Abakada: I Love You

2.1K 27 5
                                    

Prologue

Abakada: I Love You

A-           Alam mo bang mahal kita?

Ba-         Bakit ba kasi nakilala ka pa?

Ka-         Kaibigan noong una’y ngayong iniibig na!

Da-         Dahil sa iyo, umaga ay kay ganda.

E-            Ewan ko ba kung ano itong nararamdaman ko?

Ga-        Gagawin lahat para sa iyo,

Ha-         Hahamakin lahat para lang malaman mo!

I-              I love you na bestfriend ko!

La-          Laman ng puso’y ikaw,

Ma-        Mamahalin ka,

Na-         Nang habang buhay,

Nga-      Ngayon at magpa-kailan man!

O-           Oo na ba ang sagot mo?

Pa-         Patawarin ako sa tula kong ito,

Ra-         Ramdam ko naman na gusto mo rin ako,

Sa-          Sana sagutin mo na ako,

Ta-          Tatawagin lahat ng santo.

U-            Upang tulungan ako,

Wa-        Walang oras na sasayangin sa iyo,

Ya-         Yaw ko na sanang matapos ito,

Pero hanggang dito nalang ang kayang abutin ng Abakada ko, ano nang sagot mo? Mahal mo

na rin ba ako?

“Ang corny, pero God kinikilig ako,” tuwang-tuwang sabi mo noong nabasa mo itong tulang ginawa ko para sa iyo, hindi ako nakatingin sa iyo. Pero rinig na rinig ko ang boses mo kung gaano ka kagalak noong nabasa mo at natapos ko na itong tulang ginawa ko, para sa lalakeng liligawan mo, na kung saan kaibigan pa nating dalawa. King ina naman oh? Bakit ba kasi sa dami-rami ng pu-pwede kong mahalin ikaw pa? pero gaya nga nang sabi ng maraming tao, hindi natuturuan ang puso. At higit sa lahat hindi natin alam kung sino at kanino titibok ang puso natin. Tinawag mo ang pangalan ko, lumingon naman ako sa iyo. Sinabe mo, ay hindi pala sinabe kundi inutos! Inutos mo sa akin na ako pa mismo ang maglagay ng sulat at confession mong ito sa locker room niya. Nakakahiya! Ganito na ba ka-desperado ang mga kababaihan ngayon? Alam ko noong una pa, mahal na mahal mo na siya. At kahit na ako pa itong laging nasa tabi mo siya lang ang laging bukambibig niyang bibig mo at pati ng puso mo. Buwisit lang, at palagi nalang akong itong sumusunod sa lahat ng mga inutos mo sa akin sa kanya.

Naalala ko pa, noong first year. Nasa kalagitnaan na nang taon noong lumipat siya, halos lahat ng mga kababaihan nakatingin sa kanya kasi gwapo siya. Oo, aaminin kong gwapo siya at may sex appeal sa mga kababaihan. Kumpara sa akin, na hindi naayos dahil wala naman akong dapat ipag-ayusan eh kung ako nalang ang lagi mong pinapansin edi sana may gana akong mag-ayos para lang mapansin mo, kaso hindi eh. Kinilig ka noong tumabi siya sa tabi mo, halos maputol na ang balikat ko sa sobrang hampas mo noong nasa canteen tayo kasi sa sobrang kilig na nararamdaman mo, tahimik pa siya noon. Kasi nga bago at nahihiya pang makipag-kaibigan sa mga kaklase natin, pero anong ginawa mo? Ako itong itinulak mo sa kanya para kaibiganin ko siya, kahit na ayaw ko kasi parang ang bading lang ah? Ako pa itong kailangang lumapit para lang kaibiganin siya, ang sama tuloy nang iniisip ng ibang kaklase natin. Bukod sa puros mga babae ang mga kaibigan ko, at ngayon ako pa itong lumalapit sa kanya para lang kaibiganin siya.

Mabuti nalang pumayag siya, at ikaw? Hindi maitago ang kaligayahan. Napayakap ka pa nga sa akin noong ibinalita ko ito sa loob ng kwarto niyo ang magandang balitang iyon. Sa totoo lang hindi naman ako nahirapan na kaibiganin siya kasi mabait naman siya at isa pa, willing din siyang kilalanin ang iba pa nating mga kaklase lalong-lalo ka na. pero siyempre hindi ko ito sinabe sa iyo, baka kasi mamamatay ka na sa kilig noon.

                “Ayoko!” sagot ko sa iyo, pero nagpout ka ng nguso mo. Ayan na naman yang pag-ngunguso mong iyan. Kahit kailan, kapag ngumuso ka na at tumahimik sa isang gilid alam kong galit ka na sa akin. Huminga ako ng malalim at saka bumuntong hininga, ano pa nga bang magagawa ko? Kundi ang sundin siya, halos ilang taon na akong nagpapaka-gago para lang masunod ang lahat ng mga luho at gusto mo. Kahit na nga magmukhang tanga na ako sa paningin ng iba at kahit na sabihin pa ng iba na isang malaking kagaguhan na itong ginagawa ko, dahil alam din naman ng iba kong mga kaibigan na may pagtingin ako sa iyo. Pero ginagawa ko parin ito!

                “Salamat Bestfriend,” hinalikan mo ako sa pisngi saka ka lumabas ng kwarto ko. Napatitig ako sa sarili ko ng mga oras na iyon sa harapan ng salamin, hanggang kailan ko kayang gawin itong katahangan na ito? Hanggang kailan ko maitatago itong nararamdaman ko sa iyo? Kapag narealized niya na hindi na tama ang ginagawa niya? Parang ang pangit naman na kung saan siya nasaktan nang husto doon ako papasok? Magiging rebound ka lang pre! Sabi ng isip ko sa akin. Muli akong napabuntong hininga at saka ko binasag sa aking harapan ang salamin, naiinis ako sa sarili ko. Ang lakas-lakas ng loob kong gawin ang tulang ito, na kung saan siya ang iniisip ko. Pero ano? Ibibigay niya lang sa ibang tao? Ibibigay niya sa isang taong hindi naman deserved ang pag-ibig niya. Ang atensyon niya. At higit sa lahat ang nararamdaman niya. Ako! Sa akin lang siya, pero hindi ko kayang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya! Na I’m in love with my Bestfriend.

                Tang-ina kasi, bakit ba kasi naging mag-bestfriend pa kami. Bakit ba kasi hindi nalang kami naging simpleng magkaibigan, yung hindi gaano close sa isa’t isa gaya ng iba kong mga babaeng kaibigan. Siya lang talaga kasi ang nagpapatibok ng puso kong ito. Buwisit! Ang sakit, tumutulo na ang dugo sa kamao ko dahil sa ginawa kong pag-suntok sa salamin ko. Pero walang iba pang mas-sasakit sa nararamdaman ko ngayon, maya-maya naramdaman kong bigla nalang may tumulo sa aking tuhod, napatingin muli ako sa sirang salamin na binasag ko gamit ang kamao ko. Kitang kita ko ang patulo ng luha ko, umiiyak na naman ako. Mailang beses ko nang nararamdaman ito pero hindi parin ako sanay. At mas madalas binabale wala ko nalang. Ano bang magagawa ko kapag sinabe kong mahal ko siya? Sasabihin din ba niyang mahal niya ako? Kung iniisip niyong natatakot ako! Putang ina! Natatakot ako! Hindi kung malaman niyang may gusto ako sa kanya at dati pa! pero mas natatakot ako na malayo at tuluyan na siyang malayo sa akin. Hindi ko yata kakayanin yun! Kaya kung kaya ko pang tiisin, titiisin ko. Hanggang may hangin pa akong hinihingaan, hihinga ako para sa kanya. Hanggang dumadaloy pa ang tubig sa kanal, patuloy parin na dadaloy ang pagkakaibigan namin. Kahit na sobrang sakit, kahit na sobrang-sobrang sakit.

                Bakit ba kasi, ang taong mahal mo ay hindi ka kayang mahalin gaya ng sa inaasahan mo?

Abakada: I Love YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin