Where stories live. Discover now