Chapter 9

142 4 0
                                    

Chapter 9

Jasmine’s POV

                Pag-balik ko, sa itaas ay wala si Cloud, hinanap ko sa buong sulok ng kwarto ko pero wala talaga siya, maski sa ilalim ng kama ko hindi ko Makita ang anino niya. Nasaan na ba yung buwisit na iyon. Hanggang sa may Makita akong sulat na nakadikit sa may salamin.

                Wag mo na akong hanapin, dahil babalik at babalika ko sa iyo.

                May importante lang akong pupuntahan, pero wag kang magselos. Mas importante ka parin sa akin. Girlfriend.

                Love,

                Boyfriend.

                Bakit ako kinikilig dito? Hindi! Kailangan mong mainis sa kanya Jasmine. Saka pumasok ang kambal kong kapatid na may bitbit na sandamukal na candy sa kamay nila.

                “Saan kayo kumuha ng pera?” tanong ko sa kanila na may pagdududa, wala naman kasi akong binigay sa kanila na barya at nakalock ang kwarto nila Nanay kay hindi sila makakakuha ng pera para pambili ng cany na hawak nila ngayon.

                “Binigyan kami ni Kuya Cloud ng tig Bente.” Kumuno ang noo ko sa narinig ko sa dalawang kapatid ko.

                “Bente?” ang cheap talaga niya kahit kailan. Susuhulan nalang niya ang mga kapatid ko bente pa?

                Hindi ko siya tatawagan. Wag na wag mo siyang tatawagan Jasmine. Manigas siya! Buwisit siya!

Cloud’s POV

                Nagmadali akong umuwi kasi sabi ni Sky, may importante raw na bisita sa bahay. May isang magarang kotse na nakaparada sa may harapan ng bahay. Kaagad akong pumasok sa loob at dumeresto sa may dinning alam kong nandoon sila at yung taong importante…

                “Shit!” mahinang bulong ko sa sarili ko.

                “Cloud!” masayang bati pa niya sa akin, tumayo siya at lumapit sa akin at aakmang yayakapin ako pero pinigilan ko siya.

                “Wag na wag mo akong yayakapin,” babala ko sa kanya saka tinitigan ko ng masama si Sky na para bang gusto kong sabihin sa aking mga titig kung anong ginagawa ng mokong na ito dito sa pamamahay ko?

                “Di mo ba ako namiss bestfriend?” may guts pa talaga niya akong tawaging bestfriend? Ang kapal talaga ng mukha niya. Isa siyang malaking gago!

                “Hindi kita kaibigan,” sabi ko sa kanya saka ko siya dinaanan at umupo na sa hapagkainan.

                “Hindi mo sinabe na hindi naman pala importante yung bisita, akala ko ba importante? Na saying lang ang gas ko para lang magmadaling umuwi dito, nabitin pa kami ng girlfriend ko.” Biglang tumawa ng malakas itong si Chance. Kaya napatingin ako sa kanya ng masama.

                “Ikaw? May girlfriend? Wow ah? Ang laki na talaga ng pinagbago mo ngayon Cloud, hanga na talaga sa iyo,”

                “Ikaw? Wala ka paring pinagbago, wala ka paring kwenta. Ano bang ginagawa mo dito?”

                “Ah? Gusto ko lang sana na imbitahan ka sa darating na kasal ko sa susunod na buwan,” napangiwi ako pero hindi ko ito pinahalata sa kanya. Naiinis ako, pero pinigilan ko lang ang sarili ko. After ng aksidenteng nangyari kay Mandy hindi na nagpakitang muli si Chance, bigla nalang siyang nawala. Nagtransfer sa ibang school kahit na ilang buwan nalang ay graduation na. may balita pa nga na nag-ibang bansa ito, at tama nga ang hinala nila. Sa Canada kami nagkita ng mokong na ito, at doon para siyang buhay prinsipe sa mga dami ng kanyang mga babaeng pumapaligid sa kanya. Naiinis ako kasi, bakit pa siya? Bakit pa siya ang ginusto ni Mandy? Kung siguro hindi niya minahal ang gagong lalakeng ito? Kasama ko na siya ngayon. Masaya siya ngayon sa piling ko, at higit sa lahat buhay siya ngayon.

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now