Chapter 1

763 10 0
                                    

Chapter 1

                “Sampung taon na ang nakakalipas Cloud, hindi ka parin nakakamove on? May jowa na si Mommy Dionisia, pero ano? Habang buhay mo nalang bang sisisihin ang sarili mo dahil sa aksidenteng hindi naman ikaw ang may gawa?” natigilan ako sa sinabeng iyon ni Jena, nilingon ko siya. Tinitigan ko siya ng husto. Masama, at galit na galit na titig. Yes it was 10 years ago at hanggang ngayon, I really can’t help myself, na sisihin ang sarili ko dahil sa nangyaring iyon. At sobrang pinagsisisihan ko kung bakit ko ginawa iyon.

                “Tumigil ka na nga Jena, wag mo nang asarin si Cloud,” sabi pa ng kapatid kong si Sky. Girlfriend niya si Jena at kahit kailan hindi ko gusto ang bunganga nang babaing ito, parang alam niya ang lahat ng mga nangyari sa akin noong nakaraang sampung taon. Niyakap niya ang kanyang kasintahan at hinila ito palabas ng kwarto ko. At pagkalipas lang ng ilang Segundo ay bumalik na muli si Sky at umupo sa couch.

                “Pagpasensyahan mo na si Jena, alam mo naman na gustong-gusto ka nun asarin eh.” Oo wala na siyang ginawa sa buhay ko kundi ang asarin ako. Buwisit siya! Kung hindi nga lang siya girlfriend ng kapatid ko, iisipin kong may gusto siya sa akin. Pero noong kinonprunta ko siya kung gusto ba niya ako sinabe niyang hindi at galit na galit itong nagsumbong sa kapatid ko. At nag-away kaming dalawa ni Sky dahil doon.

                “Uuwi na tayo ng pilipinas, alam kong namimiss mo na si Mandy.” Si Mandy, oo walang araw na hindi ko siya nami-miss. Walang oras na hindi siya sumasagi sa isip ko. Halos araw-araw akong nag-uupdate sa pamilya niya kung okay na ba siya kung gising na ba siya o kung naaalala pa ba niya ako?

                “Wag ka nang mag-alala, makikita mo rin siya sa wakas.” Tinapik ni Sky ang balikat ko at tuluyan na itong lumabas ng kwarto ko. Patalon kong inihiga ang katawan ko sa malambot kong kama habang nakatingin sa ceiling nang kwarto ko.

                I really miss her; no I badly miss her so much.

                Eksaktong alas diyes ng umaga lumapag ang sinasakyan naming eroplano galing sa Canada. Pagkalipas ng 10 taon narito na ulit kami sa Pilipinas, amoy na amoy kung muli ang mabahong hangin ng pilipinas. Ang maiingay na busina ng mga kotse, bus, at pampasaherong jeep na magmamadaling magpatakbo na akala mo sila itong may-ari ng kalsada. Muntikan pa kaming mahagip noong isang jeepney mabuti nalang ay kaagad nakaiwas itong si Cloud. Hindi na sumama sila Mommy na umuwi ng pinas dahil sa edad nilang iyon, hindi na nila kayang magbiyahe pa nang mas mahaba. Nakatingin lang ako sa salamin, sa mga taong nagmamadali. Sa mga estudyanteng nagkwekwentuhan sa daan na kinikilig, mga lalakeng nagtatawanan. Mga lasenggero sa may kanto na akala mo hari sila ng bangketa! Mga batang namamalimos, yung ibang batang nagtitinda ng sampaguita. Kumatok pa yung isa at pinagbuksan ko ng salamin, at binili ko ang lahat ng mga tinda niyang sampaguita. Dali-dali itong tumakbo pagkaaabot ko ng isang libo. Hindi na ako umaasang ibabalik pa nito ang sukli, mga kabataan nga naman oh?

                “Wala paring pinagbago ang pilipinas no?” bulong pa ni Sky habang busy sa pagmamaneho.

                “Like Duh! Mas marami nga lang ang magnanakaw ngayon,” kumento naman ng kasintahan niyang si Jena. Isa muling masamang titig ang ibinigay ko sa kanya saka niya pinulupot ang kanyang kamay sa braso ni Sky.

                “Baby, baka maaksidente tayo.” Suway pa nito sa haliparot niyang kasintahan. God! She’s not even pretty, pero ewan ko ba kung anong nagustuhan ni Sky dito? Siguro si Jena lang yung babaeng nandoon noong araw na iniwan siya ng kasintahan niya, mahal na mahal niya. Kaya wala na siyang choice kundi ang mahalin ang babaeng ito. At sinabe niya sa akin na natutunan din naman raw niyang mahalin si Jena, at ngayon mahal na mahal na raw niya ito.

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now