Chapter 12

133 4 0
                                    

Chapter 12

Cloud’s POV

                “May picture ba kayo together?” tanong ni Mandy sa akin. Umiling ako.

                “Don’t tell me na naniniwala ka na hindi siya nag-exist?” inis na sabi ko sa kanya.

                “Hindi ko naman sinabe ah? Pero kasi…” bigla siyang natigilan sa pagsasalita noong sumigaw ako.

                “Enough,” sigaw ko sa kanya.

                “Cloud, pwede bang magchill ka lang?” pagpapakalma pa niya sa akin. Pero naiinis na talaga kao sa nang oras na iyon.

                “Paano ako magiging kalmado kung hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin.  Four months ago was the happiest months of my life. Having her in my life, being her in my life. Tapos ngayon gusto mong maniwala ako na hindi siya nag-eexist? Na hindi siya totoo, na kathang isip ko lang siya?”

                “I never said that pero kasi…” I see her bit her lower lip.

                “Si Tita, nakita niya na may kasama akong babae. Ipakilala pa kita sa kanya noong dumalaw ako dito. Noong na-coma ka pa. sinabe pa niya sa akin na tutulungan niya akong bumalik ka sa katawan mo.” Biglang dumating si Tita sa likuran ko, hinaplos niya ang likuran ko. At napalingon ako sa kanya.

                “Wala kang kasama sa tuwing dumadalawa ka dito.” Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko.

                “No! you kidding me right?” natatawa ko pang sabi. Lumapit siya kay Mandy at niyakap niya ang kanyang anak, habang umiiling at napapaluha.

                “God! No” nagtatakbo ako palayo sa bahay nila Mandy at  kaagad akong pumunta sa school na kung saan nagtuturo si Jasmine muli kong nakita ang mga estudyante niya.

                “Pumasok ba si Teacher Jasmine?” kumunot ang noo ng mga estudyante nila, may nagtuturo ng minutong iyon pero wala akong pakiealam kung naestorbo ko man siya sa pagtuturo niya. Sabay-sabay silang umiling sa akin.

                “Who are you?” tanong sa akin ng mukhang mataray na guro ng mga estudyante ni Jasmine.

                “Sabihin niyo sa akin na totoo si Jasmine.” Naiiyak na pagmamakaawa ko sa mga estudyante nila pero hindi sila makatingin sa akin ng maayos, pinalabas na ako ng mga guard kasi nakakagulo na ako sa klase ng mga bata. Pero binitawan naman kaagad nila ako noong nakalabas na akong ng paaralan. Isa nalang ang nakakilala kay Jasmine walang iba kundi ang pamilya ko. Kaya kaagad akong umuwi sa bahay upang kausapin sila Jena at Sky tungkol kay Jasmine.

                “Sky… sky…” sigaw ko pa sa loob ng bahay.

                “Anong sinisigaw-sigaw mo diyan?” si Jena ang bumungad sa akin. Hinawakan ko siya sa balikat niya at niyugyog ito.

                “Diba nakita mo si Jasmine? Diba? Diba? Noong…. Noong pumunta siya dito noong pinakilala ko siya sa inyo diba?” panay parin ang yugyog ko sa katawan niya pero hindi siya makatingin sa akin ng maayos, tumingin pa siya sa likuran ko at nakita kona nasa likod ko na pala si Sky. Doon ko na binitawan si Jena at lumuhod naman ako sa harapan ni Sky.

                “Sabihin niyo naman sa akin na hindi ako nababaliw, please dahil kunting-kunti nalang mababaliw na talaga ako sa mga nangyayari.” Hinila niya si Jena sa gilid niya at niyakap ito ng mahigpit.

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now