Chapter 8

166 3 0
                                    

Chapter 8

Cloud’s POV

                Dahil sa kakaunti lang ang impormasyon na nakuha k okay Jena at nabuwisit lang ako sa kanya kesa sa matuwa, ay napagdesisyunan kong dalawin si Mandy. Nasa harapan ko na si Mandy ngayon, at kinakausap, marami akong kiniwento sa kanya, tungkol sa isang babaeng annoying na baliw at may sapak sa utak na esperitista na siyang makakatulong sa kanya.

                “May ibabalita ako sa iyo,” bulong ko pa sa tenga niya, nagbabakasali na naririnig niya ako.

                “Naka-move on na ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

                “Nakakangiti na ulit ako ngayon,” dagdag ko pa.

                “At ang sarap pala talaga sa pakiramdam na maging Malaya ka sa nakaraan. Feeling ko? Ang dami kong sinayang na taon, buwan, linggon, araw, oras at maging minuto. Marami akong paskong pinalipas na puno parin ng galit sa aking puso. Valentines na may kadate ka nga pero wala naman ang pokus mo sa taong iyon o maski sa kinakain niyo. New year na maraming Masaya kasi sa panibagong taon, panibagong buhay pero ako? Nagpapatuloy parin sa sarili ko, sa pananaw ko, sa paniniwala ako na kasalanan ko ang lahat. Pero hanggang sa may isang taong nagparealize sa akin na kailangan kong mabuhay, na may buhay pagkatapos ng lahat ng unos na naranasan ko. Tama siya, at humihingi ako ng tawad ngayon sa iyo Mandy, kasi sinaktan ko ang sarili ko. Na pinabayaan ko ang sarili ko na lamunin ng galit ng husto sa sarili ko.”

                Hanggang sa may nagsalita sa likuran ko.

                “Bakit hindi mo patawarin din ang sarili mo,” lumingon ako sa malamyang boses na narinig ko sa aking likuran, tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap niya ako, at hindi ko na napigilang ang sarili ko.

                “It’s okay, you can cry on my shoulder. I know, pareho lang tayo. I feel the same way before, until I realize na kung nakikita ako o tayo ni Mandy sa mga minutong ito. I’m sure hindi siya natutuwa, Cloud I’m happy for you kung nakikita mo na yung sarili mo sa ibang tao. Nagpapasalamat ako at sa wakas nakapag-move on ka na rin sa anak ko. Hindi na ako umaasang mabubuhay siya, o magiging siya pero sana kahit isang araw lang, gusto ko ulit marinig ang boses niya.”

Doon na napaluha ng husto si Tita, ako naman itong yumakap sa kanya ng mahigpit. Alam ko na sa aming dalawa siya itong lubusang nahihirapan, kasama nga niya ang anak niya pero hindi naman niya ito makausap, kahit araw-araw niyang sinasabe na mahal na mahal niya ito wala naman response na galing mismo sa kanya.

Pagkatapos ng iyakan ay nagtawanan kami ni Tita, ang awkward kasi. Tapos sabay naming nilingon si Mandy. “Naniniwala ako Tita babangon siya at kokotongan niya ulit ako.” Sabi ko pa kay tita.

“Kailangan niyang bumangon, dahil kailangan niyang makilala ang babaeng mahal ko ngayon.” Dagdag ko pa.

Jasmine’s POV

                Buwisit! Isa siyang malaking buwisit!

                Simula ng gabing iyon, hindi na niya talaga ako tinigilan sa pangbubuwisit niya. Akalain mo ba namang magpadala ng sandamukal na bulaklak sa loob ng bahay, nagmukha tuloy flowershop yung bahay ng pagkauwi ko galing sa school.

                “Ano ito ah?” sigaw ko pa sa kanya sa telepono.

                “Nagustuhan mo ba?” tinignan ko si Nanay, kinukuha yung ibang bulaklak at ini-isa-isa na itong inilalagay sa may bakuran naman. Hays.

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now