Chapter 4

188 8 2
                                    

Chapter 4

                “Kamusta naman si Mandy?” tanong sa akin ni Sky, katabi niya si Jena nang minutong iyon. Kakarating niya lang ng gabing iyon. Hindi ko siya sinagot, at kaagad akong umakyat sa kwarto ko. Ang sakit ng ulo ko, pagkatapos ko kasing dumalaw kay Mandy, at saka naman nagtext itong Jasmine. Hindi raw siya makauwi kasi ang sakit raw ng tiyan niya. Wala akong nawaga kundi ang puntahan siya sa lugar na kung nasaan man siya lupalop ng mundo. King ina! Bakit ba kasi ibinigay ko sa kanya yung numero ko bago ako umalis? Ayan tuloy binubuwisit niya ako.

                “Boyfriend mo ate?” tanong nang isang batang bigla nalang sumulpot sa likuran ko noong hinatid ko sa harapan ng bahay nila itong si Jasmine.

                Binatukan niya ang batang nasa likuran ko at hinila pa ang tenga nito at habang pinapagalitan at hinila ang tenga papasok sa loob ng bahay.

                “Ikaw na bata ka? Gabing-gabi na nasa labas ka pa? hindi ko boyfriend iyang mokong na yan. Ah? Hala pasok,” pinala pa niya ito sa puwitan.

                “Ang harsh mo naman sa kapatid mo,” kumento ko.

                “Paki mo? O siya makakaalis ka na. wala naman akong balak na…” biglang may sumingit.

                “Anak? Boyfriend mo?” gusto kong tumawa pero hindi ko magawa.

                “Ma!” reklamo pa niya sa Nanay niya.

                “Bakit hindi mo pinapapasok, hala pasok kayo dito.” Kahit na ayaw ko ay wala na akong nagawa kasi hinila na ako ng Nanay niya papasok sa loob ng bahay nila.

                Kitang-kita ang ramdam na ramdam ang payak na buhay na natatamasa ni Jasmine. Nakaupo lang ako sa couch habang ang dalawang makukulit na kambal na kapatid ni Jasmine ay kapwa nasa tabi ko at panay ang pisil sa pingi ko habang yung isa ginugulo ang buhok ko. Buwisit! Gusto ko silang tirisin ng oras na iyon pero hindi ko magawa kasi nasa pamamahay nila ako.

                “Ang pogi naman pala ng boyfriend mo anak,” sa wakas nakapagbihis na rin siya, pero bakit parang ang ganda niya sa suot niyang shorts at mahabang damit na parang damit ng isang lalake? Ang cool niya lang tignan.

                “Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko boyfriend yang mayabang na yan. Hoy! Kayong dalawang kambal na kumag, magsi-alis nga kayo diyan,” sita pa niya sa mga kapatid niya saka ito nagmadaling umalis sa pwesto ko.

                “Jasmine!” sita pa ng nanay niya ulit sa kanya dahil sa kagaspangan ng ugaling ipanapakit nito sa bisitang katulad ko tsk! Alam ko na ang ugali niya at sa maikiling panahon na nagkakilala kami kilala ko na kaagad siya.

                “Aalis ka na diba?” tinaasan pa ako nang kilay ni Jasmine, pero nahuli ito ng Nanay niya.

                “Kung ayaw pa niyang umalis, wag mo siyang pilitin.” Sa loob-loob ko nanay lang pala niya ang magpapatahimik sa kanya.

                Tumingin ako sa may gilid ng may picture frame doon na nakasuot si Jasmine ng uniform ng St. Benedict College. “Sa SBC ka nag-aral?” tanong ko sa kanya.

                “Pakielam mo?” pabalag nitong sagot sa akin.

                “Doon din kasi ako nag-aral noong highschool ako,” paliwanag ko, saka ko kinuha ang frame ngunit kaagad niya itong kinuha sa akin. At inilagay sa ibang pwesto nito. Lumapit sa akin ang tatay niya na may bitbit na isang bote ng alak. “Umiinom ka ba iho?” tanong nito sa akin. Gusto ko sanang barahin kaso naalala ko nasa pamamahay niya ako ngayon. Ningitian ko lang siya bilang sagot ko. Saka niya tinawag ang asawa niya na padalhan ito ng isa pang alak. Wala na akong nagawa kundi kunin ang inabot na alak nito sa akin at laklakin ito sa harapan niya. Tsk! Pero hindi ko na alam kung nakakailang bote na kami ng alak nitong tatay ni Jasmine at daldal pa ito nang daldal sa harapan ko, pero ako? Tango lang ng tango. Ayaw kong magkwento, kasi ayaw ko. Baka kasi humaba pa ang usapan, pero pagkalipas ng tatlong oras ay hinila na ang tatay ni Jasmine ng kanyang ina upang pagpahingahin na ito. Noong una nagpumilit pa itong maground four pa kami ng inuman, at medyo tinatamaan na rin ako dahil sa naparami na rin itong nainom naming dalawa. Pero wala siyang nagawa sa talas ng dila ng kanyang asawa kaya napasunod na ito. Kawawang matanda under de saya ng asawa.

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now