Chapter 10

171 4 0
                                    

Chapter 10

Jasmine’s POV

                “Susunduin kita bukas, after ng trabaho mo may pupuntahan tayo.” Text na galing kay Mr. Yabang. Oo Mr. Yabang ang tawag ko sa kanya kasi wala siyang kasing yabang. Hindi ako nagreply, magpapakipot parin ako kahit na kaming dalawa na. hays! I can’t believe this. Dati pangarap ko lang siya ngayon nahahawakan ako na siya. Iba talaga ang powers mo God! Thank you so much, sa lahat ng mga biyaya. Si Cloud ang pinaka-malaking blessing na natanggap ko sa tanang buhay ko.

                “Anakkkkkkkkkkkkkkkkkk…” rinig kong sigaw ni Nanay sa ibaba. Kaagad akong lumabas ng kwarto ko upang tignan kung anong nangyari sa Nanay ko at kung makasigaw ay akala mo may mamamatay.

                “Ano?” inis kong bungad sa kanya.

                “May sulat ka, kailangan raw kasi ikaw itong magreceived ng sulat,” mahinahong sagot niya. Hinarap ko yung kartero.

                “Sige kuya akin na ho yan,” saka ako kinuha ang sulat at pinirmahan ang isang papel na inabot niya sa akin at saka umalis na itong kartero.

                “Ano yang sulat na yan anak?” pag-uusisa pa ni Nanay sa sulat na natanggap ko.

                “Galing ba yan kay Cloud? Ang sweet ah? Old school, naalala ko tuloy yung nakaraan namin ng tatay mo…” pinahinto ko si Nanay dahil aabutin kami ng isang araw sa pagkukuwento niya ng lovestory nila ni Tatay.

                “Okay na Nay, umay na umay na ako sa lovestory niyo ni Tatay okay? Wag kayong mag-alala wala lang ito,” wala nga lang ba ito?

Cloud’s POV

                Gaya ng sinabe ko, susunduin ko si Jasmine sa trabaho niya. At gaya din ng inaasahan ko kinikilig parin ang mga estudyante niya sa tuwing nakikita kaming magkasama. Para nga akong artista sa harapan ng mga estudyante niya kaso ang napansin ko, parang wala siya sa mood? Ni hindi nga ako nito kinukulit at yun siya naman yung kinulit ko? Hindi naman niya ako sinasagot gaya ng ginagawa niya?

                “May problema ba?” mahinang tanong ko sa kanya sa loob ng kotse, hindi siya sumagot. Hinawakan ko ang kamay niya, saka siya tumingin sa akin na parang may bumabagabag sa kanya.

                “I know kinakabahan ka, hindi ka naman kakainin ng mga kapamilya ko, kaya don’t worry just be yourself.” Sabi ko nalang sa kanya at saka ito pilit na ngumiti sa akin.

                Pagdating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ni Jena, masigla ito as always na sinalubong si Jasmine at niyakap-yakap pa niya ito na parang sobrang close na sila sa isa’t isa, pero wala paring reaksyon ang mukha ni Jasmine sa ginawang iyon ni Jena sa kanya. Kakaiba talaga ang kilos niya.

                “Oh? Nandiyan na pala kayo, pasok na kayo sa loob nakahanda na ang dinner,” yaya pa sa amin ni Sky. Tumingin lang si Jasmine sa akin at saka hinila ang kamay ko at magka-holding hands kaming naglakad papasok sa loob ng bahay patungo sa may dinning area. Pinaghandaan talaga ni Sky ang araw na ito, parang siya pa ang mas excited sa mga nangyayari sa akin ngayon. Kaya espesyal ang mga niluto niya para sa okasyon ngayon gabi.

                “So ikaw pala si Jasmine, parang iba naman ata yung kiniwento sa amin ni Cloud na masayahin, maingay at higit sa lahat…” tinignan ko ng masama itong si Sky at parang nabasa niya ang gusto kong sabihin. Hinila ko ang kamay ni Jasmine at lumabas kami ng bahay.

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now